"The day always ends when the sun sets. But my day never ends as long as he's here."
"Ui Janelle! Change outfit na!" utos sakin nina Kaila.
Nakasalampak pa rin ako sa kama.
Ang saaaamaaaa ng pakiramdam ko!
"Di na ko sasama. Masakit ang puson ko." sabi ko sa kanila.
"Janelle..." si Ashley with her terminator look.
"Red alert day ko. Kanina ko lang napansin nung pag uwi namin ni Gino. Kumain pa ko ng ice cream." sabi ko sa kanya.
"Sayang naman. Sumama ka na rin. Para may taga-picture kami." sabi naman ni Kaila.
"Hindi ba pwedeng..."
"HINDI!" sabay pa na sagot nung dalawa.
"Oo na." sabi ko.
Nag-jeans lang ako tapos tsinelas. Tshirt ko yung I LOVE TOKYO.
"Oh? Bakit hindi ka magsu-swimming?" tanong ni Gino.
"Ayoko. Takot ako sa tubig dagat." sabi ko sa kanya.
"E di aalalayan kita saka di naman tayo sa malalim." sabi nya.
"Ayiieeee... Ikaw na talaga, Gino!" asar na naman nila.
"Salamat pero I'll just take pictures na lang." sabi ko tapos naupo na ko sa may banig na nakalatag under the coconut tree. Hehehehe...
Tapos ayun, Gino took off his shirt in front of me.
"Talagang sa harap ko ikaw nagbo-bold e noh?" tanong ko sa kanya.
"Sabi ko sayo di ba, abs." sabi nya sabay turo sa tyan nya.
Well, ehem... May abs nga ang lolo nyo pero di sya ganun ka-pormado. Mga apat pa lang. Pero... pwede na for viewing purposes.
"Yan na yun? Sus... Walang kwenta." sabi ko sa kanya tapos ngumise lang ang loko.
"Walang kwenta pero di ka naman makatingin sa 'kin? Bakit? May naiimagine ka?" sabi nya tapos umupo pa sya sa tabi ko.
Umalis ka dyan! Baka magahasa kita! Joookee!
"Kaima-imagine ka ba? Umalis ka na nga dito! Shooo!" pagtataboy ko sabay tulak sa kanya papunta sa dagat.
"Bakit ba ang sungit mo? Naglalambing lang naman." sabi nya tapos dumikit pa lalo ang lolo mo.
Mainit!!!! Mababaliw ata ako sa nararamdaman ko. Ang ineeeet!!!
"Tse! Alis! Di ko kailangan ng lambing mo!" sabi ko tapos tinulak tulak ko pa sya.
"Ang sungit mo. May dalawa ka ata." sabi nya sabay takbo palayo.
"Manyaaakkk!!" sigaw ko sa kanya.
"Sungeeeet!" sigaw nya tapos bumelat lang ako.
Ayun, sumali na sya dun sa mga nagtatampisaw sa tubig. Ako na, nag eemote dito.
Ayoko talaga sa tubig dagat.
Gusto ko lang syang tingnan pero ayokong lapitan. Ayokong magtampisaw dahil baka mag-enjoy lang ako tapos mapadpad ako sa malalim na part, malulunod ako.
Kinuha ko yung camera na dslr.
I took shots of them habang naglalaro sila sa dagat.
Then Gino waved at me with his smiling face.
BINABASA MO ANG
Status: Love Team ♥ [Completed]
No FicciónLove team is a relationship when you treat each other as lovers sa harap ng maraming tao, less than friends sa sinasabi nilang likod ng kamera. Sounds new? Nah ah... Eto yung klase ng relasyong... Sweet sa isa't-isa pero walang committment, walang...