1

432 18 11
                                    

HELLO ITO NA YUNG FIRST UD!!Thankyou asawanijimin31 sa pag basa jusko bb Vhyun 4ever tayo hehe!

---

Noong unang panahon, may babaeng nangangalang Princess. Siya ay isang
dilag panget -- Akala mo maganda noh?? WAHAHAHA! Siya ay mabait, maalalahing dilag at mapagmahal ngunit pinagkaitan ng KAGANDAHAN...

Lagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase na kamukha niya si Pokwang. Kaya naman ang napakaganda niyang namesung ay napalitan ng Pokwang.

Isang araw habang naglalakad sa canteen si Princess dala dala ang kanyang mahihiwagang libro, tinalapid siya ng isa sa mga tao sa canteen. Inaantay niyang mahalikan ang sahig ngunit wala siyang naramdaman. Ibinukas niya ang kanyang mga mata at nakitang may sumalong chinito na lalake.

Inayos niya ang kanyang sarili at nagsalita.

" Sa-salamat sa pagsalo sa a-akin. " Nahihiyang wika ni Pokwang.
Ngunit tinaasan lang siya ng kilay ni chinito boy at sinabing

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo tanga" /ANG HARD NYA TEH/

Dahil sa sinabing iyon ni chinita este chinini este chinito pala, natulala bigla si Pokwang..naramdaman nalang niya ang pagbangga ni chinito sa kaniyang balikat.

"HMMP! Gwapo na sana ang sama nga lang ng ugali-,-" Wika ni Pokwang.

"Uhmm Ms. Quoto? Pumasok ka na sa klase mo!!" Dahil nga panget si Pokwang pati apelyido niya panget. Tumakbo na si Pokwang sa kanyang klase, buti nalang wala pa daw ang prof.

Umupo na siya sa likod, oo sa likod dahil walang may gustong tumabi sakanya.

May naramdaman siyang sakit sa ulo niya pero iniisip niya baka kuto lang yon.

"ANG PANGET MO NA NGA ANG LANDI MO PA! LAKAS DIN NG LOOB MO MAKIPAG LANDIAN KAY JACOB EH NO?" Sabi ng isang babae habang hawak ang buhok ni Powang. Inisip naman ni Pokwang kung sino si Jacob.

"SINO SI JACOB?!" Tanong niya sa babae habang tinatanggal ang paghawak ng babae sa buhok niya.

"DUH! YUNG CHINITO BOY!"
Napa AHH nalang si Pokwang.

'si chinini--este chinito boy pala yun' Sa isip isip ni Pokwang.

"WAG KA NA LALAPIT KAY JACOB HAH!? NAIINTINDIHAN MONG PANGET KA!?!?" Galit na galit na sabi ni ateng na mukhang clown.

"EH HINDI KO NAMAN SYA NILAPITAN AH" Depensa ni Pokwang.

"ABAT MAG MAMAANG MAANGAN KA PA!!!" Galit na sabi ni ateng balyena.
Akmang ihahampas na sana niya kay pokwang ang pagka kapal kapal na libro na kasing kapal ng taba niya ng biglang pumasok ang
.
.
.
.
.
.
.
Prof nila, kala niyo si Chinito boy noh?

Sobrang naiinis si pokwang kaya nanahimik nalang siya.

"OKAY CLASS MAY BAGONG STUDENT TAYO!" Nag sigawan naman ang mga propaganda gurls( puro paganda)

"OMG SI JACOBB!!!!"

Sigeng tilian ang mga propaganda kaya naman etong si pokwang tinakpan ang kanyang tenga habang naka simangot.

'kala mo naman may artistang dumating psh' Sa isip isip ni pokwang, samantalang si Jacob naman ay naka poker faceu.

"CLASS QUIET!!!" Sigaw ng kanilang prof panotchi.

" Hi, I'm Jacob. " pag papakilala ni Jacob.

"AHHHHH JACOBBBB!! AKIN KA NALANG" Sigaw ng mga babaeng propaganda.

Chinito&Pokwang [Taehyung FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon