UAD 11: B

1K 34 5
                                    

A/N: ThomArra ahead(??)

Thom.

"Saan nga ba kase tayo pupunta Thom?"

"Secret. Matulog ka muna."

"Thomas ah, kahit gwapo ka at crush kita at boyfriend kita umayos ayos ka ah! Baka pagsamantalahan mo lang ako sa magandang lugar kaya nakaroadtrip tayo!"

"Nako mga imahinasyon mo talaga, B. Kalma lang, I'll never do anything to cause you harm."

Alam kong medyo wala pa siya sa wisyo ngayon. It's still 4am in the morning at sinundo ko siya for a surprise. Timing kase na after that win may 3 day break pa kami before the next one.

"Anong gagawin natin dito sa Rizal?!"

Napatawa na lang ako sa naging reaction niya. Binaba kami ni Mang Bert sa Sampaloc at may naghihintay na tricycle doon.

Nagtulungan naman kami para mailipat ang gamit namin sa tricycle. Di na kase kakasya ang pickup sa makitid na daanan papunta sa Brgy. Daraitan.

"Bye po manong bert!" pagpapaalam naming dalawa sa kanya.

"Oy ha. San ba talaga tayo pupunta? Ano ba yan thom, Kinikilig na ako. " Sobrang kalog talaga ng babaeng to.

"Baliw. Makikita mo rin mamaya promise. For the mean time, river rafting tayo?" sabi ko sabay turo sa balsa na dapat gagamitin namin para tumawid sa Daraitan River.

Kinuha ko naman ang pangsagwan at nakita ko namang gulat na gulat siya. "Marunong ka?!"

"Skills, B. Skills."

"Di ako B. A ako." sabay behlat.

Nagsimula naman akong magsagwan at siya naman panay selfie kaya nung may malaks na hampas napasigaw siya "AY ANO BA YAN!" kase muntik na siyang mahulog sa balsa. Buti nahawakan ko. "Huhuhu. Tingnan mo B, ang picture!"

Sumakit naman tyan ko kakatawa. Sa picture kase imbis na nakangisi siya ay nakanganga siya habang nakahawak sa kamay ko na parang doon nakasalalay ang buhay niya.

Saglit lang naming dinaanan ang Daraitan River kaya nung dumating sa pampang ay inalalayan ko siya para makatawid.

"Selfie nga diyan. B!"

Agad naman akong ngumiti para sa camera. Damn. I really look good in pictures when I'm with her.

We signed ourselves up sa baranggay hall tapos nagsecure na rin kami ng guides. His name is Manong Carding.

Tsaka nalaman na rin ni Arra finally ang rason kung bakit andito kami sa Daraitan, we're going to hike a mountain.

"Mabuti naman po ser, mam. Na ganitong bagay ang naisip niyong gawin para sa date niyo. Madalang na rin kase ang mga bisita namin dito. Pero sinisigurado ko pa sainyo na worth it ang pagakyat dito."

"Ngayon ngayon ko nga lang din nalaman manong na eto pala ang plano nitong si Thomas eh!" pagmamaktol naman ni Arra at natawa naman kami ni Manong.

We started to climb the mountain. Occasionally, Arra would ask for some water dahil hinihingal raw siya.

"Would you like to go down, B?" worried kong sabi nung napansin kong humihina na rin ang pace niya. Kaunti palang naman ang naakyat namin at madali pa namang makababa.

"No. I'm really okay, Thom. Di lang talaga sanay sa physical activities."

"Basta pag di na kaya, sabi kaagad and we'll cancel this okay?"

"Yes sir!" at nagsalute pa siya.

We hiked for 1 hour before Arra called for a rest sa may cave. The cave was old, pero sobrang well maintained. Inside was crystal clear limestones kaya naman enjoy na enjoy akong kunan si Arra habang nagpopose sa rock formations.

Uncoventional And Disturbing (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon