"At some point in our lives, we had memories we forgot in our minds but buried deep down in our hearts."
"Waaaaaaaaaa! Ginoooo!!! Finally! Nasa Baguio na rin ako! Hahahaha! I'm so happy!" sabi ko sa lalaking kausap ko sa telepono.
"Good. Nasan ka na ngayon?" tanong nya.
"Nandito na sa bahay ng kaibigan ko." sagot ko naman. Though ang totoo eh nasa transient ako. Pero residential. May mga kapitbahay eh..
"Sige, magpahinga ka muna. I'll turn off my phone. Tinatawag na kasi yung flight namin. Text ka na lang pag nagising ka na." he said and hung up.
"Ingat..." I said in a sad gloomy voice.
"Happy ka? Wala sa mukha mo." sabi nung lalaking lumabas sa likod nung tank ng rooftop.
Gwapo sya.
Sobrang gwapo.
Clean cut yung buhok nya. Itim na itim yung mata nya tapos matangos yung ilong at maganda ang porma ng manipis nyang labi. He's a total image of handsomeness! Kung liligawan ako nito, kaya kong kalimutan si Gino! Hahahaha!
Joke. =__=
Hindi ako nagsalita kasi, tama naman sya. I'm not that happy.
"Janjan??" biglang tanong sakin nung lalaking nagsalita kanina.
"Huh?" ako
Janjan. Yan ang tawag sa 'kin nung bata pa ako. Sounds boyish pero cool naman sabi nung ex ko nung elementary.
"Janelle Marcelo, 3-St.Paul. I'm Red Jefferson Angeles. 4-Psalms. Can't you remember me?" tanong ng gwapong nilalang sakin.
Red Jefferson...
Hmmm...
Familiar e..
"JPOP fan ka ba or anime fanatic din? Sa forum ba tayo nagkakilala??" tanong ko sa kanya.
Tumawa lang etong pagkagwapong lalaki sa harap ko imbes na sumagot.
"Nope."
"Eh?!! Bakit mo kilala?!! Stalker kita?? OMG!!" sabi ko sa kanya tapos naglakad ako palayo.
"Janjan, wait!" sigaw nya.
Asus. Inglesero.
"Anooo? Hu u nga kase?!! I don't talk to strangers!" sigaw ko sa kanya.
"But you're talking to me now." sabi nya tapos he smiled.
Namaaan! Bakit po ang gwapo nyang ngumiti? Kyaaaaah!
Napatakip ako sa bibig ko at nag-sign na umalis na sya.
"Seriously? Ganun na ba katagal yung break up natin at nakalimutan mo ko?" tanong nya uli.
"Wala akong boyfriend... Yung huling boyfriend ko ay..."
Di ko naituloy yung sinasabi ko dahil may narealize ako.
"Jepoooy?!!!"
"Finally! Naalala mo rin ako. Pero Red na ang tawag nila sa akin ngayon pero ikaw, dapat Jepoy pa rin." he said and smiled.
"Eh kase... Antagal na nun... Tapos.." di ko na naman naituloy ang sinasabi ko kasi pinigilan nya ko.
Di ko sya nakilala agad kasi, my memory is not that good. Wala akong talent sa long term memory lalo na sa mga tao.
"Are you alone?" he asked.
"Oo... Dapat may kasama ako kaso..." at di ko na naman naituloy dahil nalulungkot lang ako pag naaalala ko.

BINABASA MO ANG
Status: Love Team ♥ [Completed]
No FicciónLove team is a relationship when you treat each other as lovers sa harap ng maraming tao, less than friends sa sinasabi nilang likod ng kamera. Sounds new? Nah ah... Eto yung klase ng relasyong... Sweet sa isa't-isa pero walang committment, walang...