Thomas
Mabilis naman akong nakapag adapt sa bagong environment dahil na rin sa pagkakatanggap ko sa DLSU Green Archers. Nagkaroon ako ng pangalawang pamilya sa kanila dahil iisang dorm lang kami nagsestay during the season.
Isa sa mga pinaka naging close ko sa kanila ay siyempre si Jeron, pangalawa ang aming loverboy na si Kib at tsaka ang napakamatayog na si AVO. By matayog, I mean he's very tall.
"Bro! Bro! Bro!" I saw Kib na sobrang nagmamadali at pinagpapawis pa.
"Anyare sayo Kib?"
"Eh kase!!!!!! Pengeng favor naman thom oh!"
"Pft. Sige ba kung kaya ko."
"Yakang yaka mo to bro! Kase nga nagsabay ang Title Defense namin sa Bio at yung photoshoot ko sa GreenTees! Huhuhuhu. Please please naman tom." mukha na siyang baliw kakalupasay sa sahig.
"Uhm? Ano ba gagawin ko? Magdedefend?" Malabo tong isang to eh. Di pa rin sinasabi yung favor na hihingin.
"Ogag! Hindiii! Ikaw na lang mag model ng mga damit sa photoshoot please!!!"
"Ano ka Kirell Brandon?! Hilo?! Di ako marunong ngumiti para sa camera!"
"Bro naman eh!! Kaya mo yan! Tsaka by pair naman yung shoot, panigurado experienced na yung ipapartner sayo!"
"Sige na nga!" I agreed half heartedly. "Anong oras ba yang shoot na yan?!"
"Yeeees!! In about 5 minutes sa Photography room sa Arts and Letters Building. Thank you! Bawi na lang ako!" sigaw niya sabay takbo. Loko loko talaga yun, dinamay pa ako sa road to being a Bench Model niya.
Shoot. 5 minutes na lang pala tapos nasa kabilang building pa yung room!
Nagmamadali na akong tahakin ang hallways at nakita ko namang maraming napatingin sakin, Thesis day pala ngayon ng iba ibang Science courses at nakakaagaw pansin ang pagiging frantic ko.
Badtrip. Napatingin ako sa suot ko. Di ko napansin na di pa pala ako nakakapagbihis mula sa jogging kanina! Sa sobrang pagkabother ko sa nasuot ko may nakabangga na pala sa aking babae.
...at ako pa yung napaupo. Bwisit.
"Uy..kuya sorry talaga!" Tumayo naman ako agad at inangat ang mukha ko para magkalevel na kami. "T-t-tom?! Naku sorry talaga! Nagmamadali kase akong magpaphotocopy nag abstract namin for the defense!"
Si Ara pala.
"Okay lang yun. Di rin naman kase ako napatingin sa dinaaraanan ko. May photoshoot kase akong pupuntahan kagagawan ni Montalbo!" Ang daldal mo talaga, Thomas Christopher, di naman niya tinanong kung san ka pupunta eh.
"Naks naman photoshoot! Wag mo akong kalimutan pag sikat ka na ah? Sige mauna na ako!"
Kelanman hindi ako yung nakalimot, Ara.
Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa marating ko yung Photography room. Bale second division to ng Journalists dito sa LaSalle para sa promotions, VTR at minsan rin para sa features daw for the School Paper (Sinabi lang rin nung tour guide sa Campus Tour)
"Thomas? Thomas Torres? Halika pasok ka dali!" hinila naman ako ng chinitang maliit papunta sa loob. Kaunti lang naman pala yung tao dito. Feeling ko nga staff yung iba tapos may area na may inaayusan. Wala naman masyadong pumansin sakin pagpasok ko, busy ang lahat eh.
"Madame pakiayusan na nga si Thomas!" sabi ulit ng babae dun sa isa pang babae na matangkad. Seriously. Sobrang tangkad niya for a girl.
"Sure thing, Michiko." sabay kindat. "Oh halika na dito Green Archer!"
Sinimulan niya naman akong lagyan ng parang malapot na likido sa mukha. Tapos sumunod naman yung parang pulbos kaso di masyadong maputi?
Sorry di ko talaga alam tawag dun.
"Ayan! All set na! Eto pala yung susuotin mo for the shoot. Hihihi ang gwapo gwapo mo talaga nako sobrang matinik ka na sa chicks after this shoot hala sige bilis magbihis ka na turn left then another left second door sa right okay babush!" mabilis at tuloy tuloy niyang sabi at agad na siyang pumunta sa may photographer's area Kahit naguguluhan ako sinunod ko na lang.
Nakarating naman ako dun sa tinuro niya na may dalawang pinto, isa sa kaliwa at isa sa kanan.
Uhm...sa left siguro yung sabi niya? Tama tama. Left yun.
Binuksan ko naman agad yung pinto kase hindi nakalock ng biglang...
"AH! Manyak! Pervert! Maboboso! Malandi! Maharot!" nagulat naman ako nung pinaghahampas ako ng tao sa loob. Shit. Babae ata to. Pero I admit, napatawa ako sa sinasabi niya, saan nanggaling yung malandi at maharot?
"Oh ano hindi ka pa aalis---" napatigil siya nung magtama yung mata namin at nanlaki ang mata niya "SHIIIIIT!!! KUYA POGI!!!!"
You read it right. Si snow white na mahilig sa aso ang nasa loob ng closet na to.
"Uy Arra...." naiilang ko pa ring sabi. Naka tapis lang kase siya ng tuwalya eh.
"Model ka rin ng GreenTees?!" napatigil naman siya ulit nung nakita niyang naiilang ako at napatingin sa katawan niya "Ay shit sorry! Nasa right door ang bihisan ng lalaki! Bye!" sigaw niya tapos marahas na sinarado ang pinto.
Nice one, Torres. Siguradong sigurado ka pa sa left door ah?
Agad na akog nagbihis sa right door at mahinang sinapok ang ulo ko.
Sure, I've seen all women in their Birthday Suit but what the hell! Kahit nakatapis pa si Arra sobrang lakas ng impact sakin.
I shook of the malicious thoughts. "Bagong buhay, Thomas. Bagong buhay." sabi ko na lang bago lumabas.
Noong nakarating na ako sa labas, nakita ko na all set na pala for the photoshoot. Nakaposition na ang cameras at reflectors.
"So Thomas you'll be paired today with Ms. Arra San Agustin. Wala namang mahirap sa shoot na to as long as madala niyo ng mabuti ang School's pride sa shirts. Okay? PWESTO NA! BILISAN NIYO! KAY KUPAD KUPAD KUMILOS." nabigla naman ako sa biglaang pagchange of attitude ng photographer.
Pumwesto na kami ni Arra sa gitna at nakailang shots na rin bago sumabog ang photographer.
"Thomas, right?" nonchalant niyang sabi.
"Yes sir--I mean mam, yes mam."
"hmmm..alam mo ba na...NAKA 10 SHOTS NA TAYO AT WALA PA RIN AKONG NAKIKITANG GENUINE SMILE MULA SAYO HALA MUKHA KANG TUOD SA PHOTOS JUSKO LORD."
"Let's start over na lang, Alex. Baguhan lang naman si Tom sa photoshoots eh."
Nice. I have a dazzling damsel in shining green shirt to the rescue.
"Okay fine." pagsuko ng photographer. Mukhang nirerespetong model dito si Arra.
"Play for the camera in 3..2...1..."
She kissed me on the cheeks. Nagulat ako at napatingin sa kanya and I swear the whole set was deadly silent when she smiled at me.
Screw sparks, I feel fireworks.
BINABASA MO ANG
Uncoventional And Disturbing (ThomAra)
RandomThomas Tores enters De La Salle University with a baggage of his dark past, he then reconnects with former childhood friend Ara Galang who seem to have changed throughout the years. Time changed them both yet feelings still remain the same, or do th...