Take 7 - BearG

72 6 0
  • Dedicated kay Rosell Bongares
                                    

"No matter how many times he disappoints me, in the end he never fails to make my heart... smile."

Janelle.

Today is Saturday and our rest day. Kaya naman nandito lang ako sa apartment ko to chill out and surf the internet all daaaay! :D

Curious ba kayo kung sinong kasama ko sa bahay?

Si Gino.

HAHAHAHAHAHA! Joke! :p

Mag-isa lang ako dito sa apartment I rented somewhere out here in... QC. Para malapit ng konti sa office namin.

May family is in Bulacan. Di ako bulakenya. Bata pa lang ako, palipat-lipat na talaga kami ng lugar kasi yung tatay ko ang trabaho ay kung san san sya nalilipat.

*Ping! (FB CHAT)

Gino Silva

Chix.

Me

Chix ka dyan. Wassup?

Gino Silva

Okay lang. Nagda-download ako ng movie.

Me

Porn ba yaaann?? ~_~

Gino Silva

Oo! Ipapanood ko nga sayo to. :D

Me

bastos

Gino Silva

hahahaha! Joke lang! Pee Mak to.

Me

Naadik ka naman din dyan. Kelan nga pala tayo bibili ng tickets?

Gino Silva

Ah? Sa Monday na natin pag-usapan yan. O sige, Janelle. Out na muna ko.

Me

Okeish!

At ayun, nag-offline na si Gino sa fb.

Pupunta kami ni Gino sa Baguio. Napag-usapan namin yun nung nagbakasyon kami kina Ashley. Di pa daw kasi sya nakakarating ng Baguio. Nag-aaya kami nung iba, nakapunta na daw sila. Sawa na nga daw e. Oh e di sila naaaa! >___

Excited na 'ko!

Syempre hindi kami magkasama ni Gino sa kwarto. Hindi pwede yun!

Baka di ako makapagpigil at...

Maamin kong mahal ko na sya...

Oo...

Inaamin kong mahal ko na si Gino. Kainis di ba? Sinubukan ko nang pigilan to e. Pero... Hindi talaga.

Kaya... Wag kayong maingay sa iba. Secret lang natin 'to. :)

**Monday**

Nandito ko ngayon sa may 7-11 kasama sina Kaila, Ashley at Angelo na bumibili ng breakfast nila.

"Janelle, tutuloy ka pa ba sa Baguio?" tanong ni Angelo.

"Huh? Oo. B... Bakit hindi?" tanong ko sa kanya.

Nakaupo na kami ngayon at kumakain na sila.

"Hoy! Kai! Ayusin mo nga paghigop mo sa noodles!" saway ni Ashley kay Kaila.

Mga adik.

"Sabi kasi ni Gino, inaya daw syang mag-Palawan nung dating department nya. Sa Marketing... Kaya baka di ka na nya masamahan. Teka... Di pa ba nya nasabi sayo?" nagtatakang tanong ni Angelo.

Status: Love Team ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon