Who would have thought that a woman with a gorgeous face and a curvaceous body is actually a freaking police officer?
She's hunting down bad people, but what if she stumbled upon a man with a nerve-wrecking attitude and. . . a BABY?
Could she still...
"HOW could you just die like that, you rotten piece of shit. Did you know how many people were killed because of that fucking sindicate of yours?" Ani ko habang nanlilisik na nakatingin sa walang buhay na katawan ng isang lider ng sindikato.
Namatay ito dahil sa tama ng bala na sentrong tumama sa sentido niya.
Nagsagawa ang aming buong team ng buy-bust operation upang matimbog ang kuta ng isa sa pinakamalaking sindikato sa bansa.
Mula sa itaas ang kautusan na ipahawak sa Criminal Investigation and Detection Group o mas kilala sa tawag na CIDG ang high-profiled case na ito.
Ilang araw narin naming tinitiktikan ang mga miyembro nito na nagtutulak ng droga sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas.
At nang makapasok na ang agent namin sa mismong warehouse kung saan doon nagaganap ang transakyon ay iyon na ang hudyat para ipadala ang back up.
Marami sa aming kasamahan ang may tama ng bala dahil sa shoot out na nangyari.
At iyon ang ikinakagalit ko.
Muli kong pinasadahan ang nanlalamig na bangkay sa harap ko.
Buong lakas ko itong tinadyakan sa tagiliran dahil sa sobrang inis.
Dapat nagdusa siya sa kulungan.
Dapat naranasan niya ang impyerno dito sa lupa.
It was an easy death for him.
Too bad. Hindi niya man lang napagdusahan ang kasalanan niya sa loob ng malamig na rehas.
Nakaramdam ako ng mainit na bagay na pumatong sa aking balikat.
"Madam Kap! Tama na ho. Patay na nga yung tao papatayin mo pa ulit. Botcha ganon?" Komento ni SPO I Bartolome Espinosa.
Mahinang hinawi ko braso nito.
"Tigil-tigilan mo nga ako, Berting! Nakita mo naman kung ilang katao ang nabiktima ng droga niyang hayop na iyan!"
Napa-iling ito sabay pakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Easyhan mo lang, Madam! Paniguradong doon naman yan magdudusa sa piling ni Satanas." Sagot nito tsaka lumakad paalis.
Sana nga.
Doon siya magbayad ng kasalanan niya.
Paalis na din sana ako nang natanaw kong huminto sa paglalakad si Berting na ngayo'y nasa unahan ko lang.
"BART po dapat ang palayaw ko! Ang pangit pakinggang ng BERTING!" Sigaw niya.
Napatawa na lang ako ng malakas.
Kahit kailan talaga ay maloko 'to si SPO I Espinosa. Dalawang taon na rin kaming magkasama mula nung ilipat siya sa CIDG.
Trenta'y-sinco na ito ngunit wala parin siyang forever.
Ang palagi naman niyang dahilan ay nadapa raw ito sa tae ng kalabaw na una ang mukha. Kaya nagbago raw ang hilatsa ng kanyang gwapong mukha.
Natatawa na lang kaming lahat sa headquarters kapag kinukwento niya iyon.
Tinungo ko ang puwesto kung saan ko pinarada ang aking Ducati Monster 821 Stripe na bigay ni Uno noong makalabas na ako sa PMA.
Sa aming apat namagkakapatid ay ako ang bunso. Si Uno o Kuya Midas lang ang tanggap na gusto kong mag-Pulis.
Siguro dahil nadin sa trabaho niya kaya magkasundo kami. Nagpapatakbo ito ng isang private security agency na nagpapadala ng mga bodyguards sa malalaking pangalan sa industriya.
Hanggang ngayon ay wala padin akong nababalitaan na kasintahan ni Uno ganun din maging si Dos o Kuya Mikaeli. Mabuti pa si Tres o Ate Mira may asawa't anak na! Naunahan niya pa ang dalawa naming bugok na kuya. I'm happy for her. Simula ng ilipat na ako sa CIDG ay mas napalpit ako sa pamilya ni Tres. Noon kasi sa Laguna pa ako nadestino bago napunta rito.
Ngayon, palagi kong dinadalaw ang ubod na cute kong mga pamangkin.
Naalala ko tuloy. . .
Noong bata pa lang ako ay nakahiligan ko na ang mga baril.
I remembered when i was watching a james bond movie noon. Napamangha at napahanga ako sa nang makita ko ang mahabang rifle nito na sunod-sunod ang putok.
For short. I fell in love at the first sight of a gun.
Mula noon ay pinagsusummer na ako ni Tatay ng iba't ibang klaseng martial arts at self-defense.
When i was in high school i even snuck out of the class just to attend a marksmanship competition.
Syempre it was an underground competition. Sino ba naman ang tatanggap ng minor de edad na kalahok?
Napangiti na lamang ako habang inaalala ang mga kabulastugan ko noon.
Mabuti na lang at nasa States na sila Nanay at Tatay. Parati kasing naghehesterical ito kapag nasa bansa. Una dahil sa delikado kong trabaho at pangalawa dahil sa namayapa naming Lolo.
Napansin kong malapit na pala ako sa building kung saan matatagpuan ang aking condo unit kaya medyo binagalan ko na ang aking takbo.
Hindi ko maiwasang igala ang aking paningin sa bawat madaanan ko. Siguro'y nakasanayan ko na.
My eyes landed on a kid whose sitting beside the fountain at the front of a hotel while his arm is pressed against his eyes. I'm pretty sure he's crying.
Inihinto ko muna ang aking big bike sa gilid bago ko ito pinuntahan.
"Hey kiddo. Bakit ka umiiyak?" Marahang tanong ko nang makalapit na ako rito.
Huminto naman ito sa paghikbi.
Umangat ang kanyang tingin papunta sa akin.
Nagtama ang aming mata. Hindi ko maiwasang mabighani sa itim na itim na mata nito. Para akong hinihigop habang patagal ng patagal ang pagtitig ko.
Nauna itong mag-iwas ng tingin pagkatapos ay bumalik na naman sa paghikbi.
Nataranta ako bigla.
I unconsciously hugged him while caressing his back.
"It's okay. . . everything's gonna be fine." Pag-alo ko.
Unti-unti namang humina ang paghikbi nito. Nakaramdam ako ng kaligayahan. I really love kids.
Ngunit naudlot iyon nang may makita akong lalaking naglalakad papunta sa aming deriksyon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagmula ito sa loob ng hotel.
Sa pananamit at tindig pa lamang nito ay natitiyak ko na ito'y galing sa mayamang pamilya.
Lalong nakapagpadagdag sa appeal nito ang side part niyang hairstyle.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Ngayon ko lang ito naramdaman.
Huminto ito mismo sa tapat namin.
Tinanggal niya ang kanyang salamin.
May bakas ng galit ang mga mata nito habang tinitignan ako na hanggang ngayo'y naka-akap parin sa batang umiiyak.
"What are you doing to my son, woman?!" Galit niyang bitaw.