Chapter 5

1.5K 18 1
                                    

CHAPTER 5

JOYCE POV

Friday night. Patapos na ang shift ko sa coffee shop. Matutuloy kaya ang first date namin? Hindi naman siya nagconfirm ng plans. Hindi na siguro tuloy yun.

“Miss, one tall ice blended mocha frappe”

Joyce: Sir, will that be for here or to go?

Pagtingin ko si Kris pala yun. Nakangiti ang loko!

Kris: Miss, ang ganda naman ng barista sa coffee shop na ito.

Joyce: Sira! Ano ginagawa mo dito?

Kris:  Wala lang. I just want to have some coffee and I want to be with you. Kaya perfect lang na puntahan kita dito. Ayos ba?

Napangiti ako. Ang sweet talaga ng lalaking ito. Haaay!

Sir Jeff: Joyce. Ikaw na mag-close ng shop ha?

Joyce: Opo. Sir Jeff,  si Kris po. Kris, si Sir Jeff, manager namin

Sir Jeff: Hi Kris! Boyfriend mo Joyce?

Kris: Hindi PA po.

Joyce: Hindi po.

Sir Jeff: Sabay pa talaga!. Kris, alagaan mo itong si Joyce ha? Mabait yan. Huwag mo paiiyakin yan!

Joyce: Sir Jeff talaga!

Sir Jeff: O sige na. Enjoy kayo.

Kris: Ok pala yung manager mo eh. Mabait.

Joyce: I-close ko lang yung door and windows ha tapos, ikaw, saan mo gusto pumunta?

Kris: I have an idea. You look tired. Why don’t we just stay here? Let’s just talk over coffee. Sounds good?

Joyce: Sure ka? Baka gusto mo lumabas. Ok lang naman. Hindi pa naman ako pagod masyado.

Kris: I’m sure. Why don’t you just sit down. Ako naman magse-serve sa iyo ng coffee. Just teach me how to work this espresso machine. Hahaha!

I really enjoyed talking to him. It was the most perfect first unofficial date in my opinion. He opened up to me about his family, his dreams, his goals in life. Everything was fine until he asked me about my family.

Kris: Joyce, I hope you don’t mind me asking about your family. Nasaan na ang parents mo? Bakit mag-isa ka na lang?

Joyce: Wala na mama ko. She died when I was 10. Heart problem. Sa Palawan pa kami nakatira noon. Single child lang ako. Single child lang din sina mama at papa kaya wala ako mga tito at tita. Yung ibang mga kamag-anak namin, I don’t know kung saan sila eh.

Kris: Sorry to hear that. Eh ang papa mo? Bakit di mo siya kasama? Wala tuloy sumusuporta sa iyo.

Joyce: Ha? Ano eh. umalis siya tapos wala na ko balita tungkol sa kanya. Uhmm, Kris, ok lang ba if change topic na lang. Or better yet, uwi na tayo. Medyo gabi na din kasi.

Kris: I didn’t mean to make you uncomfortable. Sorry. I just want to learn more about you and your family. Sorry ha? Sige, next time, I won’t force you. Hintayin na lang kita kung kelan ka na ready mag-open up sa akin. Tara na? Hatid na kita.

Joyce: Hindi na. May shuttle pa naman eh

Kris: No. I won’t let you go home by yourself. Delikado. Gabi na kaya.

Joyce: Ok lang naman eh. Ang dami pa mga commuters.

Kris: Joyce, just let me take care of you. Please?

Once he smiles, wala na ako magagawa kung hindi ang pumayag na lang. Pagdating sa carpark, nakita ko ang car niya. Super high-end, a Volvo CX series. Mas lalo ako nanliit. Mas lalo ko naramdaman ang layo ng status namin. Sobrang alangan kami sa isa't isa. Posible ba talaga na maging kami? Or am I just fooling myself in to believing that all is fair in love? 

KRIS POV

Tahimik siya on the ride home. I don’t know what’s running through her mind. Pero I know that something's wrong. So I did what words couldn’t say. I held her hand while I was driving. She looked at our hands and then she smiled at me. It was the first time we held hands. Tama yung sinasabi nila mommy and daddy. The moment our hands touched, it was like magic.

Joyce: Dito mo na lang i-park. Lalakarin ko na lang. Malapit naman na yung apartment eh.

Kris: Ano ka ba? Hatid na kita sa tapat ng apartment mo.

Joyce: Medyo magulo kasi yung street na iyon eh.

Kris: Eh di mas lalo kita dapat ihatid. Alam mo, one of these days, ihahanap kita ng place na mas safe. Hindi ka dapat nakatira dito.

Joyce: Huwag na. Ito lang kasi ang kaya ng budget ko. Saka I don’t want you to do that for me. If there’s one thing na pag-aawayan natin, ito iyon. Basta, hayaan mo ako na diskartehan ang mga problema ko.  I’ve been doing things by myself for quite a long time na rin. Kaya ko na sarili ko.

Tumahimik ulit siya. BInitawan niya ang kamay ko. Naramdaman ko na na-offend siya sa mga sinabi ko. She has a strong and independent spirit. Alam ko na hindi siya basta basta hihingi ng tulong sa mga taong nakapalibot sa kanya. I have to learn how to earn her trust little by little.

Kris: I’m sorry Joyce. I crossed the line. I didn’t mean to offend you.

Joyce: Andito na tayo. Sige Kris, salamat sa paghatid. Ingat ka sa pag-drive. Goodnight.

Pumasok na siya sa apartment niya. Ang sama ng pakiramdam ko habang pauwi ako. Ang ganda na sana ng first unofficial date namin. Sinira ko pa.

Hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali. I don’t want to let the night end without fixing whatever it is that went wrong. I texted her.

JOYCE POV

Hindi ako makatulog. Ang sama ng pakiramdam ko. Alam ko naman na concerned lang siya sa akin kaya niya nasabi yun. Pero, ang tagal ko nang inaalagaan ang sarili ko at dinidiskartehan ang mga problema ko nang mag-isa. Ayaw ko masanay na sumandal sa kanya kahit gusto na ng puso ko. Dahil masasaktan lang ulit ako sa oras na iwanan niya ko. Lahat na lang kasi ng mga minamahal ko, iniiwan ko. Si mama. Si papa. At ngayon, si Kris. Wait. Mahal? Mahal ko na siya? Biglang tumunog ang cellphone ko.

Kristofer Martin...text : Are you still up? I’m so sorry about what I did earlier. Mali talaga ako dun. I’m so sorry. The only excuse I have is that I really care about you. Im so sorry. Please text back. I don’t want this night to end na may misunderstanding tayo.

Maya-maya, tumawag na siya.

Kris: Joyce? Sagutin mo naman ako please.

Joyce: Hello? Kris? Ok na yun. No need to apologize. Naiintindihan kita. Huwag mo na isipin yun.

Kris: Sorry talaga ha?

Joyce: Sira, ok na talaga. Promise. Smile ka na diyan.

Kris: Promise? Di talaga ako makatulog kakaisip sa iyo eh.

Joyce: Naku, matulog ka na. Baka sisihin pa ko ng sangkatutak na mga girls na humahabol sa iyo pag nagka-eyebags ka pa diyan.

Kris: What girls? Wala na ako napapansin na iba since I saw you.

Joyce: Talaga lang ha? Bolero ka talaga. Matulog ka na.

Kris: So ok na tayo? You’ve forgiven me?

Joyce: Wala na yun. I know where you’re coming from. Naiintindihan kita. Pero sana naiintindihan mo rin ako.

Kris: Promise, I won’t do it again. Ikaw talaga, pinakaba mo ako dun ha? Akala ko…basta… Nga pala, wala ako sa school next week. Basketball camp eh. Huwag mo ko masyado ma-miss ha?

Joyce: Hahaha! Feeling mo naman?!

Kris: Don’t say I didn’t warn you ha pag na-miss mo ko nang todo. Hahaha! Goodnight Joyce. 

Then in a more serious tone, sabi niya..."I'll miss you..."

Joyce: Goodnight Kris. Ingat ka ha?

After he hung up, I was able to finally sleep.

Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon