Take 13 - One Word to End

70 4 0
                                    

"Sorry but I've gotta be strong,

And leave you behind.

I can't waste time so give it a moment

I realize nothing's broken." Tattoo - Jordin Sparks

Janelle POV.

One.

Two.

Three.

Four.

Bakit?

Bakit ang tagal nakalapat ng labi ni Jepoy sa labi ko?

Pero bakit ganun?

Wala akong kakaibang maramdaman?

Sa pagpikit ko, sa pagdama ko ng halik nya...

Iisang lalaki lang ang pumasok sa isip ko. Ang lalaking alam kong hanggang ngayon, laman pa rin ng puso ko.

Unti-unti kong naramdaman ang paglayo ng mukha ni Jepoy sa mukha ko.

"Jan... Alam ko, dapat akong mag-sorry pero that kiss, kahit na hindi mo nireturn, I enjoyed it. Alam kong hindi ako ang naisip mo nang halikan kita. Pero sana, kalimutan mo na sya. Ayokong nakitang nasasaktan ka. It hurts a lot for me to see you in pain." mahinahong sabi ni Jepoy at damang-dama ko ang sinseridad sa bawat salitang binibitiwan nya.

Bakit ba kasi nauso pa ang tanga?

Ayan na! Nasa harapan ko na yung taong mahal na mahal ako. Yung taong alam kong, hindi ako papaiyakin sa sama ng loob!

Pero bakit ganun? Bakit... Bakit kahit nasaktan na ako ni Gino, hindi ko magawang kamuhian sya? Bakit mahal na mahal ko pa rin ang gagong yun?

Bigla kong niyakap si Jepoy na alam kong ikinagulat nya.

"Jepoy. Salamat. Sobrang salamat dahil lagi kang nandyan. Sorry kung di ko magawang suklian yang pagmamahal mo. Sorry din kasi... Di ko pa nakakalimutan si Gino. Pero... I want to forget him. Can you help me?" pakiusap ko sa kanya.

Inalis nya ang pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan ako sa mata.

"Are you sure about that?"

Tumango lang ako.

Nakapagdesisyon na ako. Kung uso ang mga tanga, ayokong maki-uso. Dahil naniniwala akong ang tunay na pagmamahalan ay di mo tatawaging katangahan.

**A week later.**

"Wow. Ang ganda mo talaga, Ashley." pagpuri ko sa bespren kong di ako makapaniwala't ikakasal na sa kalandian nya, si Ryan.

"Wag mo nang ulit ulitin, bes. Lumalaki na tenga ko eh." biro naman nya at nginitian ko lang sya.

"Maraming salamat sa pag-aasikaso ng kasal ha? Salamat, Jepoy for being the wedding planner and thanks bes for helping out Jepoy. We loved everything." dagdag nya pa.

"Wala yun. Ito na lang ang maitutulong ko sa'yo. Pag may problema ka dyan kay Ryan, I'm just a Skype away." sabi ko at bigla namang umiyak ang bruha.

"Oh! Wag kang iiyak. Malulusaw ung make up mo!" saway ko sa kanya at agad namang kumuha si Ryan ng tissue at inabot kay Ashley.

"Kasi naman, bes! Bakit kailangan mo pang umalis?" tanong nya.

Nginitian ko lang sya at binigyan ng "Alam-Mo-Na" look.

Tumango lang sya and I know she will support me with my decision as well.

Status: Love Team ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon