Samantha Shaico' s P.O.V.*PEOPLE CHANGE*
Sabi ng mga kabarkada ko nuong elementary kami. Nuong una hindi ako naniniwala, pero nung makipaghiwalay sakin yung dati kong Boyfriend na nagtransfer na sa ibang school, naniniwala na talaga ako.
Hindi ko alam yung nangyari. Basta sabi nya pagod na pagod na raw sya. Saan? Hindi man lang nya sinabi kung sa akin ba, sa ugali ko, sa mga kaibigan ko. Saan?
Kung si Maddi nga ayaw pang tumigil, ako, kuntento na ako. Sya kase yung first love ko. First love never dies sabi nila kaya ayoko pang bumitaw.
"Ikaw naman kaseng bitch ka, ang tanga-tanga mo. Kakain ka na lang ng burger hindi ka pa mag-ingat. Natuluan mo tuloy si Maddi."
"Hindi ko talaga sinasadya.Pasensya na talaga"
"Bakit sakin? ako ba natuluan? Hala! Hanapin mo si Maddi at magdala ka ng kutsilyo o kahit anong matalas na bagay"
" P-pero bakit?"
sabay angat nya ng salamin. Nerd talaga."Magpakamatay ka na sa harap nya dahil di ka mapapatawad nun."
" Hindi. Gusto ko pang mabuhay"
"Eh siraulo ka pala eh! Bakit di ka kase umayos dyan! bahala ka nga!"
tinalikuran ko na si Nerdy. Ang nerd talaga bwisit."Harrrgghhh!!!"
Maddison Blite's POV
"Harrrgghhh!!"
sigaw ko ng makita kong nakatayo si Nerd.
"Hoy ikaw! Akala mo ganun ganun na lang yun! Pagkatapos kong mapahiya sa labas, ngayon sa loob kita pahihiyain!"
nagsitayuan na yung mga kaklase ko. Ngayon, humanda kang transfereeng Nerd!
"Dito, walang lugar ang taong apat ang mata! walang lugar ang mga taong mukhang pera. Walang lugar ang mga patay-gutom at wa-"
"G-ganito ba kayo? M-magaling k-kayong manghusga?"
"HINDI PA AKO TAPOS NAIINTINDIHAN MO BA?! AT SINASAGOT MO PA AKO"
"Bakit? Magka edad naman tayo ah. Tsaka pareho tayong fourth year students."
"oohh..."
"Mukhang may lumalaban na ah"
rinig kong bulungan nila.
" KAYO! MGA PESTE TALAGA KAYO. AT IKAW! SABI KO SAYO DIBA I WILL BRING YOU TO HELL? HUMANDA KA DAHIL MANGYAYARI TALAGA ANG DAPATTTT!"
Lumipas ang mga tagpong yun. Naalala ko tuloy ng makilala ko si Luke sa welcome party ng mga freshmen. Inis na inis ako sa kanya kase lahat nagkakagusto sa kanya.
Hindi ko alam kung pati rin ba ako may feelings. Tinanong nya ako kung pwedeng manligaw pero binusted ko.
Kaya ayun, maraming nagalit sakin. Eh pake ba nila? daig pa nila yung niligawan eh-_-
Nagstart na akong mangbully matapos nun. Kaliwa't kanan ang pang babash sakin. Eto namang si Luke walang ginawa kundi sumama sa barkada nya at hayaan akong masaktan ng paulit-ulit.
Sabi nila, dapat hindi na binabalik ang nakaraan dahil patuloy ka lang na masasaktan. Pero para sa akin, kaligayahan kong maibalik ang nakaraan.
Hindi ko napigilang maluha. Bumabalik nanaman ang masakit na alaala. Dahil sa walanghiyang yun nagmukha akong talunan.
Parang naramdaman ko na ito dati eh. Yung feeling ng isang kawawa. Yung feeling ng isang napag iwanan.
Kaya ayokong maulit yun. Ayoko.
"Ok class, I'm sorry I'm late."
isa pa tong baklang to. Lagi na lang late! nagsorry pa.
"Ok class, pati sya late ko ng papasukin sa class nya pasensya na. Siguro may nakakita na sa kanya or nakausap na sya But still I would like you to know him. C'mon iho, pasok na"
Sino nanaman yang papasukin ni bakla? Malay ko ba sa school na to. Tanggap ng tanggap. Palibhasa mga mukhang pera eh.
"Hi everyone, my name is Philip Reinier, nice meeting you."
Ha? Fck this day! Kumukulo na talaga ako. Samantha pigilan mo ako. Makakapatay talaga ako. Yang antipatikong yan kaklase ko? Putspa nako-_-
"Psst Sam, bumalik ka nga dito!" bulong ko lay Sam na lumipat ng upuan para mangopya ng assignments. Nako talaga tong babaeng to.
"Bahala ka na dyan. Ok na ako dito. "
ISASAMA KO TALAGA SYA SA IMPYERNOOO!!!
"Ok Philip, you may take your seat. "
"Ahm Sir, where po?"
tsk. malamang sa upuan? Duhh. Peste eh walang utak -_-
"Beside Miss Maddison. Go c'mon."
Ano daw? narinig ko ba...narinig ko ba...narinig ko ba yung name kooooo??? Halika ritong bakla ka! isusunod na kita sa Loring yun!
" Pwede bang makiupo?"
Papatayin ko sya at pipira-pirasuhin ko sya.
"Excuse me Miss Maddison"
Hanggang sa mabura na sya sa mundong to.
"Ehem. Excuse me Maddison, pwede makiupo?"
"Ha?"
"Hahahahaha...Si Maddison bingi na sir haha"
rinig kong tawanan nila. Haist bakit ba napakamalas ko ngayon? Habang iniisip ko pala si bakla may umeepal na."Pwede ba? kapag hindi ka na pinapansin huwag mo ng kulitin?! Buwisit ka eh!"
tinalikuran ko na sya habang pinapatay sa titig si bakla.
"Sorry na."
Parang may malamig na hanging dumampi sakin. Shit ano ba yun?
"Hindi ko talaga sinasadya. Pasensya ka na."
Weyyt tama ba yung naririnig ko? Galing sa likod eh.