MABILIS kong pinsadahan ulit ng tingin ang papel kung saan nakalagay ang identity ko.
Ngumiti ako ng malademonyo.
Siguradong magugulat ang antipatikong iyon.
Ngunit may isa akong problema.
Noong gabing iyon naalala kong nakasuot pala ako ng polo shirt na may nakaburdang apilyido sa kaliwang dibdib at may badge sa bandang itaas.
I mentally slapped myself. Shit. Sana hindi nito maalala ang mukha ko. Kundi yari talaga ako.
Hindi namin pupwedeng ibigay ang totoo naming pangalan dahil isa iyon sa pinakamahalaga kapag naguundercover ka. Madali na lang magpaimbestiga ng tao ngayon lalo na kung alam nila ang pangalan mo.
Highly Confidential ang mga identity namin sa CIDG. Dahil halos lahat ng pulis roon ay mga big time ang tinitimbog na krimen. Para nadin sa proteksyon ng pamilya namin.
Patay talaga ako nito.
Mukhang matalas ang memorya ng mokong at alerto rin ito dahil mabilis niyang nalaman na isa ako pulis base lamang sa apilyido at badge.
Huminga ako ng malalim.
Kaya mo yan Miyani Shiva Ramos!
Remember when you lied to your Nanay about the underground competition? Just do it that way!
Napaniwala mo nga siyang group study lang iyon.
You lied without batting your eyelashes.
Pinikit ko ang aking mga mata at taimtim na nagdasal.
Lord God, please stay with me throughout this mission. I know I can do anything if You're with me always. Nananalig at naniniwala ako Sayo. You are omnipotent, omniscient, and omnipresent. So help me, God.
Idinilat ko na ang aking mga mata at inayos ang suot kong itim na slacks na pinarisan ng puting long sleeve at black na blazer. Protocol na ng mga bodyguard ang magsuot ng suit. Maliban na lang kung iibahin ng kliyente.
Nandito na ako ngayon sa labas ng building kung saan matatagpuan ang opisina ni Isis Amadeo Agustin.
Bago ako umakyat ay ipinakita ko muna ang aking ID na ipinrovide ng HQ para sa misyon.
"Ms. Lucia Patayan?" Basa ng receptionist sa lobby. Umangat ang tingin nito sa aking mukha bago kinuha ang telepono at may kinausap roon.
"Here is the keycard Ms. Patayan. Use the private elevator then swipe this card. Automatic na ibababa ka nun sa top most floor. Have a nice day. . ."
Kinuha ko na ang card na nakalahad at palinga-lingang hinanap ang private elevator 'kuno. Eh halos puro pangmasa naman ang mga elevator dito.
My gaze stopped at the shiny gold door na matatagpuan sa pinaka-corner ng lobby.
Medyo tago at hindi ito madaling makita ng mga tao.
Mabilis kong tinungo ang daan papunta roon. Nang makarating na ako sa tapat ay napansin kong walang ni isang pindutan dito. Tanging isang electronic machine lang ang nakakabit sa gilid.
I think the card was ment to swipe here.
Nang maiswipe ko iyon ay awtomatikong nagbukas kusa. Bumungad sa akin ang maespasyong loob. Kung titignan mo sa labas ay medyo maliit lang ang pinto ngunit mamamangha ka naman kapag nakapasok ka na.
Mas malaki sa pangkaraniwan ito na sa tantya ko ay kakasya ang isang daang katao kapag siksikan. Napapalibutan ito ng salamin at may iisang upuan na gawa sa ginto ang nakapuwesto sa gitna.

BINABASA MO ANG
She Got Me
General FictionWho would have thought that a woman with a gorgeous face and a curvaceous body is actually a freaking police officer? She's hunting down bad people, but what if she stumbled upon a man with a nerve-wrecking attitude and. . . a BABY? Could she still...