Tito Ralph POV
Nandito ako sa sala namin nanonood ng TV , hinihintay kong bumaba si Joshua , kace di ko siya nakita kahapon di din nag paalam un ee.
Ilang sandali lang nakita ko na siyang bumababa ng hagdanan.
"Joshua! Halika Dito. " tawag ko sa kanyan.
Pumunta naman siya sa kinaroroonan ko.
"saan ka galing kahapon? " tanong ko sa kanya.
"Wala lang po yung , sa kaibigan ko lang po." sabi sa akin ni Joshua.
"Nako Josh! Sasusunod magpaalam ka kung aalis ka ng hindi kami nagaalala! " sabi ko sa kanya.
Tapos pumunta na siyang kusina, pagkatapos niyang kumain umakyat siya sa taas , tapos ilang minuto lang nakita ko siyang nakabihis.
"May lakad ka? " tanong ko sa kanya habang pababa siya ng hagdan.
"Opo pa , paki sabi nalang kay mama " sabi niya sa akin , papunta na siyang pintuan ng tinawag ko siya.
"Oh , Josh saan ka pupunta? " tanong ko bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto , tapos lumingon siya.
"Sa park po , mamamasyal lang kami ng mga kaibigan ko. " sabi niya sabay labas.
Tsk!
Barbie POV
Kinakabahan ko ako , di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila lalo na kay Josh :((
Nandito pala kami ngayon ng mga barkada ko , niyaya ko silang mamasyal para masabi ko na din na arranged marriage na ako.
Si Joshua na lang hinihintay namin , pinatext ko na siya kay Luvi kasi wala akong number niya.
Ilang sandali lang dumating na siya , di ma ipinta yung mukha niya ee.
Natatakot tuloy akong sabihin sa kanila.
"Oh , Josh Di maipinta Mukha natin ah?" pangaasar ni JM
Tapos di niya pinansin si JM , Mukhang Badtrip nga , natatakot tuloy ako ,
Pumunta siya doon sa bench , naupo tapos sinundan naman namin siya.
Uupo na sana ako sa tabi niya ng biglang sumingit si Jhoy -_-
Nakakainis :-|
Joke lang , kaibigan ko si Jhoy ee.
Lahat kami nakapalibot kay Josh
Sasabihin ko na ba?
"Guys Maysasabihin ako " sabi ko sa kanila.
Tapos lahat naman sila nakatingin sa akin ,
"Ano yun Bess" sabi ni Melody.
"Ano Kasi ee" sabi ko.
"ANO??" seryosong sabi ni Lourdes.
"Ano kasi ee, Hmmmm....... Ano Arra--Arranged marriage na ako" sabi ko ng nakayuko.
"WHATTTT??????" sigaw ni Teenteen
"TOTOO BA YAN? " sigaw naman ni Ivy.
"Di ka nagbibiro? " tanong naman ni Maricor.
"Ou gusy , Arranged Marriage na ako ," sabi ko sabay tingin ko kay Josh,
Si Josh naman parang natulala sa sinabi Ko.
"Kanino? " sabi ni Josh.
"Di ko paalam ee." sabi ko sa kanya.
Tapos nakita ko namang tumayo siya at umupo sa Swing.
"Sino nag arranged marriage sa inyo? " tanong ni Luvi.
"Si papa Daw ee. " sabi ko sa kanila.
"Guys , alam niyo ba bakit ganya ang Mood ngayon ni Josh? " tanong ko sa kanila
"Di nga ee, siguro na badtrip sa bahay nila yan , kaya ganyan." sabi ni Luvi
"Cge guys , alam ko na paano yan papangitiin :))" sabi ko sabag punta doon sa swing na kung saan nandoon si Tokwa.
Nandito na ako sa harapan ng BESTFRIEND KO!
Sana effective yung gagawin ko!