Take 12 - Ayaw

45 2 3
                                    

Jepoy POV.

"Maam, mas maganda po kung yung blue roses para bumagay sa theme nyo."

"Maam?"

Sinipat si Janelle nung florist.

"Janjan..." sabi ko sabay tapik sa balikat nya.

"Hmmm?" lumingon sa akin si Janjan.

"Tinatanong ni ate kung gusto mo ba yung bulaklak para sa theme ng kasal." paliwanag ko sa kanya.

"Okay na yan." walang gana nyang sagot kaya nginitian ko na lang ung nag aayos ng bulaklak.

"Sige miss. Yan na lang po. Dagdagan nyo na lang ng iba pang flowers na babagay sa theme." sabi ko then pumirma na ko as I signed the voucher for order.

"Kelan po ba uli ang kasal?" tanong ni ate.

"Next month. November 19." sagot ko.

"Sige po sir. Thank you po. Ieemail na lang po namin sa inyo ung image ng madedesign para kung may changes po, magawa agad." sabi uli ni ate then inakbayan ko si Janjan palabas ng flower shop.

*Sigh~

"Janjan... Are you sure about this? Baka naman nabigla ka lang? You know... Pwede ka pang mag back out." sabi ko nung nakasakay na kami sa taxi.

Tumingin sya sa akin at nagsmile uli. Her fake smile. That smile that I've been seeing for a lot of months.

"I've already agreed and I'm not gonna take it back." sabi nya.

"Bakit? We both perfectly know na it's not the right decision. Wag mong pahirapan ang sarili mo." sabi ko sa kanya. Napayuko sya at napansin kong tumutulo na naman yung mga luha nya.

Matagal na...

Matagal na rin mula nung huli kong nakita na umiyak sya.

"Janjan..."

"Wag... Wag kang magsasalita. Hayaan mo lang akong umiyak. Please?" pakiusap nya still nakayuko.

Di na ako nagsalita at tumingin na lang ako sa labas.

Nasasaktan ako para sa kanya.

Si Janelle...

Si Janjan...

Ang hime ko, umiiiyak na naman.

Nangako ako sa sarili ko na hinding hindi na sya uli iiyak pero anong nangyayari ngayon?

Maya-maya pa, naramdaman ko na lang ung ulo nya na nakasandal sa balikat ko.

Sinilip ko yung mukha nya.

Nakapikit pa rin sya at tumutulo ang luha.

"Janelle..."

"Jepoy, nanghihina ang loob ko. Pakiramdam ko, basag na basag na ang puso ko."

Napabuntong hininga na lang ako.

Kahit naman banatan ko ang lalaking may kagagawan nito sa kanya, hindi rin mababawasan ang sakit na nararamdaman nya.

Ano bang pwede kong gawin para bumalik na ang dating Janjan?

"Manong... Pwede po bang dalhin nyo kami sa Star City?" tanong ko kay kuyang driver.

"O sige kaso mas mamahal ang babayaran nyo."

"Okay lang po."

"Huy.. anong gagawin natin sa Star City? Hinihintay nila tayo. Paano na ang rehearsal?" tanong ni Janjan na nagpapahid na ng luha nya.

Status: Love Team ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon