Chapter 13

1.2K 18 1
                                    

CHAPTER 13

JOYCE POV

Malapit na mag-Sunday. Which means malapit na yung dinner namin with Kris’ parents. Kinakabahan ako. Ano kaya ang feeling ng ipapakilala sa magulang ng boyfriend mo? Siyempre I wouldn’t know. Ngayon lang naman ako nagkaboyfriend eh. I need to talk to someone. Kailangan ko makausap si papa.

Mr. Ching: Joyce? Hindi pa schedule ng phonecall natin ah. Ba’t ka napatawag?

Joyce: Pa, pwede ba ako dumalaw diyan?

Mr. Ching: Anak, alam mong hindi pwede. Bakit? May problema ba?

Joyce: Pa, ipapakilala na po ako ni Kris sa parents niya.

Mr. Ching: Disenteng tao naman pala yang boyfriend mo eh. Seryoso talaga siya sa iyo para ipakilala ka niya sa parents niya. Natutuwa ako. Pero,

Joyce: Pero ano po?

Mr. Ching:  Pero that’s a big step anak. Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa akin?

Joyce : Hindi pa po.

Mr. Ching: Joyce, you have to be fair to Kris. Before he takes on this step na iintroduce ka sa parents niya as his girlfriend, you have to tell him EVERYTHING. Sandali nga, kwentuhan mo nga ako tungkol sa boyfriend mo. I only know him as Kris. Ano ba family name niya?

Joyce: Martin po. Taga-Alabang po sila. Yung family po nila, they own some real estate sa may…

Mr Ching: Martin?Kristofer Martin? Alam mo ba ang pangalan ng daddy niya?

Joyce:  Uhmm, Rodolfo po. Bakit Pa? May problema po ba? Papa?

Mr. Ching: Joyce, magpasama ka sa Tito Antonio mo dito bukas. May mahalaga tayong pag-uusapan.

Joyce: Po? Sige po. See you po bukas. Goodnight papa.

Bigla akong kinabahan dahil nag-iba ang tono ng boses ni Papa. Pabaling-baling ako sa kama. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam pero parang may kutob ako na may masamang mangyayari.

MR. CHING POV

Hindi maaari ito. Si Rodolfo Martin ang ama ni Kris?  Hindi pwedeng mangyari ito. Paano na si Joyce? Siguradong masasaktan ang anak ko kapag nalaman niya ang lahat lahat.

Kinabukasan,

Mr. Fernandez : Ricardo, andito na kami ni Joyce.

Mr. Ching : Salamat Antonio. Pero bago ko siya kausapin, may kailangan akong ikumpirma sa iyo.

Mr. Fernandez : Ano iyon?

Mr. Ching : Kilala mo ba yung Kris Martin na kaibigan ng mga anak natin?

Mr. Fernandez : Oo, bakit ? Mabait na bata iyon.

Mr. Ching : Anak nga ba siya ni Rodolfo Martin?

Mr. Fernandez : Oo, siya nga yun. Sandali pare, bakit ?

Mr. Ching : Pakitawag si Joyce. Gusto ko marinig ninyong dalawa ang sasabihin ko.

JOYCE POV

Seryoso si papa nang pinapasok ako ni Tito Antonio. Hindi ako makapaniwala sa mga sunod na narinig ko. I had the biggest shock of my life.

Joyce : Pa, Tito, may problema po ba ?

Mr. Ching : Anak, hindi ka maaaring makipagrelasyon kay Kris.

Joyce : Po ?! Sandali po, hindi ko po maintindihan. Tito, ano po ang sinasabi ni Papa ?

Mr. Ching : Anak, makinig ka ng mabuti. Ang pamilya ni Kris, sila ang naging biktima dun sa usapan sa lupa na kinasangkutan ko. Galit na galit sila sa akin ! Ako ang iniisip nila na may kasalanan sa nangyari. Hindi nila alam na sinubukan kong protektahan ang interes nila sa lupa. Naniwala sila sa abogado nila na ako ang may gawa-gawa ng transaksyon !

Mr. Fernandez : Sandali Ricardo, alam ko iyon pero wala naman kinalaman ang mga bata sa kaso niyo!

Mr. Ching : Antonio, you don’t understand! Kapag nalaman nila na ako ang ama ni Joyce, ano sa tingin mo ang mangyayari ? Matindi ang galit ng mga Martin sa akin ! Anak, magiging kawawa ka lang. Hindi nila papayagan si Kris na makipagrelasyon ni makipagkaibigan sa iyo !

Parang dumadaan lang sa tenga ko ang lahat ng mga sinasabi ni Papa. Sila Kris ang naging kalaban ng papa ko sa kaso ? Ang pamilya ni Kris ? Hindi ito maaari. Hindi ito pwede…

Joyce : Papa, please…tell me this is not true…

Hindi ko namamalayan na pumapatak na pala ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na makita ang mukha ni papa. Everything else is a blur.

Mr. Ching : Anak, sa tingin mo, kapag nalaman ni Kris na anak ka ng tao na muntik nang magpabagsak sa mga kabuhayan nila, kakayanin kaya niyang mahalin ka pa ?

Joyce: Papa, hindi ko po kaya…

Mr. Ching: Anak, kahit kailan hindi ko kinuwestiyon ang mga desisyon mo. Pero sa pagkakataong ito sundin mo ako. Mas lalo ka lang masasaktan kapag pinagpatuloy mo ang relasyon ninyo ni Kris.

Joyce: Pa, mali po kayo. Mahal ako ni Kris. Alam ko na hindi niya ako iiwan. Paniniwalaan niya ako. Sasabihin ko sa kanya lahat.

Mr. Ching: Joyce, anak..

Joyce: Pa, huwag mo naman ipagawa sa akin to, please? Hindi ko kayang iwan si Kris. Papa, please?

MR. CHING POV

Nahihirapan ako na makita ang anak ko na umiiyak. Niyakap ko na lamang siya at nagdasal sa Diyos na hindi na sana madagdagan pa ang mga sakit na nadarama ng anak ko.    

Mr. Ching: Tama na anak. Tahan na. 

Joyce: It's unfair. Ngayon pa lang ako naging masaya magmula ng mawala si Mama. Tapos, ganito pa ang dapat na mangyari? Pa, hindi ko talaga kayangg  iwan si Kris... 

Nagalit din ako sa tadhana. Bakit ang anak ko pa ang napili mong paglaruan?

Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon