Take 6 - KITKAT

77 4 0
  • Dedicated kay Maria Roscel Fabian Rañola
                                    

"Some people are meant to fall in love with each other. But not meant to be together."

Gino.

Almost two weeks passed mula nung bakasyon namin at eto, malapit na nga ang Valentines Day pero mas inaabangan ko ang promotion ko.

Tama! Nainterview kasi ako last week sa isang managerial position. Akala nyo puro kakulitan at kalokohan lang ang inaatupag ko. Syempre, hindi. Seryoso ako sa trabaho ko.

"Janelle!" tawag ko sa kanya kasi papasok na rin sya ng elevator.

"Gino." sabi nya tapos ngumiti.

Gustong-gusto kong nakikitang ngumingiti si Janelle.

Gumagaan ang pakiramdam ko.

"Gino, ngayon na yun di ba?" tanong ni Janelle.

"Oo. Pero wag muna tayo masyado mag-expect, magaling din kasi yung iba." sabi ko.

"Naku, ikaw pa. Magaling ka kaya!" sabi pa nya.

"Oo na. Ang aga aga binobola mo ko." I said then inakbayan ko sya.

"Mana mana lang yan. Nahahawa na ata ako sa'yo." sabi nya tapos nagtawanan kami.

We're laughing together and I like what I'm feeling. Masaya ako.

Naunang pumasok sa akin si Janelle sa loob ng office.

Just then, kinapa ko yung bulsa ko para kunin yung access ko. At narealize ko na naiwan ko yung access card ko sa isa kong bag.

Kumatok ako sa glass door ng office. Medyo malapit dun ang desk namin ni Janelle kaya naman narinig nya agad.

"Bakit?" tanong nya nung lumabas sya.

"Naiwan ko access card ko. Di ako makapasok e. Hehe.." sabi ko tapos napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Ayan.. Check check din kasi ng mga gamit pag may time." sermon nya pa.

**Toot!** tunog nang i-swipe ni Janelle yung access sa gilid ng pinto.

"Oo na. Dapat kasi nilagay mo na sa bag ko." sabi ko naman.

Nag-aayos sya ng mga gamit nya sa desk.

"Malay ko ba sa mga gamit mo." sagot naman nya.

"Asawa kita. Alam mo dapat." sabi ko then boom!

Yung mga birong ganito, normal na sa amin ni Janelle. Minsan nga parang wala na lang kasi nakasanayan na pero di pa rin maiwasan minsan na may magrereact at magcocomment. No reaction na naman si Janelle dahil inunahan na sya ng mga kasmahan naming kinikilig sa 'min. Nakakatuwa kasi pag inaasar na kami, lagi na syang natatahimik. Hahaha!

"Mr. Silva, pinapatawag kayo ni Director Denevra." sabi ng sexytary sa akin.

"Okay. Guys. Gotta go." sabi ko.

"Gambare!" bulong ni Janelle.

I smiled at her. Kahit hindi naman talaga kami... Feeling ko, girlfriend ko talaga sya na sumusuporta sa akin.

....

After 2 hours...

"Gino? Ahm..." halata kong alinlangan si Janelle sa sasabihin nya.

"Samahan mo muna ko sa baba. Kain tayo." aya ko sa kanya.

Agad naman syang sumunod sa akin. Sa mga oras na 'to... Kelangan ko ng kausap. At hindi ko alam kung bakit si Janelle ang nahila ko.

Status: Love Team ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon