CHAPTER 13 Si BRIAN :)

219 3 1
                                    

CHAPTER 13

Si BRIAN :)

“BRIAN??????????????????????????” oO tama nga si brian nga to ;)

“mga babae nga naman palagi nalang brokenhearted” eto na naman siya sa kayabangan niya wala paring pinagbago..lalo pang lumala.. ayun di niyo pa pala siya kilala.. si brian yung supeeeeeeeeeeer hate kong classmate nung elementary.. lagi niya kasi akong binubully.. akalain mong buhay pa pala to >_<..

“ee ano naman sayo?”

“wala ang panget mo kasi” eeeeeeeeeeeeeeeerrrhhhhh nakakainis >_<

“pwede kung wala kang maitutulong umalis ka sa harapan ko!”

“baket ba ang sunget mo! Pumayat ka lang nag iinarte kana?” eeeeeerrhhh bwiset!!!! Naalala ko tuloy nung elementary ako.. sobrang taba ko kasi nun.. kaya niloloko niya ko lagi na tabachingching >_< nakakainissss >_<

“jan ka na ha.. aalis na ko. Wala kang kwentang kausap!”

“oy teka lang tabachingching.. wag ka munang umalis. Antagal kaya kitang hinanap tapos aalis ka agad?”

“ha?”

“ay nabingi??? Gusto mong ulitin ko?” ha? bakit naman niya ko hinahanap???

“bakit ba ano bang kailangan mo sakin?”

“mabuti pa sumama ka sakin.. kain tayo wag kang mag alala ililibre na kita. Nagugutom na din ako ee. Mamaya ko sasabihin sayo. basta sumama ka sakin” hinigit niya ko sa braso >_<

“pwede pakibitawan ako!”

“ang arte arte mo na. samantalang dati ang sinasabi mo lang.. isusumbong kita kay mommy.. hahahaha” tapos tumawa siya ng malakas..

“STOP IT! BRIAN GINO JIMENEZ!!!!!!!!!!!!!! HINDI NA KO NATUTUWA SAYO!” anubayan napasigaw tuloy ako dahil sa ugok na to >_<

“wow.. alam mo pa rin ang pangalan ko???sabi ko na ee crush mo ko”

“PWEDE BA……..”

“HAHAHA relaaaaaaaaaaaaax ka lang tabachingching.. hindi na kita lolokohin promise. Sumama ka lang sakin. May sasabihin kasi ako sayo”

“ngayon muna sabihin!”

“ayoko nga. Wag ka na kasing maarte alam ko namang namiss mo ko ee. Sige na sumama kana”

“ayoko nga! Ilang beses ka bang pinanganak ng nanay mo??? Nakakainis na aah”

“ganito nalang.. tatahimik na ko ngayon. Di na kita lolokohin.. sumama kana kasi tabachingching” lumuhod siya sa harapan ko. >_<

Hanggang sa pagtinginan na kami ng maraming tao. Hala >_<

“tumayo ka nga jan.. nakakahiya!”

“di ako tatayo hangga’t di ka pumapayag”

“isa brian. Anu ba. Sabi ng tumayo ka jan ee”

“ayoko!”

“bwiset! Oo na sasama na ko”

“yeeeeeeeeeeess! Hahahaha..” sumakay kami dun sa kotseng pula. Malamang siya yung driver tapos ako naman sa front seat nakaupo.

Kung tayo....tayo talaga (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon