Take 11 - Heartprints

60 4 7
                                    

"This is the last time I'll think of you."

Janelle.

Bababa babanana~ Bababa babanana~

Ash Ashley Baliw :) Calling...

Bababa babanana~ Bababa babanana~

Jepoy Calling...

121 Missed Calls

*tooogsh*

Tunog ng celfone kong ibinalibag ko sa kung saan.

Agad akong nahiga sa kama at tumitig sa kisame.

Magdadalawang linggo na mula ng mangyari ang pagtatalo namin ni Gino.

Twelve days to be exact.

Bilang na bilang ko ang bawat araw, oras, minuto o segundong nagdadaan.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"Peste kang luha ka! Wag ka na ngang lumabas! Napapagod na kong umiyak!" sigaw ko.

Nasa loob ako ng kwarto ko.

Ayos lang naman na sumigaw ako. Walang makakarinig dahil ako lang mag-isa sa bahay.

Kaka-resign ko lang sa panibago kong trabaho nung gabing magkita kami ni Gino.

May kailangan kasi akong asikasuhin.

Kaya umuwi muna ako sa Bulacan at hinayaan kong tumira si Ashley sa bahay dahil naghahanap sya ng malilipatan.

Nasa birthday ng pinsan ni mama ang mga tao sa bahay kaya solong solo ko.

Kaya eto...

Emo mode na naman ang peg ko.

Nakakasawa na pero anong magagawa ko?

Kahit anong pilit kong ibaon sa limot ang sakit ng katotohanan at nung mga sinabi ni Gino, wala.

Napapaiyak na lang ako sa sakit.

Sa mga pagkakataong ito, alam kong dapat karamay ko sina Ashley o si Jepoy pero hindi lang naman ako ang tao sa buhay nila.

Alam ko naman kasing makaka-move din ako.

I just need space, time and everything nice!

*Knock knock.

Napaupo ako sa kama ko nang marinig kong may kumatok sa kwarto ko.

"Ma? Bakit po?" tanong ko.

Baka kasi dumating na sina mama.

Pag andyan sila, umaarte akong masaya.

Ang alam kasi ng mama ko, wala akong kyeme sa love.

Trabaho lang ang alam ko kaya di pwedeng makita nila ang unica hija nilang tumatambling sa sakit sa puso dahil nabasted. Nag-assume.

Hindi sumasagot ung nasa kabila kaya di ko na pinansin. Nahiga uli ako.

*Knock knock.

"Hoy Jared! Kung ikaw yan, bubugbugin kita!" sigaw ko dahil baka mamaya yung kapatid ko namang baluga ang kumakatok at nantitrip lang.

*Knock knock.

Naiirita na ko sa pagkatok sa pinto. Hindi ko matapos ang pag-eemote ko. Kaya naman agad agad akong sumugod sa pinto at binuksan.

Pero sana pala hindi na lang.

"Wow. Nice sleeping gown." nakangising sabi ni Jepoy pagbukas na pagbukas ko ng pinto.

Status: Love Team ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon