Chapter 6. TAKAS KA

7.5K 324 31
                                    

Kinalagan ni Ulung ang magkaibigan mula sa pagkakatali sa puno. Naunang kinalagan si Angelo at habang kinakalagan si Joshua ay sumenyas ito kay Angelo sa pamamagitan ng mata. Alam ni Angelo ang ibig sabihin ng kaibigan. Nagkunwaring nag-stretching ito upang makalapit sa kinaroroonan ni Paula na noon ay binabantayan ni Butung.

" Galing mo Paula," bati ni Angelo. " Sabi ko na nga ba, kayang -kaya mo ang kalaban."

Hindi kumibo si Paula at nanatiling nakaupo habang umiiyak. Tila hindi pa niya matanggap sa sarili ang magkakahalong emosyon sa kanyang pagkakapatay kay Banong at ang pagkawala ng mga kaibigan.

Tumayo naman si Butung upang pigilin si Angelo na makalapit kay Paula.

" Paula, tara kakain ako, sama ka." sabi ni Angelo habang tinutulak siya ni Butung papunta sa gitna kung saan maglalaban sila ni Joshua.

"Tara kakain ako, sama ka, Paula," muling sabi ni Angelo bago tuluyan siyang kaladkarin ni Butung papunta sa gitna.

" Kumuha ka ng armas mo," utos ni Butung kay Angelo. " Huwag kang mag-alala. Kung kain ang hanap mo, mamaya pagkatapos ng labanan, pagsasaluhan namin ang mga talunan."

Natawa si Ariel sa narinig na sinabi ni Angelo. Ang akala niya kanina ay matapang ito dahil nakukuha pang magbiro kahit alam na nito na nasa delikadong sitwasyon sila. Ngayong ito na ang sasalang sa labanan, tila dinapuan na ng nerbiyos at kung anu-ano ang mga sinasabi.

Ganun din ang naisip ni Paula habang pinagmamasdan si Angelo na nasa ng tumpok ng mga sandata. Siguro ay inatake ito ng matinding takot at kaba kaya hindi na nito namamalayan ang kanyang mga sinasabi.

Nakita niyang sumulyap sa kanya si Angelo habang pumipili ng gagamiting sandata.

Nasa gitna na rin si Joshua at kumukuha ng sandatang gagamitin. Kasabay sa pagyuko nito upang damputin ang isang buho ay palihim na nagsalita.

" Nasabi mo ba sa kanya?"

" Oo, Josh, kaya lang mukhang hindi na gets. Hindi ko masabi ng direkta. mabibisto tayo."

" Sana makuha niya ang ibig mong sabihin."

" Sana nga."

" Kayong dalawa, umpisahan na ang laban!" sigaw ni Isung.

Dinampot ni Joshua ang isang mahabang buho na walang tulis ang magkabilang dulo.

" Puwede na 'to. Kumuha ka na ng sa iyo." sabi nito kay Angelo.

" Wala akong makitang tirador," reklamo ni Angelo habang naghahanap sa bunton ng mga sandata.

Dumampot si Angelo ng dalawang palakol na may maiksing hawakan.Kahawig ito ng palakol na ginagamit ni Diana.

" Eto, puwede na ba 'to?" tanong nito na nakangiti. " Magaling ka naman umilag. Ilagan mo na lang para hindi ka tamaan."

" Angelo, huwag ka munang magbiro. Baka mahalata tayo!"

" joke lang, masyado kang serious," sagot ni Angelo sabay bitaw sa palakol. " Ito na lang sa akin."

Dumampot ito ng dalawang piraso ng kahoy na magkasinlaki at may habang kulang sa isang metro.

Lumapit si Joshua kay Butung at iniabot ang mahabang buho.

" Lubhang napakahaba nito para aking gamitin. Maaari bang hatiin ito sa gitna?"

" May mga sandata doon na sadyang ginawa para pamatay. Bakit iyan ang pinili mo?" tanong ni Butung. " Hindi makakapatay yan."

" Kagaya din ito ng ginamit ng mga naunang naglaban. " sagot ni Joshua. " Mas gamay ko gamitin ang ganitong sandata."

Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo   (BOOK IV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon