Chapter 31

1.3K 17 6
                                    

CHAPTER 31

JOYCE POV

May ilang buwan na kami ni Papa dito sa Palawan. Unti-unti na namin naibabalik ang kabuhayan namin. Nabawi na namin yung resthouse at resort namin dito. Si papa naman naisama na ulit ng mga dati niyang partners sa mga business ventures nila. Panibagong adjustment na naman. Hindi na ako sanay na may katulong sa bahay kaya kahit andiyan sila ako pa din ang nagluluto para sa amin ni papa. Unti-unti na ngang bumabalik sa normal ang buhay ng mga tao sa paligid ko. Pati ng mga taong naiwan ko sa Manila. Nag-email ako one time kay Lexi. I miss my soulsis. College na silang tatlo. Ako, I didn’t enroll in any university kasi I’m planning to go to  America para dun na lang mag-college. So if things will turn out as planned, aalis na ako by September. Buti pa sila college na. Si Lexi, sa exclusive school for girls pumasok. Si Rick at si…Kris… pareho silang varsity sa university... Kris…I still think of him everyday. My feelings haven’t changed since I left. Kumusta na kaya siya? Naiisip din kaya niya ako?

Madalas ko bisitahin ang puntod ni mama. I miss her so much. I miss talking to her lalo na pagdating sa ganitong mga bagay. Ok naman si papa, kaya lang when it comes to matters of the heart, iba pa rin kapag si mama ang kausap ko. Naalala ko din ang mommy ni Kris. Kumusta na kaya sila? I miss them. I miss him. Haay Joyce, ayan ka na naman. Sabi mo hindi ka na iiyak. Ba’t ganun, at the mere thought of his name, naiiyak ka na? Ano ba naman yan?! Tama na ito Joyce. Tigil mo na. Desisyon mo na lumayo kaya panindigan mo. Ok, ok, kaya ko ito. Deep breaths ulit Joyce. 

Joyce: Hi Ma, andito po ulit ako. Kumusta na po kayo? I know that you’re happy in heaven now. Buti pa po kayo.  Masaya. Ako po? Ganito pa din. Nalulungkot pa din... Ma, I don’t think I’ll ever be happy again. Sa tingin niyo po? Pag-pray niyo naman po kay God na sanamaging masaya na ko. I miss being happy... Sige po Ma, dalaw na lang ako ulit bukas. Bye Ma. I love you.

Pag-uwi ko sa bahay, nagpahangin muna ako sa may beach. May secret cove ako dito. That’s where I usually go if I want to be alone. Pero ngayon, I decided to just sit here and watch the sunset. Para mag-isip ulit.

MR. CHING POV

Wala si Joyce sa loob ng bahay. Sinabi ng mga katulong na andun daw ulit sa beach, nag-iisa. Nakita ko siya na nakatayo sa may dalampasigan. Malungkot pa din at malalim ang iniisip. Pinuntahan ko siya.

Mr. Ching:  Joyce? O, kanina pa ako dumating, hindi mo man lang ako sinalubong. Ikaw talaga, kinakalimutan mo na si papa ha?

Joyce:Ay Pa, sorry. Kanina pa po kayo? Gusto niyo na po kumain?

Mr. Ching: Hindi, hindi, naglalambing lang ako. Busog pa ako. Dito muna tayo anak ha? Ang sarap ng hangin dito no? Mas masarap talaga dito sa probinsya kesa sa Maynila? Diba anak?

Joyce: Si papa talaga, fishing na naman ng mga sagot. Alam niyo naman po ang sagot ko diyan eh. Mas gusto ko saManilapero mas nararapat na andito ako sa probinsiya.

Mr. Ching: Eh, bakit nga ba?

Joyce: Papa naman eh. Alam mo na yun.

Mr. Ching: Alam mo anak, hindi pa tayo nakakapag-usap simula ng bumalik ako dito.

Joyce: Ok lang po yun. Alam ko naman na busy kayo. Saka ang awkward makipag-usap sa iyo tungkol sa love. Baka macorny-han ka pa. Haha.

Mr. Ching: Hindi no! Haha. Try me. Magaling ata ako pagdating diyan. Mas magaling pa ako sa mama mo.

Joyce: Talaga?

Mr. Ching: Oo naman.

Joyce: … Pa, do you think I made the right decision… leaving him?

Mr. Ching: Bago ko sagutin yan. May ikukwento muna ako sa iyo. Alam mo ba na nagka-ayos na kami ni Rodolfo? Hindi ko naikwento sa iyo dati pero we used to be close friends before all these happened. At ngayon na naayos na ang lahat, naibabalik na rin namin unti-unti ang dati naming turingan. I remembered that day na pinuntahan niya ako sa kulungan. He talked about you anak. He realized how wrong he was in judging you. He realized your worth as a person and how he would have wanted you for Kris.

Joyce: Talaga po? I didn’t expect that from him. Kasi po the last time I saw him, galit siya sa akin.

Mr. Ching: Believe me anak, he was deeply sorry for what happened.

Joyce was silent for a few minutes.

Mr. Ching: Kris also came to see me.

Joyce: Ha? Kelan po? 

Mr. Ching: Bakit? Nagulat ka no? Ako din eh. Hindi ko inakala na pupuntahan niya ako. Dinalaw niya ako sa kulungan several days after you left.

Joyce: Bakit po?

Mr. Ching: Ikaw naman anak, masyadong excited ha? Biro lang. Malakas din pala ang loob ni Kris ano?

Tumahimik muli si Joyce. 

Mr. Ching: Anak, kinausap niya ako tungkol sa iyo. Humingi siya ng tawad sa akin dahil sa nasaktan ka niya. Sinabi niya kung gaano ka niya kamahal. At alam mo anak, nakita ko sa mga mata niya kung gaano totoo ang sinasabi niya. Mahal ka ni Kris. Naniniwala ako dun.

Joyce: Hindi po. Mali po kayo. Naalala ko pa po nung sinabi niya sa akin na hindi na niya ako mahal.

Mr. Ching : Alam mo Joyce, may mga bagay tayo na nasasabi in the spur of the moment lalo na at the height of our emotions. Pero maniwala ka sa mga sinasabi ko sa iyo. Mahal ka ni Kris. Pilit ka niyang gustong hanapin at sundan dito. If that’s not love that I saw in his eyes then I don’t know what is. Ngayon, sa tanong mo sa akin. Were you right in leaving him? Ikaw lang ang makakasagot sa tanong na yan. Maaaring hindi mo pa malalaman ang sagot sa ngayon pero in time, you’ll be able to answer that. And I hope that when you finally know the answer to that question, matatanggap mo ng buong buo ang kahihinatnan ng desisyon mo. The important thing is that you'll have no regrets. No regrets at all.

Hindi na kailangan magsalita ng anak ko. Alam ko na marami siyang mga kailangan isipin at mga desisyon na kailangan gawin. But she has all the time in the world to live her life. In time, she'll come to realize that she and Kris are really meant for each other. And when she finally realizes that, kami na siguro ni Rodolfo ang magiging pinakamasayang mga tatay sa buong mundo.

Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon