Maddison Blite's POVUmalis na nga si Jandro at naiwan akong lutang at di alam ang susunod na gagawin.
Kinuha nila si Luke pagkatapos mabugbog ni Jandro at aaminin kong sobra akong nasaktan.
Mahal ko si Luke. Higit pa sa mga bagay na nagpapasaya sakin.
Mambully....
Sumama kay Sam sa cutting...
Hindi makausap ang mga magulang ko.
Masaktan yung mga taong nanakit sakin.
Makalimutan yung nakaraan na paulit-ulit na bumabalik.
At si Luke..
'yan ang tunay na pagpapasaya sakin. Wala ng iba.
Binilisan kong maglakad palabas ng bar at sa gilid ng mga mata ko, alam kong nakatingin silang lahat sa kinatatayuan ko.
Pakiramdam ko, lalamunin na ako ng mga titig nila...
'Mga chismoso't chismosa' sa isip ko at dumiretso na sa kotse ko.
Nakakainis naman. Ayaw mag start!
Bumaba ako at sinipa ko yung gulong. Shit! Wrong timing naman eh.
"Bakit ngayon pa!? Bullsh*t! Haisst" napabuntong hininga na lang ako.
Naisipan ko na lang na maglakad, tutal, di naman ako maarte, kaya kahit naka heels ako, oks lang.
Malapit na ako sa park which is malapit na rin sa bahay. Mga ilang hakbang na lang.
Napatigil naman ako ng parang may narinig ako nag-uusap sa may bandang swing.
Waw. May nagpapapark pa ng gantong oras? tsk.
"Oo, ikaw naman kase eh...Bakit ka ba pumunta dun? 'Di mo ba alam na may feelings si Jandro for Maddi? Your so stupid kase eh."
malanding sabi nung isa...
Mukha na akong chismosa nito kaya humakbang ako ng kaunti, baka may mapadaan at kung ano pang isipin sakin."Syempre, acting acting din naman. Kailangan ko ng pera ngayon. I'll promise,bibigyan kita 'pag napasagot ko si Maddi"
Wait....Is that me? Pera? But..What?
"Sure ka? Baka naman ilaglag mo ako kapag nalaman nya na pera lang ang habol mo?"
"Hindi naman nya malalaman kung walang magsasabi"
Ano ba kase yun? Bakit kilala nila ako? Hindi masyadong pamilyar yung boses nung nag uusap eh. Ano ba naman yan.
Naglakad naman ako ng dahan dahan..
*Eeenggggghhhh*
Wahhh...Jusko naman...Muntik pa akong masagasaan.Whush.
Sa wakas at nakauwi na ako. Bakit parang walang tao?
Kinakabahan ako...Ano ba meron?
Baka naman may surprise nanaman ang magagaling kong magulang.
Kinakabahan kong pinihit ang doorknob.
"AHHHHHHHHHHH!!!!"