"I kept on wondering how does it feel to go out with someone who makes your heart dugeun, duguen. I guess, it would be a perfect memory."
*Poke.
*Poke.
*Poke.
"Aughhh! Ginoooo! Wag mo ngang ipoke yung pisngi koo!" reklamo ko kasi kanina nya pa ginagawa yun.
Andito kami ngayon sa bayan pero nasa park kami. Sarado pa kasi yung mall eh, trip nila manood ng movie kasi mamayang gabi swimming naman.
Kaming apat lang yung gumala kasi yung iba, sila daw mag-aayos para sa swimming mamayang hapon.
"Inaantok ka kasi." sabi nya tapos ngumiti na naman.
"Gino. Seryoso. Ilang taon ka na? 28 ka ba talaga o isip bata ka lang?" tanong ko sa kanya.
It was a joke pero I think I hit a nerve kasi bigla syang sumimangot at lumayo.
Tsss.. See? Childish.
"Halaaaa! Janelle! Anong ginawa mo? Bakit nag walk out yun?" tanong ni Ashley.
"Wala. Sabi ko lang isip bata sya. Baliw eh.." sagot ko naman.
"Nakuuu! LQ na naman. Ang aga aga oh.. Kahapon halos langgamin kayo. Itinanong nga ni lolo sakin kung kelan nyo daw balak magpakasal. Bagay na bagay daw kasi kayo." kwento ni bff.
"Sa dreamland na lang. Sus... Alam mo naman di ba? I think that Gino is just playing around." bulong ko.
"Oo nga. And I can see that you're not playing around. You're taking him seriously. You're falling more for him everyday." sabi niya pa.
"Hindi ah. Ako? Magkakagusto sa kanya?" tanong ko.
"Paano mo malalaman na naiinlove ka na sa isang tao? Stage 1: the Denial stage. Sinasabi mong wala pero deep inside... OO." sabi nya.
"Edi ikaw na oh-so-Genius pagdating sa love. Kung ako sayo, si Rylan na lang atupagin mo." asar ko sa kanya.
Pero napaisip din ako...
"Sa 'kin ka pa magtatago. Babae ako at kaibigan mo. I know exactly how you feel lalo na't almost same tayo pero yung amin ni Rylan, sort of fling thingy pero yung inyo ni Gino... Unknown."
Napatingin ako kay Gino na papalapit sa pwesto namin.
"Bukas na yung mall. Pasok na tayo." sabi nya tapos agad naman na tumayo siya at tumakbo sa piling ni Rylan.
Wahahaha! Haliparot yang si Ashley e. :D
"Tara. Sumunod na tayo sa kanila." aya ni Gino.
"Okay." sabi ko tapos tiningnan ko lang sya.
"O baket? Masyado bang gwapings?" tanong nya sabay kindat.
"Gwapings? Asa." sabi ko tapos tumawa kami.
"Di ka na galit?" tanong ko.
"Hala! Di naman ako galit. Joke lang yun. Di pala bagay sakin mag-emote." sabi nya tapos kiniliti ko sya sa tagiliran.
"Ang lambot. Walang abs." sabi ko tapos natawa sya.
"Baka mamaya pag nagswimming tayo maglaway ka sa abs ko." sabi nya.
"Talaga lang ha? Siguruhin mong maglalaway nga ako at hindi magsusuka. Hahaha!" asar ko sa kanya.
Tapos kiniliti din nya ko.
BINABASA MO ANG
Status: Love Team ♥ [Completed]
Não FicçãoLove team is a relationship when you treat each other as lovers sa harap ng maraming tao, less than friends sa sinasabi nilang likod ng kamera. Sounds new? Nah ah... Eto yung klase ng relasyong... Sweet sa isa't-isa pero walang committment, walang...