Chapter 8

1.4K 19 3
                                    

CHAPTER 8

JOYCE POV

I made sure free ako every basketball game ni Kris. Kasama ko si Lexi sa bleachers. Siya naman, she’s cheering for Rick. Ang lakas sumigaw nitong kaibigan ko everytime makaka-shoot si Rick! Sakit sa tenga!  Hahaha! Everytime na papasok na ang Ridgeview team sa court, lagi tumitingin si Kris sa area namin sa bleachers as if to make sure na andun ako.  This particular game he asked me not to miss it. Nanalo ang team nila (as expected).

After ng game,

Lexi: Joyce, una na kami ni Rick. May dinner kami with his parents eh.

Rick: Sabi ni Kris, hintayin mo na lang daw siya sa may exit near the parking. Palabas na din yun.

Joyce: Ok. Ingat kayo ha? Nice game Rick!

Rick: Thanks kapatid!

Nagpunta na ako sa may carpark to wait for Kris. May dumaan na group of girls na pinag-uusapan si Kris.

Girls: Ang gwapo talaga ni Kris no? Sino kaya girlfriend nun? For sure super ganda nun, sexy, mayaman, fashionista. You know the type naman diba? Bakit naman papatol yun sa nobody?

Reality check for me. Oo nga no? I’m definitely not girlfriend material for someone like Kris. So gusto ba niya talaga ako? Tama ba na ma-insecure ako sa mga narinig ko?

Maya-maya pa, dumating na si Kris. Super smile kahit pagod na pagod from the game. It’s as if he was very happy to see me. And his smile was enough to wash away all the insecurities that I was feeling.

Kris: Sorry ha, kanina ka pa?

Joyce: Hindi naman. Nice game! Galing natin ah!

Kris: Siyempre. That was for you. Every game naman eh para sa iyo.

Joyce: Totoo? Hahaha. Cheesy mo lang talaga.

Kris: Masanay ka na sa ka-cornyhan ko. Araw-araw mo maririnig sa akin yan

Joyce: So, what’s so special about tonight?

Kris: I’ll take you out to dinner. I’ll bring you somewhere very special to me. Let’s go?

He held my hand while we were walking to his car. We drove for about half an hour, then

Kris: We’re here.

Joyce: Ang ganda naman dito. Very homey and private.

Kris: Eto yung resto na pinundar ng yaya ko dati. Nung medyo malaki na ako at hindi na kailangan alagaan, she put this place up. Favorite ko ito kasi ang sarap ng food. Siyempre, yaya ko ang nagluluto eh. Lahat ng comfort food and childhood favorites fo andito. DInala kita dito kasi gusto kita ipakilala sa kanya, as my future girlfriend siyempre.

Joyce: Sure na sure ka talaga na sasagutin kita ha? Feeling talaga.

Kris: Haha! Let’s go inside.

Yaya: Kris! Naku. Miss na miss ko na itong alaga ko!

Kris: Yaya! May ipapakilala ako sa iyo. Si Joyce po. Joyce, yaya ko.

Joyce: Magandang gabi po.

Yaya: Ang galing talagang pumili nitong alaga ko. Ang ganda na tapos pakiramdam ko napakabait mo pa!

Kris: Siyempre naman yaya. Ako pa! Ay sandali po, andiyan po ba si Dada?

Yaya: Andun sa kitchen, puntahan mo na. Ako na bahala dito kay Joyce.

Kris: Be right back.

Yaya: Halika Joyce, dito ka sa table na naka-reservve for Kris. Walang ibang pwedeng umupo diyan. Si Kris lang talaga. Mahal na mahal ko iyang alaga ko. Nung tumawag siya at sinabi na may dadalhin siyang kaibigan, alam ko na agad na espesyal ka sa kanya. Ikaw pa lang ang isinama niya dito para ipakilala sa akin. Kumbaga, gusto niya malaman kung boto ako sa iyo. At ibig sabihin nun, seryoso si Kris sa iyo. Kaya sana, alagaan mo siya ha? Huwag mo sasaktan. Sana mahalin mo din siya katulad ng nakikita ko na pagtingin niya sa iyo.

Hindi ako makapagsalita. Parang naninikip ang dibdib ko sa narinig ko. Mahal ako ni Kris? Seryoso siya sa akin? Totoo ba ito?

Joyce: Nabigla po ako. Hindi ko po alam na ganun pala kalalim ang nararamdaman sa akin ni Kris. Wala naman po siya nababanggit sa akin.

Yaya: Maniwala ka.  Huwag masyado gamitin ang utak. Pakinggan mo ang puso mo kung ano ang sinasabi nito.

Joyce: Huwag po kayo mag-alala. Aalagaan ko po at mamahalin si Kris.

Yaya: Salamat hija.

Niyakap ako ng yaya ni Kris. Na-miss ko tuloy ang yakap ni mama.

Yaya: O heto na pala si Kris eh.

Kris: Yaya, gutom na kami eh. Serve mo na sa amin yung food please?

Yaya: Opo, heto na po.

Pagkatapos ng dinner namin.

Kris: Ang ganda ng anbiance dito diba? Tara, may secret garden sila dito. Puntahan natin. Diba mahilig ka sa mga secret places?

Joyce: Ang ganda nga. Kris, thank you for bringing me here. Hindi ko alam na ganito pala ako ka-importante sa iyo para dalhin mo ako dito. Thank you.

Bigla siya naging seryoso.

Kris: Joyce, I think this is the right time for me to say this. I didn’t want to scare you off before kaya hinintay ko itong tamang oras. I love you Joyce. I really love you.

Joyce: Alam mo Kris, hindi madali sa akin ito. Takot kasi ako masaktan. Nasanay na ako na lagi ko pinoprotektahan ang sarili ko para di ako masaktan. But I’m willing to take the chance. I love you Kris. Sobra sobra.

KRIS POV

Di ako makapaniwala sa mga narinig ko. Mahal ako ni Joyce! Wala ako ibang nagawa kundi ang yakapin siya ng sobrang higpit.

Kris: I love you Joyce. Yessss! May girlfriend na ko! Wooooo!

Joyce: Akala mo ikaw lang? Yessss! May boyfriend na ko! Wooooo!

Kris: Seriously Joyce, mahal na mahal kita. I’ve never felt like this with anyone before. Sa iyo lang. Ikaw lang.

Joyce: Mahal na mahal din kita Kris. Ikaw lang.

Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon