Barbie POV
Ang Aga kong natulog ka gabi kaya maaga akong nagising
Kaya na bored ako dito sa bahay,
Wala kasi si ate ee. Dapat kasi sumama na lang siya ee.
Tapos galit naman Ako kay Josh!
Nakakainis kasi siya ee.
Nandito nga pala ako sa labas ng bahay namin sa may cottage ng resort nagbabasa ako ng magasine.
Pag lingon ko sa right side ko nakita ko doon si Josh nakatayo nakatingin sa akin , tapos yung mukha niya parang malungkot.
Bakit kaya?
Anong problema noon?
Papalayo na siya sa akin ng bigla siyang lumingon sa akin , tapos ako naman inirapan ko siya.
Ang lungkot talaga ng BESTFRIEND KO!
Ano kayang nagyari sa kanya?
Gusto ko siyang lapitan kaso di ko magawa
Kasi nga diba , galit ako sa kanya!
Joshua POV
Lumabas ako ng bahay namin nakakabored kasi sa bahay ee.
Gusto ko din makalanghap ng sariwang hangin ee.
Naglalakad ako ng makita ko si Barbie sa cottage kaya naman pumunta ako doon , tapos nagbago yung mukha ko naging malungkot.
Tumigil ako sa cottage tapos bigla kong naalala yung sinabi ni mama At papa.
Mag sosorry na nga ako kay barbie.
Para naman may kausap ako dito.
"Dapat ang lalaki maasikaso at maalaga sa babae , kung may mali ka mag sorry ka kaagad " sinabi ni mama yan kagabi.
Tapos tumingin ako kay Barbie , tapos inirapan niya ako.
"aminin mong mali yung ginawa mo , lalo na pag masama loob niya , lapitan mo at amuhin mo. " sabi kagabi ni Papa.
Ayaw ko kasing magkaaway kami ee.
tapos nakita ko siya Doon sa may bato nakaupo habang nakatingin sa tubig.
Sige na mag so sorry na ako!
"Barbie " tawag ko sa kanya , tapos lumingon naman siya at inirapan ako.
"Bakit ka ba kasi sunod ng sunod? " galit niyang sabi sa akin.
"Sana magkaayos na tayo " sabi ko sa kanya ng mahina.
" AYOS? Ee ginulat mo ako diba? " Sabi niya sa akin.
"wag ka ng magalit , bati na tayo " sabi ko sa kanya.
"ayoko nga! " sabi niya sa akin.
Ang hirap naman magpatawad ng babaing ito,
Di tumatangap ng Sorry!
"Sorry na , Sorry na Talaga! , Gusto mo tatalon ako sa tubig para mapatunayan ko sayo? "sabi ko sa kanya
"Weee? Marunong ka kayang lumangoy!" sabi naman niya sa akin.
Sinusubukan mo talaga akong babae ka ah.
Hindi niya tinangap sorry ko huh?
Mag sisisi kang babae ka!
Tapos bigla akong tumalon sa tubig.
Mag kukunwari akong nalulunod
Hahaha :D