Zatrina's POV
Kasama ko ngayon yung tatlong kumag. Haha joke lang. Kasama ko si Tiffany, CED at Zach. Pinakilala ko na si Zach sa dalawa, at sobrang mali yun. Kasi pinagtitripan nila akong tatlo. Ang sama nila.
Nakaupo ako sa single sofa ganun rin si Zate, pero yung dalawa sa mahabang sofa. Ng biglang mag salita si Tiffany.
"Guys, tanong ko lang. Naranasan nyo na bang masaktan sa love?" agad naman kaming napatingin sa kanya. Sa love? Oo dahil kay Zate, ang manhid kasi. Bakit kasi si Mielcy pa nagustuhan nya eh attention seeker naman yun.
"Ako, oo." sagot naman ni CED. Sya nasaktan na? Eh wala nga akong nababalitaan na may gusto sya sa ibang tao.
"Weh? Ngayon ko lang yun nalaman na may iniibig ka na pala." biro ko kay CED. Pero ngumiti lang sya ng awkward.
"Kwento ka naman CED." sabi ko. Nanlaki naman yung mata nya.
"Ah sige, once upon a time there was a girl whose in love with a boy who doesnt care at her. Then the girl met a guy, they became friends. Then suddenly that boy woke up realizing he is inlove with that girl. He really tried to move on, but unluckily their world are so small, they can see each other. Everyday the boy is crying because of the pain, but he is still lucky that there is someone who accompanies him everytime he cried." hindi ko alam pero parang ang familiar ng story nya. Or baka nabasa ko lang sya sa mga libro ko. Hayss.
"Ang saklap naman nun." sabi ni Tiffany matapos marinig yung story ni CED. Ano ba talagang problema nitong bestfriend ko? Di ko na alam nangyayari sakanya kasi sobra nakong tutok kay Zate.
Nakakaguilty.
"Ako naman, nasaktan na sa love dahil sa lalaking di naman ako napapansin. Paano nga nya ba ako mapapansin eh may iba syang pinagtutuunan ng pansin?" sabi ni Tiffany habang nakayuko. At alam ko na pinipigilan nya lang ang pag-iyak nya.
Naku talaga, malaman ko lang kung sino yung lalaking yun, susuntukin ko talaga yun.
"Ahaha, tama na nga. Ayoko na, masakit na rin eh."
***
Kakatapos lang ng confrontation kanina. Grabihan na pala nangyayari sa bestfriend ko at kay CED.
"Tiffany usap tayo." aya ko kay tiffany at saka pumunta sa kusina. Yun lang naman yung place na wala yung dalawa. Nasa sofa kasi sila.
"Grabe Tiffany na-miss kita." panimula ko. Napangiti naman sya sa sinabi ko.
" Ako rin bestfriend." sabi nya saka ako niyakap. Hays, grabe talaga, miss na miss ko sya.
"Sorry.." napatingin sya sakin dahil sa sinabi ko.
"Sorry bestfriend at hindi na kita nakaka-usap. Feeling ko tuloy ang layo ko na sayo. Hindi ko na alam nangyayari sa buhay mo. Wala ako sa tabi mo kung kailan kailangan mo ko. Ang bad kong bestfriend." hinawakan nya ang kamay ko atsaka ako tiningnan sa mata.
"Ano ka ba naman Zatrina? Okay lang yun. Syempre kasi lumipat ka ng place at normal lang na hindi tayo makapag-usap. At hindi ka bad. Ikaw kaya pinakamabait na bestfriend." hindi ko alam kung maaasar ako sa sinabi nya o matutuwa, ako lang naman talaga nag-iisang bestfriend nya.
At sa huling pagkakataon nagyakap ulit kami.
Maya-maya rin lang ay nag pasya na silang mag-uwian. Si Zate naman dyan lang yan sa kabilang bahay.
Hays, napansin ko lang na ang drama ngayong araw. Haha, hayaan na nga.
BINABASA MO ANG
When the playboy had fallen
Novela JuvenilHe's a 'Badboy' and also a 'Cassanova' What would he do if he fall-inlove with this girl who like him so much? Did he gonna push away his feelings? or go and confess? What if the girl will know that the boy had felings on her? Will their lives becam...