CHAPTER 4 The bright idea of Anthony

284 7 3
                                    

CHAPTER 4

The bright idea of Anthony

“hoy nikki” nagising ako sa mga salitang narinig ko..

“gising na andito na tayo”

“ha? Asan ba tayo?” di ko namalayan nakatulog na pala ako sa balikat ni Anthony.

“dito tayo sa pink sisters.. sisimba muna tayo” sagot naman sakin ni Anthony.

(A/N: sa mga hindi nakakaalam yung pink sisters po ay matatagpuan sa Tagaytay.. kaya tinawag na pink sister kasi yung mga madre dun ee nakasuot ng pink na damit^^ )

“ah oh sige.. ” napanasin ko na wala si Vincent at yung babae sa unahan.. asan na sila??

“halika kana nikki.. bilisan mo magstart na yung mass” hinigit ako ni Anthony para makababa na agad ako ng sasakyan.

“teka nag-aayos pa ko ng buhok ee”

“sus kahit magulo maganda ka pa din” tapos ngumiti sakin ang loko.. yung ngiting nakakainis ewan ko ba basta hahaha :D

Nakita ko si Vincent at yung babae na andun sa may pinto ng simbahan at sumenyas kay Anthony na dun nalang kami umupo.. ito yung pwesto namin

VENJIE-ANTHONY-AKO-VINCENT-TSAKA YUNG GIRL sa likod naman namin ay sina

IANE-JAYSON-ZEL-JAYVEE-AJ-JENNY

Ah nga pala si jenny ay ang soon to be wife ni AJ :)

Teka bakit ba ko nasa tabi ni Vincent??? O_O..Hanggang sa nagsimula na yung mass tapos bigla nalang akong kinulbit ni Anthony..

“bakit?”bulong ko sakanya

“baka matunaw si Vincent kanina kapa nakatitig sakanya. Ako nalang kasi tingnan mo” luko talaga tong si Anthony kahit kelan. Kaya nabatukan ko tuloy siya.. pero eeee >_< I hate my eyes di ko mapigilan T_____T

VINCENT’S POV

Makaporma naman tong si Anthony kay nikki.. nakakainis aah >_<… ito namang si nikki todo pa ang pagtulog sa balikat ni Anthony..

“nakatingin ka na naman sakanya?” sabi ni Gab sakin..

“ha? Hindi may hihiramin lang sana ako kay Anthony”

“Vincent may itatanong ako sayo” –Gab

“ano yun?”

“mahal mo ba talaga ako?” nagulat ako sa mga tanong niya..

“ha? Bakit mo naman natanong yan?”

“yes or no lang please”

“oo naman mahal kita”

“thank you” niyakap niya ko tapos isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.. tumingin ulit ako sa salamin para makita si nikki.. nakapikit siya habang nakapalsak yung headset sa tenga niya. Siguro tulog na siya.

Mamaya lang nakarating na kami sa pink sisters magsisimba daw muna kami bago pumunta sa picnic groove.. nauna kami ni Gab bumaba para makahanap ng magandang pwesto ..madami din kasing nagsisimba dito ee.. nang makahanap na ko sinenyasan ko si Anthony na tumabi nalang samin..

Katabi ko ngayon si nikki.. parang iba yung nararamdaman ko… gusto ko siyang tignan pero di ko magawa ayokong mag-away na naman kami ni Gab.. naririnig kong nagbubulungan sila ni Anthony pero hindi ko naiintindihan.  Binalewala ko nalang ang lahat para makapagseryoso ako sa misa..

Kung tayo....tayo talaga (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon