A/N: sorry talaga ngayon lang nakaupdate.. dahil sembreak na namin matatapos ko na to.. yieeeeh.. pa support din po nung isa ko pang story "The 3rd person says: Love is greater than sin" salamat :)
oh siya eto na update ko.
enjoy :*
CHAPTER 44
My Everything <3
VINCENT’S POV
“kuya ano bayan??wala ka pang tulog”
“wag mo kong alalahanin. Ok lang ako. Kailangan ko ng matapos to”
“pero sabagay maganda yang kinompose mong kanta aah. Teka para san naman yang drawing na yan na may table at mga bulaklak??”
“aah yayayain ko sanang lumabas si nikki mamayang gabi. Para din sakanya tong kinompose kong kanta. Venjie liligawan ko ulit siya”
“kuya sigurado ka ba jan??pano si Aj. Delikado yang gagawin mo ee”
“hindi ako papatalo sa kanya. Alam kong babalik ang alaala ni nikki”
“gusto mo paglumabas kayo sumama ako?? Para naman makasiguro ako na walang mangyayaring masama”
“makapagsalita ka. Akala mo kaya mong makipag suntukan aah”
“syempre isang tawag ko lang sa pulis.. alalahanin mo. Pulis ang tatay ni pau”
“Oo na. pero wag kana sumama. Kaya ko na..”
“matulog ka muna kaya.. baka mukha kang zombie mamaya niyan kapag nagkita kayo.. puyat na puyat ka”
“Oo sige.. malapit na rin naman to matapos.. salamat bro. ha”
“sus wala yun..ikaw pa. malakas ka sakin”
Iniwan na ko ni venjie sa kwarto at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko..
………………………………………………………………………………………………………………………………………………………
“kuya.. gising. Akala ko ba lalabas kayo ni nikki??”
Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong 6pm na.. napabigla ako ng bangon
“malelate na ko. Venjie salamat sa paggising”
Napasarap ang tulog ko.. buti nalang bago ako matulog nabilin ko na kay Venjie ang mga dapat gawin sa venue.. pumasok na ko ng banyo at nagmadaling maligo..
Pagkatapos ko nagbihis na ko agad at kinuha yung susi ng kotse..
“kuya good luck sa date niyo”
“salamat pau”
“KUYA.. yung botones ng polo mo di ayos!” sigaw ni venjie.. napatingin naman ako sa damit ko at inayos ito. Dumiretso na ko sa labas at sumakay ng kotse..
Pagkarating ko kina nikki nagdoorbell ako agad at lumabas naman si ate lorie..
“ate lorie.. si nikki?? Pwede ko ba siyang makausap?”
“andun siya sa loob. Pero sir………..” nakita ko sa mukha niya ang pagkatakot..
“bakit ate?? May problema ba??”
BINABASA MO ANG
Kung tayo....tayo talaga (ongoing series)
Teen Fictionread first CRUSH KITA.MAHAL KO SIYA :)