SABI ko na nga ba't pulos kamalasan lang ang dala ng DENISE na pangalan na iyon sa akin.
Ayoko ng isipin o ni sabihin ang DEN--
Simula nang marinig ko ulit ang pangalan na iyon mula sa bibig ni Amadeo kaninang umaga ay tuluyan ng gumulo ang sistema ko.
Hindi ko alam kung bakit masyado kong pinagtutuunan ng pansin ang walang kwentang bagay na iyon. ..
Imbis na itong Ven ang dapat kong problemahin.
Pakialam ko ba sa love life ng damuhong Amadeo na iyon?!
Marahas akong umiling upang mawaksi ang isiping iyon sa utak ko.
Dapat mong tandaan Miyani,
Mas mahalaga ang kapakanan ng mga batang dinukot ni Markovich kesa sa love interest ni Amadeo!
Kasalukuyan akong nasa HQ para ireport ang aking mga nakita at iconfirm na may contact nga ang suspect kay Amadeo.
"Good job, SPO2 Ramos! Ipagpatuloy mo lang ang pagmamasid. Kailangan natin ng matibay na ebidensya kung kasangkot nga si Mr. Agustin sa black market." Ani Chief Vicente.
Nako Chief. Kung alam mo lamang ang mga pinagdaanan ko!
Para makahita lang ng impormasyon.
"Nga pala, Chief. Bakit wala po rito si Pit-- este Superintendent Robles?" Nagtatakang tanong ko.
Kanina pa hinahagilap ng mata ko ang anino ni Pito dito sa buong HQ.
Isang buong linggo din akong nawalan ng komunikasyon sa kanya dahil nadin nga sa kailangan kong ingatan ang aking identity.
"You weren't informed?" Gulat na sabi ni Chief.
Informed?
May dapat ba akong malaman?
Siguro'y nakuha na nito ang pagtatakang nakapinta sa buong mukha ko kaya kusa na itong sumagot.
"He'---" magsasalita na dapat si Chief nang biglang bumukas ang pinto ng opisina nito.
I was surprised to see the person i wasn't expecting.
Sinuyod ng aking mata ang kabuoan nito. Mula sa paa nitong nakasuot ng 6 inches stiletto. Sa mahabang mga binti nito na nababalot ng itim na stockings. Sa micro mini skirt nitong nahiya pang magpakita ng singit. Sa tank top nitong hapit na hapit na parang hiniram niya lang sa isang grade six. Sa burloloy na nakasabit sa leeg nito na kinabog si Tyga at Kanye West. At panghuli! Napunta din ako sa mukha niyang halos nilublob sa isang kilong harina.
Kung pagbabasehan ang tikas at tindig ay hindi ko ito makikilala.
Pero nang makarating ang aking paningin sa mukha nito .. .
Walang duda.
Kilalang kilala ko ito.
"BERTING?!" I exclaimed loudly. Hindi ako makapaniwala na magsusuot ng ganon si Berting!
Kinindatan lang niya ako sabay palo sa pwet nito at sigaw ng "Bet na bet! Pak na pak! Tumpak!"
Wala sa sariling natampal ko ang aking noo.
Anong pakulo ba ito?
Ganon na ba kasawi si Berting at naisipan niyang magsalin lahi?
Sasagot pa sana ako ngunit inunahan na ako ng tikhim ni Chief.
Biglang umayos ng tindig ang baklang si Berting sabay saludo.
"As i was saying, pinatawag si Superintendent Robles sa isang importanteng misyon. Kaya papalitan ito ni SPO1 Espinosa. Mula ngayon ay papasok ito bilang hardinera sa pamamahay ni Mr. Agustin. Binigyan ko nadin ito ng identity. Kayo na ang bahalang magplano ng susunod niyong hakbang. Understood?"

BINABASA MO ANG
She Got Me
Fiksi UmumWho would have thought that a woman with a gorgeous face and a curvaceous body is actually a freaking police officer? She's hunting down bad people, but what if she stumbled upon a man with a nerve-wrecking attitude and. . . a BABY? Could she still...