Jazlykdat's Secret

10.2K 254 81
                                    

Let me tell you a secret kung bakit parang ang konti lang ng filler scenes sa mga stories ko. Charot! Kung bakit dire-diretso sila at walang kaek-ekan. Haha!


Before I create a story, I determine the entire plot. Iniisip ko na agad ang gusto kong maging ending ng story para kapag nagsulat ako may patutunguhan. Lahat ng scenes na ilalagay ko papunta lahat sa ending.

BUT before I create the plot of my story nag-uumpisa siya sa kung ano ba ang gusto kong iparating. Anong lesson ang gusto kong i-impart? Ano ang ipinagkaiba nito sa lahat ng nabasa ko na?

Kapag nasagot ko ang mga tanong na iyon saka ko binubuo ang plot.

I determine the scenes na puwede kong ilagay sa mga parts. Parang skeleton parts ng story. Dahil sobrang bilib ako sa sarili ko minsan, 'yong isang chapter dalawang word lang ang inilalagay ko.

Example:

5. Magseselos si boy

6. Away sila

7. May eeksena

Saka ko na lang iniisip ang eksenang ilalagay kapag nagsusulat na ako. Basta lahat ng parts patungo sa ending.

I put enough twists na hindi OA. Baka kasi sumobra sa twists. Pero minsan feeling ko ang boring at wala masyadong twists. Hehe!

I don't put a lot of characters, magulo kasi. Naka-focus ako sa bida kasi yung secondary characters iba din ang story nila at walang sense kung ilalagay sa story ng mga bida. Makagugulo lang sila.

If you have been reading my stories, you'll know that I love fast paced/phased stories at halos lahat ng mga characters ko nasa tamang edad o lumalagpas na sa tamang edad kapag sumuong sa relasyon.

I don't like early marriage and teen relationships. Gusto ko na kahit may maligaw na teenagers sa story ko, makikita nila na ang edad ng characters ay nasa husto na kapag nakikipagrelasyon.

Mapapansin niyo rin na hindi ako naniniwala sa long courtship at engagement kasi nga nasa tamang edad na yung mga characters. They already know what is right and wrong. They know na kapag nagkamali man sila kaya nilang panindigan which is a lesson I want to impart.



Lahat ng gusto ko sa isang kuwento na hindi ko makita kapag nagbabasa ako ng mga stories ng iba, inilalagay ko sa mga stories ko. It goes to say that I write as I want to read it. Kaya kung hindi mo nagustuhan, wala akong magagawa, ganyang story ang gusto kong basahin eh.

Kanya-kanyang opinion lang yan kaya shut up na lang. Haha! #DanielPadillaIsLove

Oh, di ba nagkagulo ang buong Pilipinas dahil lang sa #ShutUp ni Daniel Padilla? Ang sikat ni bebe love. Hehe!

GANITO LANG YAN, my story is my own opinion written in novel form. You may throw your own opinion and rebuttal in the comments section but be polite. If you can't be polite, just SHUT UP! Hehe!

But there is one thing I am proud of, most of my readers are matured and educated. Halata sa mga comments nila sang-ayon man o hindi sa story na edukado sila.

There are just one or two na halatang maleducated kung magbigay ng comment. Hindi alam ang pagitan ng constructive criticism at bashing criticism.

Let me tell you the difference between concerned reader and basher.

'Yong concerned reader, magvo-vote at magco-comment kung maganda ang chapter, minsan naka-follow pa.

'Yong basher, hindi yan nagvo-vote at nagco-comment, hindi naka-follow pero kapag may nakitang mali kuntodo comment na parang kaya niya ring gumawa ng sarili niyang nobela. Haha!

Sasabihin niya na may karapatan siyang magcomment dahil may comments section sa story at ipinost ko publicly ang story kaya may karapatan siyang mag-comment.

Well, I strongly agree na may karapatan ang reader na mag-comment. TAKE NOTE, mag-comment hindi manlait.

Be polite in giving your criticisms. Kung constructive, say something that would make the story better pero huwag sobrahan dahil magmumukha kang nagmamagaling. Hehe!

Mahirap gumawa ng story amidst daily struggles. Halos lahat ng mga writers ay hindi full-time sa wattpad. Madalas nagsusulat lang sila out of hobby and passion. And like any other raw writers na walang editor, expect some grammar and spelling flaws. Madalas ay mga typographical errors lang 'yon na nagiging inappropriate grammar na kung minsan. Mahirap kasing iwasan 'yon sa dami ng sinusulat. Most writers would agree with me except 'yong sobrang meticulous at exceptional sa grammar at spelling. Hehe! May mga gano'n kasing writer.

Kaya kung ano man ang mababasa mo diyan na mali, palagpasin na lang kung konti lang naman.

If you don't like the writing style, STOP READING. Don't continue and give bad comments later on. Kasi nga kanya-kanyang preference lang yan. Kung ayaw mo, leave the story. Wala namang mawawala sa 'yo.

YUN LANG! Hehe!

Leave it,

Jazlykdat (just like that)

Behind Jazlykdat's StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon