Habang tumatakbo ang bus ay hindi maiwasang mapansin ni Benjamin ang kakaibang katahimikan sa loob, taliwas sa nangyayari kanina noong bago pa lang sila huminto sa Igbanglo.
Ang grupong pinakamaingay at pinakamakulit kanina ay tahimik na ngayon at ni isa ay wala siyang naririnig na nagsasalita.
" Baka napagod kakaikot sa gubat kaya nagsipagtulog ang mga ito." sambit ni Benjamin sa sarili.
Sinilip niya sa rear view mirror ang dalawang magkaibigan sa bandang likuran niya . Pati ang mga ito ay hindi na rin nag-uusap at nanatiling nakaupo lamang at hindi nagsasalita na parang hindi kakilala ang katabi.
" Ano kaya ang nangyari sa mga ito?" tanong ni Benjamin sa sarili.
Ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho at pagkaraan ng ilang oras ay natanaw na niya ang terminal ng bus ng San Jose.
Ilang saglit pa ay nasa entrance na siya ng terminal. Pagkatapos iabot ang bayad sa terminal fee ay minaniobra na niya ang bus upang iparada ito sa designated parking area.
May mga naghihintay na susundo sa ibang mga pasahero.
Kasama sa naghihintay si Luigi.
Napangiti si Luigi ng makita sina Joshua at Angelo na pababa ng bus. Mabilis siyang lumapit sa dalawa ng makita niyang nakatingin ang mga ito sa kanya.
" Mga p're, welcome dito sa amin sa San Jose! " bati ni Luigi habang lumalapit sa dalawa.
Natigilan si Luigi ng mapansing hindi siya pinansin ng dalawa na tila hindi siya kilala. Ang tinitingnan palang mga ito ay ang lalaki sa kanyang likuran.
Lumapit ang lalaki sa dalawa at kinausap si Joshua. Sandaling nag-usap ang dalawa at pagkatapos ay umalis na ang lalaki.
" May kakilala si Joshua dito sa amin?" nagtatakang tanong ni Luigi sa sarili. " Paano nangyari yun e first time lang nila dito?"
Nang makitang umalis na ang lalaki ay lumapit si Luigi sa mga kaibigan.
" Josh sino yun? May kakilala ka pala dito."
Sandaling tumitig sa kanya ang kausap. Tila kinikilala pa siya nito. Ang kasama naman nito ay tila walang pakialam at nakatingin lang sa malayo.
" Josh, Angelo ano ba kayo? nakakatakot yang biro ninyo." natatawang sabi ni Luigi," Sorry na, kasalanan ko at iniwan ko kayo pero wala namang ganyanan."
" Ahhh ikaw pala kaibigan," sagot ni "Joshua". " Ikinagagalak kitang makita."
" 'Alangya, may ganyanan talaga? Tara na nga , puro kayo kalokohan. " naiiling na sabi ni Luigi. " Idea mo ito Angelo ano? Ikaw lang ang puwedeng makaisip ng ganitong kalokohan."
Hindi sumagot si " Angelo" at nanatiling nakatitig sa malayo.
" Hindi ako maaaring sumama sa iyo." sagot ni "Joshua." " Kailangan ko ng bumalik."
" Ha?! Babalik na kayo agad ? Kararating ni'yo pa lang ah. Hindi pa nga kayo nakakapunta sa bahay namin." hindi makapaniwalang sabi ni Luigi.
" Kailangan ko ng bumalik.May mahalagang bagay akong gagawin." sagot ni "Joshua".
" Angelo, ano ba 'to?" nalilitong tanong ni Luigi. "Galit ba kayo sa akin?"
Hindi pa rin nagsasalita si "Angelo". Nakatitig lamang ito kay Luigi pero walang makikitang emosyon sa mukha nito.
" Ito na nga ba sinasabi ko eh," sabi ni Luigi. " Kaya ayokong sumakay sa bus na yan eh. Ano ba nangyari sa biyahe ninyo Angelo?"
Nang walang marinig mula kay Angelo ay binalingan uli ni Luigi si Joshua.
BINABASA MO ANG
Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo (BOOK IV)
AdventureAno ang gagawin mo kung ang taong palaging nagliligtas sa iyo ay siya namang nasa panganib at kailangan mong iligtas? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Angelo at Joshua sa lugar na kung saan ang tanging pagpipilian ay kung mamatay na w...