Final Chapter.

13K 592 152
                                    

                            Hindi makapaniwala si Angelo sa narinig mula sa kaibigan.

"Totoo p're, nabubuhay uli yung mga napatay na natin?"

" Oo, kaya nilang bumuhay ng namatay na dito," sagot ni Joshua. 

" Patay tayo diyan," nagkakamot ng ulo na sabi ni Angelo. " Sa dami ng sumugod dito kanina, ibig sabihin, lahat yun makakabalik pa. Hindi pa sumusugod yung mga Ugrit. Mga alaga pa lang nila yan."

Natigilan si Joshua sa sinabi ni Angelo. Ngayon niya lang napansin na halos wala pa siyang napapatay na Ugrit simula ng sugurin siya dito sa kuweba.

Puro alaga lang ng mga ito ang nakakasagupa nila ni Angelo.

" Tama ka ,Angelo. Puro alaga lang nila ang sumusugod sa atin. Wala pa yung mga mandirigma nila."

" Kung totoo ang sinasabi mong nabbuhay sila uli, susugod at susugod uli ang mga yun. Para tayong lumaban uli sa mga maranhig. Mas malala pa ang mga ito kasi marunong sila mag-isip. Yung mga maranhig, ang nasa isip lang nun,kumain. Ito ngayong kalaban natin, marunong makipaglaban."

 Biglang may pumasok sa isip ni Joshua.

" Angelo, tara. Balik tayo sa kabila."

" Bakit? May nakalimutan ka?"

" May gusto lang akong matiyak." sagot ni Joshua.

" Kapag bumalik pa tayo, baka marami na tayong madatnan dun sa pinanggalingan natin." sagot ni Angelo. " Ano ba ang titiyakin mo? Ang tiyak ko, patay tayo kapag inabutan tayo ng maraming kalaban."

" Nakapasok na kasi ako dun sa sinasabing tubig na nakapanggagamot at nakakabuhay." sagot ni Joshua. " Nilulublob ang buong katawan sa tubig para gumaling. Ganun din siguro kapag kailangang buhayin ang namatay na."

" What's the point?"

" Sa tingin ko, hindi nito kayang buhayin ang mga napatay natin na kulang ang parte ng katawan." sagot ni Joshua. " Kailangang buo kapag nilublob para umepekto ang mahika ng tubig."

" Ahh, I see the point." sagot ni Angelo. " babalikan natin dun yung binanatan ko sa ulo. Yung parang gorilya?"

" Oo, si Kulaw yun." sagot ni Joshua. " Tingnan natin kung naroon pa siya. Kapag hindi kinuha ng tagahakot si Kulaw, ibig sabihin, hindi na siya mabubuhay pa."

" Tara, balik tayo."

Mabilis na tumakbo pabalik ang dalawa.

Ilang saglit pa at inabutan nila ang ilangUgrit na hinahakot ang mga bangkay ng mga taong-kambing na napatay na nila.

Bago pa makatakbo ang mga Ugrit ay sunod-sunod na palaso na ang pinakawalan ni Joshua.

Bagsak ang tatlo sa mga ito. Isa lang ang natira na nagawang makailag.

Mabilis na nag-anyong ibon ito at lilipad sana palabas ng biglang salubungin ito ng palo ni Angelo mula sa nadampot niyang isang piraso ng kahoy.

Nangingisay itong bumagsak sa lupa.

Hinanap nila ang bangkay ni Kulaw at gaya ng inaasahan ni Joshua, nakita nilang naiwan ito sa loob ng kuweba at hindi na kinuha ng mga tagahakot.

" Tama ka p're," sabi ni Angelo. " Hindi nga nila kinukuha yung mga kulang-kulang na ang piyesa. Kailangan complete package."

" Kailangang gamitan natin sila ng dalugdug," sagot ni Joshua. " at dapat, sa ulo patatamaan."

" Kanina ko pa ginagawa yan," sagot ni Angelo. " Bakit hindi mo kasi ginagamit yung dalugdug mo?"

Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo   (BOOK IV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon