Chapter 7

1.4K 20 2
                                    

CHAPTER 7

JOYCE POV

It’s a fine Sunday morning. It feels good to just take in the fresh air. It also felt good na alam na ni Lexi ang secret ko. Kahit paano, may napagsasabihan ako. Destined siguro talaga kaming maging mag-best friend. Sabi nga niya, soulsisters daw kami. Si Kris kaya, destiny ko din? Ang tahimik dito sa may park. Nakahanap ako ng isang quiet spot dito. Tago sa mga tao, malapit sa isang maliit na lagoon. Ito ang magiging sanctuary ko.

Kumusta na kaya si Kris? No text, no call, nothing. One week already feels like a year. Naiimagine ko siya kapag sinabi ko na namiss ko siya. Kakantiyawan ako nun! As in! Pero miss ko na talaga siya. Sobra. Pero hindi niya dapat malaman. Biglang may tumakip sa mata ko. First instinct – SELF DEFENSE! Siniko ko agad sa tiyan kung sino man siya tapos pinilipit ko ang kamay niya. Tapos...Oh my God!

Joyce: Kris!

Kris: Grabe, ang brutal mo naman! Ganyan ka ba maka-miss ng isang tao. Ouch!

Joyce: Oh no! Sorry! Nagulat kasi ako eh. Akala ko ako lang ang tao dito. Sorry na!

Kris: Ang sakit talaga!

Joyce: Saan masakit? Turo mo bilis. Oh no, sorry talaga!

Kris: Dito sa ribs ko. Aray...

Agad ko naman minasahe yung tagiliran niya.

Kris: Dito din sa kamay ko. Sakit talaga. Pilipitin ba?!

Hinawakan ko agad yung kamay niya.

Joyce: May masakit pa ba?

Kris: Parang masakit din itong likod ko eh.

Joyce: Ha? Sandali, ikot ako diyan sa likod mo.

Kris: Huwag na... Hug mo na lang ako.

Sabay smile ng loko.

Joyce: A ganun, niloloko mo lang pala ako ha!

Kris: Hindi no! Masakit talaga. Ang sakit sakit nga eh. Hug mo na ko bilis. Please? O sige, ako na lang ang mag-hug sa iyo. Miss na miss na kita eh

Tapos, niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

KRIS POV

Feeling ko nagulat siya na niyakap ko siya. Hindi siya gumagalaw nung una. Pero maya-maya, naramdaman ko na din ang dalawang kamay niya na yumakap sa kin. We stayed like that for a long time. It was heaven for me. Habang nakayakap siya, binulong ko sa kanya,

Kris: I missed you.

Joyce: I...missed you too.

Kris: You don’t know how much I missed you.

Joyce: Talaga? Parang hindi naman. Di ka nga nagte-text eh.

Kris: Eh bawal nga kasi cellphone sa camp. Barahin ba ako? Panira ka naman ng moment eh! Sige, kung ayaw mo maniwala...

Pormang lalayo na ako nang biglang...

Joyce: Uy, joke lang yun.

Nagulat ako ng siya ang unang yumakap sa akin. What a feeling!  After what seemed like an eternity.

Joyce: Uhm, Kris, pwede mo na ko bitawan. Medyo matagal na rin yang hug mo ha.

Kris: Bitiw na agad? Ayaw ko pa. Eh ang sarap ng feeling eh. Sige na nga. Tara, kain tayo. Gutom na ko eh. Dumiretso na ako dito galing camp. Di pa nga ako nag-breakfast eh.

Joyce: Ha! Ikaw talaga. Bakit ka nagpapalipas ng gutom? Pag na-ulcer ka, mas lalong di ka makakapaglaro ng basketball niyan!

Kris:   Eto na naman. Wagas ang concern! Kinilig naman ako dun.

Joyce: Sira ka talaga!

Kris: Tara na, kain tayo.

Joyce: Paano mo nga pala nalaman kung nasaan ako?

Kris: Tinawagan ko si Lexi. Sabi niya may bago ka na naman daw trip na lugar dito sa park. Gusto kasi kita i-surprise. 

Joyce: Ang ganda dito diba?

Kris: Oo, pero mas maganda ka.

Joyce: Corny mo! Hahaha!

We spent the whole day together. Ang saya lang nang ganito. Walang problems, walang worries. It was just the two of us having fun. Ganito pala kapag in-love. Shoot! In-love? Ako?

KRIS POV

In love na talaga ako. Kay Joyce. At alam ko malapit na din mahulog ang loob niya sa akin. Patience is a virtue. I’m willing to wait until ready na siya. Kris?! Ikaw ba to? Wala lang. Gusto ko lang ipagsigawan ang saya na nararamdaman ko. I never thought my last year in highschool would be like this. Buti dumating siya dito sa Ridgeview. Buti nakita ko siya. Buti nakilala ko siya.

Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon