Chapter 8 (Unexpected)

209 2 0
                                    

Tik* tok*tik*tok*

Hay, kaboring naman dito sa bahay.

Saturday kasi ngayon at walang pasok. Eh wala naman akong gagawin, kaya heto ako at nakahilata sa kama ko.Gabi narin naman.

"tok ,tok" rinig kong ,may kumatok sa pinto, kaya tumayo ako.

"Oh, kayo po pala manang gloria. Ano pong kailangan niyo? at napadalaw kayo dito?." tanong ko kay manang gloria.

Sya yung caretaker namin sa isang bahay namin sa Bulacan.

"Ah, kasi iha, napadaan lang ako dito. Galing ako sa anak ko dito sa maynila. Eh naalala ko na dito kayo nags-stay kaya dumaan ako dito." masayang sabi nya.

"Ah, ganon po ba? tara po tuloy kayo."pinapasok ko naman agad si manang gloria.

Actually parang nanay ko na sya, sya kasi ang nag-alaga sakin tuwing nasa out of town ang parents ko.

"Iha, ito at may dala akong mga prutas para sayo." sabi nya sabay pakita sakin ng isang basket ng prutas.

"Maraming salamat po." sabi ko at saka ngiti.

Nag-usap pa kami ng kung ano-ano, hanggang sa magyaya na syang umuwi.

Ng makalabas na sya, dumiretso ako sa banyo at naligo. Ang init kasi eh.

"Tok, tok"

"Maam may bisita po ulit kayo." rinig kong sabi sakin ng isang maid namin.

"Sige po papasukin nyo po sya" sigaw ko sa maid, kasi baka hindi nya marinig.

Narinig ko namang bumukas yung pinto. Binilisan ko yung pagligo ko. At ng matapos nako lumabas nako ng c.r.

At nagulat ako sa nakita ko.....

si Zate.....

nakahiga sya sa kama ko nilapitan ko sya. At amoy ko agad sya. Amoy alak...

Umupo ako sa tabi ng kama, sinilip ko sya at pagkasilip ko tulog.

"Zate, uy, gising dyan." sabi ko at niyugyuog ko sya ng mahina sa balikat.

"Hmm.." ungol nya. Pssh...

Bakit kaya to lasing? siguro dahil nanaman sa Mielcy nayon?

Pinilit ko parin syang gisingin pero nga-nga parin.

Hayaan na nga lang. Habang pinagmamasdan ko yung mukha nya, bigla syang nagsalita.

"Mielcy...please..bumalik kana sakin." sabi nya habang nakapikit. OUCH!

Mielcy, mielcy, puro nalang Mielcy!!

"Mahal na mahal kita..." sabi nya. Halos pigil naman yung hikbi ko.

Wahhh!! >(> <)<.

Gusto ko sumigaw, kaso baka magising ko si Zate.

Iyak ako ng iyak, hanggang sa makatulog ako.

---

"Ma'am, kain na po kayo sa baba." rinig kong sabi ng maid namin.

Kaya naalimpungatan ako.Tumayo nako, at hindi pako nakakalayo ng marinig kong nagsalita si Zate.

"Ah, Zatrina..." gising na pala sya.

"Ah, bakit Zate? nagugutom ka na ba? Tara baba na tayo.." sabi ko sakanya.

"Ah, hindi pa naman pero kasi masakit yung ulo ko eh..." sabi nya na parang nanghihina.

Ng kinapa ko sya sa noo, sobrang init nya.

"Sige hintayin mo lang ako dito.Kukuha lang ako ng towel and basin." sabi ko at agad na bumaba.

Ng makuha ko na yung towel and basin, umakyat ulit ako.Pagtingin ko sa kanya, mahimbing syang natutulog...

---

A/N: Hi!! sa tingin nyo anong mangyayari sa kanilang dalawa?

Haha! Enjoy reading ^ _ ^ v

READ , VOTE AND COMMENT.

When the playboy had fallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon