Take 9 - Mr. Hopeless Romantic in Disguise

70 3 1
                                    

"I'm not hopeless but I'm romantic. Just in love."

Jepoy.

"Janjan! Kakain naaa!" tawag ko sa babaeng kanina pa nag-eemote sa terrace ko.

Dali-dali naman syang tumakbo at naupo.

"Woooooooowwww! Ang dami nitoooo! Marunong ka palang magluto?!" manghang manghang tanong niya.

"Oo naman, Hime." sabi ko sa kanya.

Nanlaki yung mata ni Janelle nang banggitin ko ang salitang Hime. Nung elementary ako, nalaman ko sa pinsan kong nag-aaral noon sa Japan na ang tawag sa prinsesa ay Hime. Kaya nung nalaman ko yun, Hime ang tawag ko sa kanya.

"Oy! Alam ko na meaning ng Hime na yan! Nagsinungaling ka. Sabi mo, ibig sabihin ng Hime... Maganda. Eh, prinsesa pala yon!" sabi nya tapos kumain na sya.

"Bakit? Di ba ang mga prinsesa, magaganda? You're pretty. You're a princess. It's a win win argument, Hime." sabi ko tapos napansin kong nag-blush sya.

"Ewan! Walang prinsesang  mataba!" sabi nya tapos kumain na naman.

Napangiti na lang ako. Kaya lumalaki ang Hime ko... Hehehe... Pero okay lang. Kung sa ganyang katawan nya maeenjoy ang buhay, I'm fine with it. Okay ako sa malusog na Janjan na masayahin, kesa sa patpating Janjan na laging maysakit at nakakulong lang sa bahay.

*REWIND*

13 years ago. Isang buwan pa lang nakatira dito sa amin sina Janelle pero close na kami. Di kasi sya pinapayagang lumabas para maglaro. Sa school ko lang sya nakikita at madalas, absent pa sya.

"Janjan!" tawag ko sa may bintana nila.

"Uy Jepoy. Bakit?" tanong nya.

Si Janelle, isang batang sobrang patpatin, sakitin, at lampa.

"Laro tayo sa labas! Mata mataya!" aya ko.

"Eh, di ako pwede. Kakagaling ko lang sa sakit." sabi nya.

"Wala naman mama mo dyan. Saka pag naglaro ka, lalakas ka." sabi ko with matching paawa effect.

At dahil tinablan sya ng aking paawa effect, nakapaglaro kami ng Mata Mataya, Langit Lupa, at kung anu-ano pa.

Kinagabihan, nakita kong umuwi ang papa ni Janelle galing sa trabaho na may dalang prutas at gamot.

Isa lang ang ibig sabihin nun, may sakit na naman ang Hime.

"Lumalala lang lalo si Janjan dito, Papa. Kelangan na nating lumipat. Baka mauwi pa sa pulmonya ang simpleng pa-lagnat lagnat at trangkaso nya." nag-aalalang sabi ng mama nya.

"O sya. Ihahanap ko na lang kayo ng matitirhan sa Bulacan." sabi ng papa nya.

At doon ko na-realize na iiwan ako ng Hime... Kaya naman inaya ko syang maging girlfriend.

Maalagaan ko lang sya...

*STOP*

"Pasensya na Hime. Naging selfish ako noon. Inisip ko lang ang sarili ko." bulong ko sa natutulog na si Janjan.

Nakaupo sya ngayon sa couch. Nasa kandungan nya yung phone nya.

Kinuha ko yun at tiningnan. Pakialamero ako! Hahaha!

Nakita ko ang wallpaper ng phone nya. Silang dalawa ni Gino. Hinarang ni Janelle yung kamay nya para matakpan yung mukha nya.

Pakiramdam ko, masaya sya nung kinunan yung picture na yun. It's bittersweet.

Status: Love Team ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon