"I've always wanted to take him as my subject. As he captured my heart."
"Alam mo yung kantang Buko?" tanong sa akin ni Gino.
Nasa byahe kami papunta ng Quezon Province. Pupunta kami sa 50th anniversarry ng lola't lolo ni bff Ash. Syempre, gala tapos may 3 days vacation leave sa office kasi may nirerenovate na part. Kaya meron kaming limang araw na bakasyon including the weekends pero 3 days lang kami kina Ashley.
"Ano yun?" tanong ko din kay Gino.
"Sus. Puro japan japan kasi laman ng celphone mo. Try mong makinig minsan ng english o ng tagalog na kanta." sabi nya pa.
"Nakikinig rin naman ako ng tagalog pero yung mga highschool favorites ko pa... Mga kanta ng Spongecola, Parokya, Eheads, saka Silent." depensa ko.
"Oo na. O eto muna soundtrip natin. Pakinggan mo."
Dahil wala kaming headset, naka-loudspeaker ang celphone ni Gino.
Pinarinig nya sa 'kin yung kantang Buko ni Jireh Lim...
Ermm... Nakakakilig yung kanta.. Hehehe... And I wonder kung bakit nya pinaparinig sa 'kin to.
Tapos maya maya sabi nya may song daw syang dedicated tapos nung pinlay nya...
Seksi Seksi ng Kamikazee..
"Sira ka? Nang-aasar ka talaga?" sabi ko sa kanya.
"Hindi a. Seksi ka naman a." sagot naman nya.
Tapos kiniliti ko sya.
"Oy. Walang ganunan." sabi nya tapos kiniliti nya rin ako tapos nagkilitian kami at feeling ko, ang harot harot namin. Hahahahaha!
"Ssshhhhhhhhhhhhhhhh... May natutulog." saway ni Ash sa amin.
Katabi nya yung crush nyang si Rylan. Malandi rin. Sabi ko sa kanya, tabi kami aba't pinagtulakan ba naman ako kay Gino! Pwes! Mag-iingay akooo!
Kinuha ko yung digicam ko at pinicturan ko silang dalawa ng crush niya.
"Oooyyy!!" sigaw niya kasi nasakto yung picture na pasandal na sya kay Ry.
Mwouhahahahahahahaha! ^o^
"Oy... Burahin mo yaaan!" napasigaw si Ashley sa panic kaya naman nagising si Rylan.
"Bat magulo? Anong meron?" tanong ni Rylan tapos nag-sign si bff na manahimik daw ako.
"Wala naman. Inaantok kasi si bff. Ginising ko lang." sagot ko tapos umayos na uli ako ng upo.
"Mission accomplished ba? Patingin nga." sabi ni Gino tapos inabot ko sa kanya yung digi ko.
"Galing mo kumuha." sabi nya.
"Syempre. Ako pa ba? Photographer to!" proud na proud kong sabi sa kanya.
"Oo nga e! Kaya nga... You captured my heart." sabi nya pero medyo mahina yung english kaya...
"Ewan ko sayo. Dami mo talagang alam!" yun na lang ang nasabi ko sa kanya tapos sya ngiti ng ngiti.
Maya maya pa, kung anu ano na napag uusapan namin. Yung ex nya, kung bakit single pa rin ako as of the moment, at kung magtatabi kami matulog pagdating kina Ashley at kung anu anong kalokohan pa.
Ineenjoy ko na yung view... Nasa tabi ng bintana si Gino. Kaya ayun... Naka lean sya sa may bintana.
Kinuha ko yung digicam ko tapos panay shot ako sa mga view.
BINABASA MO ANG
Status: Love Team ♥ [Completed]
Non-FictionLove team is a relationship when you treat each other as lovers sa harap ng maraming tao, less than friends sa sinasabi nilang likod ng kamera. Sounds new? Nah ah... Eto yung klase ng relasyong... Sweet sa isa't-isa pero walang committment, walang...