D-5 ( Pancake)

7 0 0
                                    

Philip Reinier's POV

*HINDI MASAKIT ANG IWAN, ANG MASAKIT AY YUNG NILOKO KA*

Tsk. Eh mukhang iisa lang naman yung ibig sabihin nun.

Bakit? Diba kapag iniwan ka, nasasaktan ka. Kapag niloko ka nasasaktan ka rin. So what's the difference?

Babaeng masungit.

Babaeng pala sigaw.

Babaeng hindi todo mag make-up.

Babaeng mayaman pero di maarte.

Siya na kaya?

















~School

"S-sam...S-samantha.."
nahihiya at kabadong tawag ko sa kanya.

"Ano ba? Kulit mo ah. Kita mong busy ako"
sabay irap nya sakin.

"Ano ba ginagawa mo?"
tanong ko naman at lumapit ng husto para makita yumg ginagawa nya.

"NANGONGOPYA BAKIT? NAKO, OO NA! IKAW NA MATALINO. CHUSERA."
Inis na sabi nya T_T

"B-bakit ka nagongopya? Diba bawal yan?"

"Pwede ba? Tumahimik ka na lang. Tsaka teka nga? Isang nerd nakikipag bugbugan? Bakit may pasa ka?"

"Yung kaibigan mo kase. Galit na galit sakin at-"

"AT ANO? HUM? MR. NERDY, KAHIT KANINO KA PA MAGSUMBONG, WALANG TUTULONG SAYO"

Dumating na pala sya. Kagaya pa rin ng dati, simple kahit mayaman. Kaso masungit pa rin.

Naiirita na ako sa kanya. Nerdy? nasanay na ata syang tawagin ako nyan.

"Wala po Ms. Maddison"

"Lumayas ka nga dyan! Kainis!"

pinaalis nya ako at tumabi sya kay Sam.
Bakit ba ang init ng ulo nya? Meron ba sya?

"M-ms. M-madisson?"

"ANO?"
Nanlalaking matang sabi nya.
Creepy.

"Uhm. Meron po ba kayo ngayon?"

pansin ko namang namula sya sa sinabi ko at lumingon naman si Sam.

May mali ba sa tinanong ko? Sabi nila normal lang daw yun sa babae kaya tinanong ko.

"NAKAKAINIS KAAAAA!!!"

"MS. MADDISONNNN!!!"

Hinabol nya ako habang nakataas pa yung fist nya. Babae ba talaga to?

"PANIRA KA TALAGA NG ARAW! HUMANDA KA SAKIN! I WILL BRING YOU TO HELLLLL!!"

"Hahahaha..Tignan nyo yung dalawa haha."
nagtatawanan na silang lahat. Nakakadagdag tuloy sa galit nya. T_T

"Oh, may kaibigan ka na pala agad Mr. Philip"
bungad ni Sir.

Napahinto naman agad si Maddison at binaba yung kamay nya.

"Aarrgh!!"
nanggigigil syang umupo at matalim yung tingin nya sakin na mukhang mamaya mawawala na ako.

'Wag mo akong tignan ng ganyan please' sa isip ko.

"Psst.." naagaw naman ang atensyon ko ni Sam.

"Ikaw ah. Anyare?"
pangungulit nya.

"B-bakit? Wala yun. Nagalit lang."















~Canteen

Nakita ko syang kumakain kasama si Sam.
Total, mukhang ok naman kami ni Sam kaya tatabi na lang ako.

"Uhm, S-sam. Pwedeng makiu-"

"NO!"
Matigas nyang sabi at nakatingin lang sa kinakain nyang cupcake.

"Baka pwedeng makiu-"

"I SAID NOOO!"
Napalakas yung sigaw nya at nagtawanan naman A buong canteen.

"nababaliw na ba sya?"

"baka di nakainom ng gamot"
rinig kong bulungan nila.

Tinignan ko ulit sya at umuusok na yung ilong nyaaa T_T creepyyy...

Pero nagulat ako ng itapon nya yung cupcake at padabog na umalis.

"Hala...Lagot ka nanaman hahaha"
pang-aasar ni Sam.

"Ano ba yung nagawa ko? Galit nanaman sya"

"Ikaw kase, sinabi ng No inulit mo pa yung tanong mo. Tsk. bahala ka nga dyan."

Mabilis kong nilapag yung tray at hinabol si Maddison. Medyo dumudulas yung salamin ko tsaka hawak ko yung pancake na binili ko.

Ayoko namang magutom.

Hanggang sa naaninag ko sya papuntang garden.

"Maddisonnn!!"
sigaw ko pero di sya lumilingon.

"Maddiso-Ahhhh!!"

Ano ba naman sya? Hihinto agad T_T
Pareho kaming natumba pero tumayo agad ako at inabot ko yung kamay ko pero imbes na kunin nya...PINILIPIT nya...

"Alam mo, inis na inis na ako sayo. Puro kamalasan lang binibigay mo. Alam mo ba? maraming nangbash sakin dahil sa ginawa ko raw sayo kahapon! Sinira mo na nga yung araw ko, ako pa yung nagmukhang mali? Hindi ko masagot yung mga bash dahil natatakot ako! Wala akong kakampi naiintindihan mo ba ha?Tapos ngayon, hindi na ako yung dating kinakatakutang Maddison ng dahil sayo! Siguro kilala mo yung nagpakalat ng video habang sinasaktan kita noh?! Nakakainis ka! Malas ka sa buhay ko! Mawala ka na lang sanaaaa!!!!!"

napaluhod na lang sya at humagulgol na. Hala? Baka sabihin nila pinapaiyak ko ito. Pero mukhang ako nga yung dahilan.

Lumuhod na rin ako at pinatahan sya. Kahit ilang beses nyang hampasin yung kamay ko Ok lang. Bahala na.

"M-maddison.."

"ANO? MANGGUGULO KA NANAMAN! MAY PAAWA EFFECT KA PA! BWISIT TALAGA KAYONG MGA NERD KAYO!"

"PWEDE BA? TIGILAN MO NA YANG KAKASABI MO NG NERD! BAKIT? ANO BANG NAGAWA NAMIN SAYO? ANO BANG PROBLEMA MO? BAKIT KA BA GANYAN? KAHIT PANGALAWANG ARAW KO PA LANG, PINUNO MO NA AKO. AYOKO NAMANG MAGALIT SAYO KASE...KASE ANO..KASE IKAW YUNG REYNA NILA BAKA BUGBUGIN ULIT AKO"

Hoohh. Mahaba na yung sinabi ko. Sana maayos naman nya yung ugali nya.

"HOY MR. NERD! WALA KANG KARAPATANG PAGALITAN AKO, UNDERSTOOD? YUN PALA EH, REYNA AKO! PERO NG DAHIL SAYO UNTI-UNTING NAWAWALA YUNG TITULO KO! IF I WERE YOU BACK OFF BITCH!"

Tinalikuran nya ako. Alam kong umiiyak nanaman sya.

Akala ko ba matapang sya?

"Bakit ka umiiyak?"
tanong ko.

"Tumahimik ka"
tanging sagot nya.

Pero di ako patitinag.

"B-bakit nga?"

"Tumahimik ka sabi eh!"
nanggigigil na sagot nya.

"Eto oh."
sabay abot ko ng pancake ko na medyo nasira dahil sa pagkatumba kanina.

"Ano yan?"
nakatalikod pa rin sya sabay punas ng luha nya.

"Pancake?"

"Tinatanong mo ako? eh ako nga binibigyan mo. Nerd talaga Bitch!"
inis na sabi nya. Palaban talaga.

"Pancake. Take this"
hinawakan ko yung kamay nya at shit! ang lambot pala nun.

Makinis, malambot na kamay.

Sandali akong napahawak sa kamay nya.

"Bitch!"
sigaw nya at inalis yung kamay ko.

"I-im Sorry"

tumakbo na ako at ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ganun? Siguro sa pagod at galit ko kaya ganun.

Mainit din kase ngayon kaya siguro mabilis ang tibok nya.

'maddison'

Biglang sumagi sa isip ko kaya napahinto ako sa takbo na lalong nagpatibok ng mabilis sa puso ko.

Maddison?

DISTANCE (L.I.T.S.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon