CHAPTER THREE

3.3K 63 0
                                    

CHAPTER THREE

Alani's pov

ANG LAKAS ng kabog nang dibdib ni Alani nang makatanggap siya ng tawag mula sa staff sergeant kung saan nakakulong ang kanyang nobyo. Binugbog raw si Hunter ng kapwa preso. Nasa opisina pa naman siya ng mga oras na iyon. Gustuhin niya man na makita si Hunter ay wala naman siyang magagawa. Napaiyak na lamang siya. Isa pa ay wala naman siyang dalang magandang balita kung dadalawin n'ya ito.

Ilang araw niya na ring pinag-iisipan ang sinabi sa kanya ni Mayor Ezekiel at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang desisyon. Bumukas ang pintuan ng opisina at iniluwa no'n si Mayor. Wala naman siyang nakitang appointment nito kaya hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sabagay may mga personal din naman itong lakad na hindi niya alam. Agad niyang pinunasan ang kanyang luha at baka mapansin pa nito.

"Cancel all my appointments for three days," wika sa kanya ni Mayor kaya napatingin siya rito.

"Bakit po?" tanong niya na ikinakunot ng noo nito. "Sorry," agad niyang bawi. Hindi pala nito obligasyon ng sabihin sa kanya ang dahilan.

"Kapag may naghanap sa'kin ay sabihin mong nasa seminar. Bahala ka ng gumawa ng dahilan," wika pa nito sa kanya.

Umupo na ito sa sarili nitong mesa at nagbukas ng laptop. Pinagmasdan niya si Mayor Ezekiel. Kahit saang anggulo mo ito tingnan ay wala kang maipipintas dito dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Malaki rin ang pangangatawan nito kung kaya maraming mga nasa alta-sosyedad ang nakapila sa kanilang Mayor. Hindi na siya magtataka dahil kabilat-kanan naman talaga ang babae nito. Saksi siya doon. Siya lang naman ang taga-set ng date nito.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong sa kanya ni Mayor Ezekiel dahil nahuli siyang nakatitig dito.

Pinamulahan siya ng mukha dahil sa tanong nito.

"Wala po," sagot niyang binalik sa monitor ng kanyang computer ang paningin.

"Bakit ka nakatitig sa akin?" tanong pa ni Mayor Ezekiel sa kanya kaya napatingin siya rito. "May sasabihin ka ba?" tanong pa nito.

Huminga siya ng malalim.

"P-umapayag na ako sa gusto mo," wika niyang napapalunok.

"Ang maging alipin ko?"

Tumango siya sa tanong nito.

"Gagawin ko ang lahat ng gusto mo palayain mo lang si Hunter sa kulungan," wika niya kay Mayor Ezekiel. Isa lang ang nasa isip niya ang mailigtas ang nobyo.

"Halika," yaya sa kanya ng lalaki.

Alumpihit siyang tumayo at lumapit dito. Tumayo ito at hinawakan ang kanyang baba upang makita nito ang kanyang mukha.

"Alam mo ba ang sinasabi mo?" tanong pa sa kanya ng lalaki.

"Alam ko at pinag-isipan ko itong mabuti," wika niyang hindi kumukurap ang mga mata. Para kay Hunter ay gagawin niya ang lahat. Para sa kalayaan nito.

Nabigla pa siya nang buhatin siya ni Mayor Ezekiel at pinaupo sa office table nito. Hinawakan nito ang kanyang dalawang hita.

"Kung pumapayag ka sa gusto ko ay dapat na malinaw ang lahat Alani. Gagawin ko ang lahat upang makalaya si Hunter pero hindi ganun kadali ang proseso. Pumatay pa rin siya ng tao. At dahil pumapayag ka sa gusto ko ay ako ang magsasabi kung kailan pwedeng mabali ang kasunduan natin," wika pa sa kanya ng lalaki.

Hindi siya makasagot sa sinasabi nito dahil sa tensiyong nararamdaman. Ang dalawa nitong mga kamay ay nakatukod lang naman sa mga hita niya na bahagyang pumipisil.

"Gagawin ko ang lahat ng gusto ko sa'yo. Payag ka ba?" tanong pa nito sa kanya kaya napalunok siyang tumango. "Unang-una, gusto ko sa babae ay game pagdating sa kama," wika pa nito kaya naubo siya. "Ayoko ng boring. Baka mamaya kapag nagtatalik tayo ay nagdadasal ka," wika pa nito.

Wala pa nga siyang karanasan sa kama ay kung ano-ano na ang gusto nitong ipagawa sa kanya.

"Pwede ka pang umatras," wika sa kanya ni Mayor Ezekiel.

"Hindi ako aatras," sagot niyang labas sa ilong.

"Gusto ko rin na putulin mo na ang anumang ugnayan mo kay Hunter. Ayokong kinakain ang kinakain ng iba," makahulugang wika nito kaya pinamulahan siya ng mukha.

Yumuko ito at hinalikan siya sa ilong. Hindi niya magawang kumilos dahil sa ginawa nito. Mabilis lamang ang ginawa nito pero ang hininga nito ay kanyang nalanghap na nagpainit sa kanyang buong katawan.

"Saka ko na sasabihin ang iba at simula sa araw na ito kapag tayong dalawa lang ay pwede mo akong tawagin Ezekiel," wika pa sa kanya ng lalaki.

Ibinaba siya ni Ezekiel. Muli itong umupo sa office chair nito. Babalik na sana siya sa sarili niyang upuan nang tawagin siya ng lalaki.

"Halika," yaya sa kanya ng lalaki. Itinuturo nito ang kandungan nito at doon daw siya umupo.

Ang lakas ng kabog nang kanyang puso dahil sa lalaki. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinaupo siya sa kandungan nito. Napapitlag siya nang maramdaman niya ang laki ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo. Bahagya pa iyong gumalaw kaya hindi siya nakakilos.

"Masanay ka'na na ganito kalapit sa'akin," wika pa nito sa kanya.

Ang kamay ni Ezekiel ay nakapulupot sa kanyang bewang. Damang-dama niya ang init ng katawan nito.

"Baka may pumasok," wika niya.

"Naka-lock ang pinto," sagot nito kaya natigilan siya.

Kailangan niyang panindigan ang kanyang pinasok. Dahil simula sa araw na ito ay kailangan niya nang matanggap na si Ezekiel na ang may-ari sa kanyang katawan. Bumaba ang kamay ni Ezekiel sa kanyang mini skirt. Mayat-maya pa ay pumasok ang kamay nito sa kanyang mini skirt. Hinaplos nito ang kanyang pagkababae. Napapikit na lamang siya sa ginawa ni Ezekiel.

Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng init sa ginagawa nitong paulit-ulit na paghaplos sa kanyang pagkababae. Hinawi lamang nito ang kanyang panloob at naipasok na nito ang daliri.

"Feel it," wika sa kanya ni Ezekiel. Napapikit siya sa sinabi nito. Kung inaakit siya nito ay unti-unti itong nagtatagumpay. Ang kaliwang kamay nito ay minasahe ang kanyang dibdib na nagpapadagdag pa sa init na kanyang nararamdaman. "You're so fucking wet," ungol ni Ezekiel na itinigil ang ginagawa.

Napasinghap siya sa ginawa nito.

Pinakita pa ni Ezekiel ang dalawang daliri nitong basang-basa ng kanyang katas. Nabigla pa siya sa ginawa ng lalaki dahil isinubo nito ang daliri na galing sa kanyang pagkababae. Napapikit pa ito habang ginagawa iyon.

Nabigla pa siya nang kabigin siya nito at siniil ng halik. Nalasahan niya rin sa sariling bibig nito ang kanyang sariling katas and it was so sweet. Nakakainit ng pakiramdam. Ang sarap humalik ni Ezekiel. Ang init at ang bango ng hininga nito. Masasabi niyang expert ito kung humalik. Napakagaling nito.

Pinutol ni Ezekiel ang halik na namagitan sa kanila at itinayo siya nito.

"Baka hindi ako makapagpigil," wika nitong huminga ng malalim. May kinuha ito sa drawer na susi at binigay sa kanya.

"Pumunta ka sa townhouse unit one and consider the house as yours. Gusto kong lumipat ka na doon. Alam mo naman ang tinutukoy kong bahay hindi ba? Minsan na kitang nadala doon," wika pa ni Ezekiel sa kanya. Ang townhouse na tinutukoy nito ay ang bago nitong pinagawa. "Walang nakakaalam sa bahay na 'yan at gusto kong ibigay sa'yo," wika pa nito na ikinagulat niya.

"Sa akin?" tanong niya.

"Akin ka'na simula ngayon Alani," wika pa nito sa kanya bago ito nagpaalam na may pupuntahan. "Lumipat ka'na mamaya doon,"

Pag-alis nito ay napatitig na lamang siya sa susing hawak. Sa buong buhay niya ay hindi niya akalain na magkaroon ng malaking townhouse dahil kahit may trabaho na siya ay nangungupahan pa rin siya.

INIT SA MAGDAMAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon