Biglang hinila ng kanyang asawa si Mang Miguel upang pigilan ito sa paglaban sa mga engkantado.
" Huwag Miguel! Hindi tayo dapat lumaban." saway ng matandang babae sa kanyang asawa. " Kapag napatay tayo ng mga 'yan ay mawawalang ng saysay ang paghahanda natin. Ang isa pa ay hindi natin matutulungan itong si Angelo at baka pati siya ay mapahamak din."
" Ano'ng gagawin natin? hahayaan na lang nilang patayin tayo ng walang kalaban-laban?" galit na tanong ng matandang lalaki. " Iisipin nilang pumatay tayo ng tao dahil sa sariwang dugo na ininom natin."
" Alam kong ngunit maaari naman tayong magpaliwanag." sagot ng matandang babae. " hindi naman siguro tayo papatayin agad na hindi tayo tinatanong. Mga engkantado ang mga 'yan at hindi mga Ugrit. Alam kong nakikinig sila sa katwiram."
" Tama si Lola,Lo," dagdag ni Angelo. " yung mga kaibigan ko, mga engkantado din yun pero mababait ho sila. Hindi ho sila basta pumapatay lang ng walang dahilan."
" Paparating na sila," sabi ng matandang babae. "Basta yumuko lang tayo sa lupa at huwag silang titingnan sa mata. Naiinsulto ang mga engkantado sa ganyan. Magpakumbaba tayo."
Walang nagawa si Mang Miguel kundi sumunod sa asawa. Tama ang asawa niya. Hindi sila nagpunta dito para makipaglaban sa mga engkantado.
May mas importante silang dahilan.
Umurong ang mga pangil niya at mahahabang kuko.
Lumuhod siya sa lupa at iniyuko ang ulo.
Ilang saglit lang ay naramdaman nila na may nakatayo na sa kanilang harapan.
" Bakit ninyo kami minamanmanan?" Boses ng isang babae.
" Hindi po kami nagmamanman," sagot ng matandang babae. " nakita po namin kayo, mahal na diwata at nagtago kami dahil sa takot na baka kami ay inyong paslangin."
" Ano ang ginagawa ng mga aswang sa parteng ito ng gubat?" boses ng isa pang babae. " Hindi pa ito sakop ng teritoryo ng mga Ugrit. Wala kayong karapatang pumatay ng kahit na anong nilalang dito."
Natigilan si Angelo ng marinig ang mga boses. Parang kilala niya ang mga nagsasalita.
" Wala po kaming pinapa..."
" Huwag kang magsinugaling! " galit na sinabi ng isa sa mga babae. " Naaamoy pa namin ang dugo ng inyong biktima sa inyong katawan."
Napangiti si Angelo. Kilala niya ang boses na yun.
Kilalang-kilala!
Bigla niyang iniangat ang kanyang ulo.
" Hello guys, kumus.."
Hindi naituloy ng Angelo ang sasabihin.
Naramdaman niya ang matalas na palakol sa kanyang leeg.
" Isang bigla pang pagkilos at gugulong na ang ulo mo sa damuhan,aswang!"
Nasa harapan niya si Diana. Nakadantay ang palakol nito sa kanyang balikat habang ang isa naman ay nakaamba sa kanyang ulo.
Mabilis na hinatak ng matandang babae si Angelo.
" Huwag po! Hindi po siya lalaban."
" Teka, Lola, hindi po talaga ako lalaban," sabi ni Angelo sa matanda. " Sila po ang sinasabi kong mga kaibigan kong engkantado."
Binalingan nito ang dalawa sa kanyang harapan.
" Guys ,ano ba kayo, hindi ba ninyo ako nakikilala?"
Natigilan si Angelo sa nakita. Bagaman at sigurado siyang si Queenie at Diana ang nasa harapan, walang bakas sa mukha ng mga ito na kilala siya.
" Kung inaakala mo na sa paggaya ng mukha ng kaibigan namin ay malilinlang mo kami, nagkakamali ka." sabi ni Queenie. " Isa pang kamukha mo ang iniwan namin sa aming pinanggalingan."
BINABASA MO ANG
Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo (BOOK IV)
AdventureAno ang gagawin mo kung ang taong palaging nagliligtas sa iyo ay siya namang nasa panganib at kailangan mong iligtas? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Angelo at Joshua sa lugar na kung saan ang tanging pagpipilian ay kung mamatay na w...