Second Shot

2.9K 92 6
                                    

DID he just yell at me?

Biglang kumulo ang dugo ko nang marealize na inaakusahan ako nito.

Pinakawalan ko na ang bata mula sa aking bisig.

Hindi na ito umiiyak ngayon.

Thank God.

Buong tapang kong sinalubong ang mga nanlilisik na mata ng aking kaharap.

"FYI, Sir. Wala po akong ginagawang masama sa anak niyo. Tinatanong ko lamang po kung bakit mag-isang umiiyak ito dito sa labas. Masyadong delikado po kasi para sa mga bata ang paglabas ng mag-isa lalo na't GABI po, SIR." Pagpapaliwanag ko.

Kahit narinig niya na ang paliwanag ko ay hindi parin nawawala ang mabagsik na aura nito.

Pinarisan niya ang intensidad ng mga titig ko.

"Well. That's your job, Officer. . ." huminto ito upang tignan ng malapitan ang aking apelyido na nakaburda sa aking dibdib. ". . .Ramos. I don't need to mention my thanks anyway. I'm a good tax payer so that gives me a benefit, eh?"

Iyon lang ang sinabi niya bago kinarga ang bata at lumakad pabalik sa loob ng hotel.

Naiwan ako doon na tulala.

Did he just insult my job?

Did he. . . Bullshit!

He's acting almighty! Akala niya kung sino siyang makapangyarihan. He thinks he's omnipotent!

Dear God. . .

How could that man be a human?

Isa siyang perpektong halimabawa ng ANTIPATIKO.

Antayin mo lalaki ka!

May araw ka rin.

∆ ∆ ∆ ∆

BUONG gabi ko pinaggugulang isipin ang antipatikon nakilala ko kagabi. Ewan ko ba. Pero tumataas talaga ang dugo ko tuwing maalala ko ang mga katagang sinabi niya.

Oo nga't mayaman ito. Ngunit wala siyang karapatan insultuhin ang mga taong katulad ko.

"Oh Madam easy! Kawawa naman yung papel oh. Nilamukos mo na nga pinunit-punit mo pa." Pansin ni Inspector Ramil Malagutan.

Kasalukuyang nandito ako ngayon sa HQ dahil kailangan pang gawan ng report ang pangyayari kahapon.

Iilang officer din ang nandito ngayon kasama ko. Ang iba naman ay nasa field nagiimbestiga tungkol sa nakaassign na kaso sa kanila.

Tinignan ko ng masama si Inspector.

"Nako Inspector. Lumayo-layo ka nga kay SPO 1 Berting at nahahawaan ka na ng epidemyang kinakalat niya. Sayang iyang mukha mo! Pang-model pa naman." Ani ko.

Napahawak naman ito sa makinis niyang mukha na parang niliha dahil wala ni isang pimples.

Buti pa itong si Inspector Malagutan kahit papaano nagkasyota eh si SPO1 Berting ni isa wala pa!

"Huy Madam Kap wag ka magbiro ng ganyan! Bukas na bukas maghihilamos ako ng holy water!" Iyon lang ang sinabi niya sabay alis.

Natawa naman ako sa reaksyon nito.

Takot talaga siyang matulad kay Berting na pinutukan ng ilang bulkan sa mukha.

Naalerto ako nang mapansin kong parang may kumakaluskos sa bandang pinto.

Dahan dahan kong inilabas ang maliit na dagger na nakasuksok sa ilalim ng table ko.

Mas lumakas lalo ang kaluskos.

She Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon