A/N: I’m back!! OMG hahaha mejo nalimutan ko na nga yung kwento ee. Haha anyway. Enjoy :) sana may magbasa pa nito :D
CHAPTER 49
Forever? </3
VINCENT’S POV
“Good morning Love.. kamusta?” Bungad ko pagkadilat na pagkadilat palang ng mata niya.
“Bakit ganyan yung mata mo?” tanong niya sakin habang nagkukusot ako ng mata.
“ano bang mali sa mata?? Maganda parin naman diba?” sabay kurot sa pisngi niya.
“alam ko.. ang laki ng eyebags mo ee.. parang hindi ka naman natulog?”
“binantayan kita magdamag” sagot ko at humiga ako sa kama at niyakap siya.
“bakit?? Nakakahiya baka mamaya ang pangit ko pala kapag tulog”
“Palagi kang maganda love..” yakap ko ulit ng mahigpit sa kanya.
“bakit ang sweet mo ngayon?? I mean bakit mas naging sweet ka?” sabay sabi niya na nagpakunot naman ng noo ko.
“wala lang.. masama bang yakapin ang Love ko?” sabi ko sa kanya.. sabay halik sa noo niya..
“Life??” tawag niya na dahilan para tumingin ako sa mga mata niya..
“Bakit? May masakit ba sayo?” tanong ko.. hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tumingin siya sa mga mata ko..
“Paano kung….”
“Paano kung.?”
“Paano kung isang araw mawala ako??” nagulat ako sa tanong niya.
“huuh?? Bakit mo naman natanong yan??”
“basta sagutin mo nalang ang tanong ko”
“bakit kaya mo ba kong iwan?” tanong ko naman sakanya at bigla niya kong niyakap..
“yung tanong ko yung sagutin mo.. Vincent please!!!..” may kalakasan yung pagkakasabi niya atnakita kong naging malungkot yung mukha niya at tumungo siya ng bahagya..
“Ano bang problema love?” Nakita kong may tumulong liquid sa mga mata niya..
BINABASA MO ANG
Kung tayo....tayo talaga (ongoing series)
Dla nastolatkówread first CRUSH KITA.MAHAL KO SIYA :)