CHAPTER 50 Is there a happy ending?

17 0 2
                                    

CHAPTER 50

Is there a happy ending?


VINCENT'S POV

Masaya kaming nagkukulitan nina mommy daddy at nikki sa may living room. Nang biglang may nagdoorbell.

"Buksan ko lang po muna yung gate" sabi ni ate Lorie at nagpatuloy naman kami sa pagbibiruan.

"Grabe kayo. Hindi naman ako uhugin noong bata, mommy ipagtanggol mo nga ako grabe si daddy mag biro oh" sabi ni nikki, at lahat naman kami nagtawanan pa lalo. Ang cute mainis ni nikki.

"Good Afternoon po" lahat kami ay napatingin sa nagsalita.

"Chloe Kamusta kana?" sabi ni Nikki sa babaing nakadress na white at blonde yung buhok.

"Nikki? Hello. Sobrang na miss kita" Niyakap niya si nikki. At napaluha naman si nikki sa ginawa nitong si Chloe.

"Upo ka.. Chloe si Mom, Dad, at Life"

"Good Afternoon po, friend po ako ni Nikki simula pa noong nasa Australia siya"

"Grabe ang tagal na nating di nagkita, buti naman at nakapunta ka"

Sabi ni nikki habang nangingilid ang luha niya sa kanyang mga mata.

"Syempre naman Nikki, oh ano ready kana?"

Teka anong meron?

"Life..."

Tumingin sakin si Nikki.

"She will our wedding planner"

Mejo nagulat ako sa sinabi niya

"Pero love... teka seryoso ka ba?"

Mas nangibabaw ang takot sakit dahil bakit masyado yatang mabilis ang lahat.

"Ayaw mo ba akong pakasalan?" Tanong ni nikki.

"No love hindi sa ganun, pero are you sure? Kasi in the first place ako dapat lahat gumagawa ng lahat ng to"

Lumapit sakin si tito Gabriel at tinap ang likod ko.

"Ijo pwede ba tayong mag-usap?" Bulong sakin ni tito. Agad naman akong sumunod sa kanya papunta sa kusina.

"Alam kong masyado pang mabilis, marami pa kayong gustong gawin at patunayan bago ikasal pero Vincent pwede bang pag-bigyan mo ang anak ko?"

"Daddy wala naman pos akin problema yun, mahal ko po si Nikki at handa naman po talaga akong pakasalanan siya. Mejo nagulat lang po siguro ako sa mga nangyari"

"Salamat Vincent. Alam ko sayo magiging masaya ang anak ko, salamat dahil nakita ko kung gaano mo siya kamahal at patuloy kong nakikita kung hanggang saan mo siya gustong makasama."

"Tito patuloy kong mamahalin ang anak niyo hanggang sa kabilang buhay, makakaasa po kayong aalagaan at mamahalin kop o siya araw-araw."

"Daaaaaaad tama na yan, marami pa kaming pag-uusapan ni Vincent"

Sigaw ni Nikki.

"Sige na Vincent, puntahan mo na ang soon to be wife mo" Ngumiti naman sakin si Daddy at tinap ulit ang balikat ko.

"Oh pano bayan magiging Mrs. Pangilinan ka na?" Sabay hawak ko sa dalawang kamay ni Nikki.

"Sobrang excited na ko Vincent, sobrang excited na kong magsuot ng wedding gown, maglakad sa altar at unti-unting lumapit sa taong mahal ko" Napangiti naman ako naman sa sinabi niya. Hinalikan ko siya sa noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung tayo....tayo talaga (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon