Chapter 30

1.3K 18 3
                                    

CHAPTER 30

MR. CHING POV

Kahit paano alam ko na gumaan ang loob ni Kris nung umalis siya. Ngayon ko pa lang siya nakilala pero gusto ko siya para sa anak ko. Nakita ko din kasi kung gaano katotoo ang nararamdaman niya para kay Joyce. Pero gaya nga ng sinabi ko, he’ll just have to wait for my daughter. Hindi pa ako nakakabalik sa selda ko ng biglang may panibago na naman akong bisita.

Mr. Fernandez: Ricardo, may kasama ako ngayon. Gusto ka niya makausap.

Mr. Ching: Talaga? Sino?

Mr. Martin: Ako ito Ricardo.

Nagulat ako. Matapos ang mahabang panahon, makikipag-usap na sa akin si Rodolfo Martin, ang dati kong kaibigan, ang daddy ni Kris.

Mr. Fernandez: I’ll leave the two of you to talk. But please, settle things out. This has gone far enough already.

Pagkaalis ni Antonio,

Mr. Martin: Kumusta ka na Ricardo?

Natawa ako sa tanong niya.

Mr. Ching: Eto, awa ng Diyos, nakakulong pa rin. Ikaw?

Mr. Martin: Hindi maganda. Napakadami nang nangyari na hindi ko alam kung maibabalik pa natin ang dati nating samahan. Pero handa na ako makinig ngayon sa iyo. Kung ano ang totoo tungkol sa kaso.

Ma-pride na tao si Rodolfo, kaya alam ko kung gaano kahirap sa kanya ang maunang lumapit sa akin. Muli ko ipinaliwanag sa kanya ang lahat. Mula sa inaakala niyang pangloloko ko sa kanya hanggang sa ginawa kong pagpoprotekta sa interes niya kahit na ang kapalit nito ay ang pagkakadawit ko sa kaso.

Mr. Ching: Kahit kailan Rodolfo, hindi kita trinaydor. Ginawa ko ang lahat para protektahan ang negosyo mo. Sana pinakinggan mo ako noon nang hindi na umabot sa ganito ang lahat.

Mr. Martin: Ang akala ko noon nagawa mo ako lokohin dahil sa pera. Hindi ko matanggap na nagawa mong ipagpalit ang pagkakaibigan natin dahil sa pera, Maling-mali ako. Maling-mali. Ang laki ng kasalanan ko sa iyo at sa pamilya mo. Makakaya mo ba akong patawarin? Alam ko na mahirap pero magbabakasakali pa rin ako na mabibigyan mo ng isa pang pagkakataon ang pagkakaibigan natin.

Mr. Ching: Alam mo, hindi naman ako ang taong nagtatanim ng galit. Hindi din kita masisisi sa mga inakala mo noon. Lahat talaga ng ebidensya nakaturo sa akin.

Mr. Martin: Lumabas na ang totoong may kasalanan. Nakakulong na siya ngayon. Kaya ko isinama si Antonio dito ay para ayusin na paglaya mo. I dropped the charges even before I talked to you.

Mr. Ching: Talaga? Bago pa tayo mag-usap, iniurong mo na ang kaso?

Mr. Martin: Oo. At ginawa ko yun hindi dahil sa akin o sa iyo. Ginawa ko iyon para sa mga anak natin. Nakikita ko kung gaano naapektuhan ang mga bata sa away natin. Tama si Kris, hindi dapat sila naipit sa gulong ito. At sila ngayon ang nahihirapan. Kasalanan ko talaga lahat ito.

Mr. Ching: Nagpunta nga pala ang anak mo dito. Kakaalis nga lang niya eh.

Mr. Martin: Si Kris? Bakit daw?

Mr. Ching: First time ko siya makilala. Kinausap ako. Humingi ng tawad, sinabi kung gaano niya kamahal ang anak ko, pilit tinatanong sa akin kung saan niya hahanapin si Joyce.

Mr. Martin: Nagpunta din sa akin ang anak mo bago siya umalis. Ganun din. Humingi ng tawad, sinabi kung gaano niya kamahal ang anak ko, at nagpaalam. Aaminin ko sa iyo. Napahanga ako sa karakter ng anak mo. Tama ang asawa ko, who else would I want for my son? Pero nang dahil sa akin umalis si Joyce. At ngayon, galit na galit sa akin ang anak ko. I don’t know how to mend our relationship anymore.

Mr. Ching: Huwag kang mag-alala, hindi galit sa iyo ang anak mo. Kausapin mo lang siya. Makikinig na yun sa iyo ngayon.

Mr. Martin: Ricardo, ayusin natin ito para sa mga bata. Hindi pa naman huli ang lahat diba? Sunduin natin si Joyce. Pabalikin mo na siya dito sa Manila. I’m very worried about my son.

Mr. Ching: Rodolfo, ako din naman, I’m worried for my daughter. Pero hindi natin ito maaayos para sa kanila. We can’t live their lives for them. Katulad ng sinabi ko kay Kris, they both need this time apart and away from each other. And when the time is right, they will be able to finally fix this by themselves. We just need to be there for them all the time.

Mr. Martin: Sa tingin mo mapapatawad ako ng mga anak natin?

Mr. Ching: Huwag kang mag-alala. Maayos din ang lahat.

Mr. Martin: Salamat Ricardo. Sana bumalik sa dati ang pagkakaibigan natin.

Mr. Ching: Hindi ko pinagdududahan yun. Maraming salamat din. Nga pala, manang-mana pala sa iyo si Kris. Gwapo din ha. Siguro ang dami ng babae ang pinaiyak nun. Hahaha.

Mr. Martin: Hindi, stick to one yang anak ko na iyan. Si Joyce lang talaga. Nahulog ng sobra sa anak mo. Not that I object ha. Si Joyce lang ang nakapagpaiyak dun wala nang iba. Ang ganda din ng anak mo ha.

Mr. Ching: Siyempre, mana sa akin eh.

Mr. Martin: Hindi! Mana sa asawa mo. Hahaha.

Ang sarap ng pakiramdam na nagkaayos na kami ni Rodolfo. Makakalaya na din ako. Maaari na kami ulit mabuhay ng maayos ng anak ko. Siya naman ang tutulungan ko sa mga dinadala niyang problema. It’s time that I become a father to my daughter.  

Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon