Eleventh Shot

2.5K 101 22
                                    

ISANG mahabang katahimikan ang pumalibot sa aming dalawa. Ako na ang naunang kumilos at umalis sa pagkakadagan.

"Sorry po, Sir." Mahina kong sabi.

Ni hindi ako makatingin sa mga mata nito. I'm so embarassed!

Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata na ito'y tumayo na habang hinihimas-himas ang ulo nito na siguro'y tumama sa sahig dahil sa pagkakabagsak.

Muling nagflash sa utak ko ang posisyon namin kanina.

Uminit bigla ang aking pisngi.

I can still feel his warmth against my skin. . . Lalong-lalo na sa aking dibdib kung saan nasubsob ang mukha nito.

I automatically hugged myself.

The place where our skin made contact feels hot.

It burns.

Napatigil ako nang marinig ko ang tinig ni Rad na kakagising lamang.

"Morning, Lucia." Bati nito sakin. He didn't even bothered glancing at his dad's direction.

Nagtatampo siguro ito dahil sa kagabing nangyari.

Tumikhim ako upang mawala ang awkward na atmosphere sa pagitan namin ni Amadeo.

"Good Morning, Rad! You should greet your Dad, too. Guess what? he's coming with us!"

Nanlaki bigla ang mata ng bata nang marinig iyon.

He quickly turned to his dad. Rushing to him with his arms open-wide.

Pinugpog nito ng halik ang mukha ng Ama while saying thank you over a few times.

And there. . .

I once again saw his genuine smile.

"Does this mean that. . . Lucia can be my Mom for a day?" Rad asked with twinkling eyes.

Muling sumikido na naman ang aking puso.

Kinakabahan din ako sa maari nitong sagot o reaksyon.

Baka magbago ang mood nito bigla!

There was a long silence before he finally said, "If that's what you want. . . Why not?"

Nagtatatalon din sa tuwa ang bata. Hindi makapaniwalang pumayag ang Ama nito sa kanyang hiniling.

Ako man din ay hindi makapaniwala.

Makahulugan kong tinignan si Amadeo na ngayo'y masayang pinapanuod ang anak na nagtatatalon.

Bakit kaya?

Anong nakain niya?

Imposibleng pumayag agad ito.

I turned red when his eyes met mine. Nahuli ako nitong nakatingin sa kanya!

Gulay!

Nakita ko ang pagbuo ng isang ngising sa mga labi nito bago ako umiwas ng tingin.

Ano kaya iyon?

Binalewala ko nalamang ito.

Ang importante. . . agad na nawala ang awkward na insidenteng iyon at sympre masaya na si Rad.

● ● ●

PAGPABABA na pagbaba palang namin ng sasakyan ay agad na nakatuon sa amin ang mga mata ng mga tao sa paligid.

Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa isang Isis Amadeo Agustin?

Kahit sabihin man na may anak na ito ay mas nakadagdag pa iyon sa kahanga-hanga sa kanya.

Sigurado akong maglulumpasay na naman sa kilig itong maharot na teacher ni Rad na lumalandi sa tatay niya.

Napaismid lang ako.

Mabuti na lang at may dala akong stiletto. Nako. Kung wala eh sanay nagmukha akong yaya kesa sa maging ina.

Nagtungo na kami sa gymnasium kung saan idadaos ang event.

Magkadikit kami ni Rad na naglalakad hawak nito ang kanang kamay ko samantalang si Amadeo naman ay medyo malayo sa amin.

Kanina pa tingin ng tingin si Rad sa Ama nito. Tila inaantay na kusa siyang lumapit.

Ngunit parang busy ang lalaki kakakalikot sa kanyang telepono.

"Luc-- i mean Mom, i think Daddy doesn't really want to come with us" malungkot na sabi sa akin ng bata.

He looks pitiful.

Ano ba naman itong si Amadeo! Akala ko pa naman ay tuloy tuloy na itong kabaitan niya. Iyon pala ay hindi rin nito bibigyang pansin ang anak.

Then suddenly. . . may naisip akong ideya.

Luminga-linga muna ako sa paligid upang makumpirma na madaming tao.

Yes! Madami. At halos lahat sila ay nakatingin samin.

Hinila ko si Rad papunta sa Ama nito.

Patay ka ngayon. Hindi ka na makakaangal! Ganti ko nadin ito para sa nangyari kaninang umaga.

Lihim akong ngumisi.

I quickly grab Amadeo's hand placing it around my shoulder.
"Honey, stop that. We're going to be late." Pasweet kong sabi.

Tila nanlaki naman ang mga mata nito. He looks shocked.

Ginantihan ko lang siya ng isang matamis na ngiti at lihim na binalingan ng tingin ang anak niya na ngayo'y nakangiting tumitingala sa amin.

Medyo napangiwi ito pero agad din namang sumakay sa gimik ko.

He pulled me closer to his body making my heart thump faster.

"I guess we should enjoy this whole activity then?" Saad nito while flashing his sinful grin.

Damn.

He got me cornered.

Ano pang magagawa ko? I made a wrong move. If only I knew na magbabackfire sa akin ang plano kong ito. . . Hindi ko na sana tinuloy.

I once again glanced towards this mans face beside me whose wrapping his big and long arms around my whole being.

Hindi ko maintindihan. . .

Why does it feel so wrong and yet so good?

Ngunit biglang umurong ang dugo ko nang mapadapo ang aking mga mata sa isang bulto ng lalaking nakatayo malapit sa pintuan ng gymnasium.

Naka-itim na polo ito nilang pantaas at tinernuhan ng ragged jeans. Nangingibabaw ang presensya nito sa gitna ng mga taong pumapasok sa gym. Mga pilipini nga naman. . . nakakita lang ng foreigner pinagtitinginan na.

Pero hindi iyon ang ikinababahala ko. . .

Anong pakay niya dito?

Alam ba nila Chief na pupunta siya rito?

We surely are in danger. . .

Ven Markovich. . . Ano ba talagang balak mo?

■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■

She Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon