Napatayo si Angelo mula sa kanyang kinauupuan ng makita ang nangyari kay Paula.
" Paula, tumayo ka. Tumayo ka!" sigaw ni Angelo.
Nanatiling hindi na kumikilos si Paula. nanatili itong nakadapa sa lupa.
Si Ariel, bagamat nakadilat ang mga mata, ay halatang wala ng buhay. Tumigil na ito sa pagkisay at hindi na rin kumikilos.
Hindi makapaniwala si Angelo sa nasaksihan.
" Putek, ano'ng nangyari dun? Ba't nagkaganon yun? Parang may mali."
Humahangos na dumating si Anung sa kuweba ni Namaki.
"Mahal na engkantado! Mahalna engkantado!"
Lumabas si Namaki sa kuweba. Halatang kagigising lang nito at tila nainis dahil sa pag gambala sa kanyang pagtulog.
" Alam mo ba na ang pinaka importante para sa akin bukod sa pakikipagtalik ay ang pagtulog?" galit na sabi nito. " Ang ayaw ko sa lahat ay ginagambala ang patulog ko!"
" Paumanhin po, mahal na engkantado ngunit kailangan ninyong makita ito."
ipinakita ni Anung ang palaso na nakuha niya sa kay Kadung.
Tinitigan ni Namaki ang palaso. Agad niyang nakilala ito.
" Isa itong palaso ng isang panang Aradayon. Saan mo nakuha ito?"
" Sa katawan po ni Kadung," sagot ni Anung. " Patay na po siya at nakatarak sa katawan niya ang palasong iyan."
" Ano? " hindi makapaniwala si Namaki sa narinig. " Sino ang pumatay sa kanya?"
" Ang huling nabanggit niya po bago namatay ay ang mga salitang Pogi at engkantado. Sa tingin ko po, gusto niyang sabihin ay si Pogi ay isang engkantado. patunay po ang mga palasong iyan na tama ang sinabi ni Kadung."
" Hindi siya isang engkantado," sagot ni Namaki. " Isa lang siyang mababang-uri na may panang Aradayon. Iyon ang dahilan kung bakit siya napagkakamalang engkantado."
" Paano nagkaroon ng isang sandatang pang-engkantado ang isang mababang-uri na gaya ni Pogi?"
Hindi nakakibo si Namaki sa tanong na iyon ni Anung.
Ang alam niya, iisang mababang-uri lang ang may sandata na pang-engkantado.
Ayon sa kanyang narinig, nakuha niya ito sa pakikipaglaban sa Bundok Mari-it.
Ang mababang-uri na ito ang naging instrumento sa pagbagsak ni Payhud, ang pinuno ng mga Arbore .
Utang ng mga Aves ang buhay nila sa nilalang na ito. Kung hindi dahil sa kanya ay baka ang mga Arbore na ang namumuno ngayon sa Bundok Mari-it.
Si Lagalag!
Hindi kaya si Pogi ay si Lagalag?
" ano ang gagawin namin?" tanong ni Anung. " Delikado ang lagay natin, Nakapasok ang isang engkantado sa ating teritoryo."
" Hindi ninyo siya dapat katakutan," sagot ni Namaki. " baka isa lang siyang pangkaraniwang mababang-uri na may napulot na sandata ng isang engkantado. Hulihin ninyo siya at dalhin sa akin."
Mabilis na umalis si Anung. Kailangan niyang magtawag ng iba pang mandirigma para hanapin si Pogi.
Naiwan si Namaki na nag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin.
Kailangan nilang maghanda. Hindi niya sinabi kay Anung ang tungkol kay Lagalag upang hindi ito matakot at subukang hulihin ito.
Kung totoo ngang si Lagalag at si Pogi ay iisa, nasa panganib sila.
BINABASA MO ANG
Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo (BOOK IV)
AdventureAno ang gagawin mo kung ang taong palaging nagliligtas sa iyo ay siya namang nasa panganib at kailangan mong iligtas? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Angelo at Joshua sa lugar na kung saan ang tanging pagpipilian ay kung mamatay na w...