CHAPTER 43 For the sake of love

139 1 2
                                    

CHAPTER 43

For the sake of love

VINCENT’S POV

“ang pogi natin ah. san lakad mo kuya Vincent?” sabi ni pau. Makakuya naman wagas..

“kay nikki” sagot ko

“whoa!! Good luck.. pwede ba kong sumama?” sabi naman ni venjie.

“wag na.. baka masira pa ang diskarte ko.. kaya ko na ang sarili ko” sagot ko habang inaayos ang damit ko sa harap ng salamin..

“daya” sabi ni venjie.

“babalitaan nalang kita.sige alis na ko” lumabas ako ng bahay at gaya ng sinabi ko pumunta ako sa bahay nina nikki..

DING DONG DING DONG DING DONG…

Naka ilang doorbell na ata ako pero wala paring lumalabas.. wala sigurong tao. Papaalis na sana ako ng may biglang tumawag sakin..

“SIR VINCENT!!” nakita ko si ate lorie na kasambahay nina nikki na bumaba sa isang kotse..

“kanina pa po ba kayo?? Pasensya na po sinamahan ko kasi si maam nikki na maggrocery”

“ok lang yun ate” tapos ngumiti nalang ako sakanya.. pero nawala yung ngiti ko ng makita kong bumaba si nikki ng kotse.

“ikaw yung lalaking nakita namin kagabi ni aj..”

“Oo ako nga.. nikki si Vincent to. hindi mo ba talaga ako naaalala?” nakatitig lang siya sakin pero wala akong makitang emosyon sa mukha niya..

“ah tara sa loob tayo mag-usap” yun lang ang sinabi niya.. binigay niya sa guard nila ang susi ng kotse at pumasok na kami sa loob..

“upo ka!” sabi niya.. at umupo rin siya..

“nikki. Ako to si Vincent.. yung boyfriend mo”

“aah kuya nagpapatawa ka ata.. may boyfriend ako si AJ” tapos ngumiti siya..

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya..

“nikki tingnan mo ko.. tumingin ka sa mga mata ko.. nikki ako ang boyfriend mo hindi si AJ.. wag kang maniniwala sakanya. Siya ang dahilan kung bakit ang dami nating pinagdaanang problema noon.. nikki hindi mo boyfriend si AJ dahil pin……………..”

“VINCENT!” napatingin ako sa may pinto at nakita ko si Aj.. bumitaw naman si nikki sa mga kamay ko at yumakap sa braso ni AJ..

“Anong ginawa mo kay nikki?? Puro kasinungalingan ang alam niya” sabi ko habang pinipigilan ko ang galit ko..

“walang kasinungalingan!! Ginawa ko lang ang dapat!” sabi ni Aj.. na nakangiti pa sakin..

“HAYOP KA TALAGA AJ!! MAKAKARATING ANG LAHAT NG TO KAY NA TITA FROCINA AT TITO GABRIEL”

“Nikki tumaas kana sa kwarto mo.. ako na ang bahala dito” sumunod naman si nikki at dali-daling umakyat at pumsaok sa kwarto niya.

Unti-unting lumapit sakin si Aj at pinisil ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay niya..

“HAHAHAHAHAHA!.. sige magsumbong ka. Goodluck nalang sa byahe papauntang langit” nagtaka ako sa mga sinabi niya.. tinulak ko siya at akmang susuntukin pero napigilan niya ko at hawak hawak niya ngayon ang wrist ko..

Kung tayo....tayo talaga (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon