CHAPTER TWELVE

2.2K 42 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Ezekiel pov

PRETENDING to be happy when you're in pain is like killing yourself little by little.

Kahit nakangiti siya ay dinudurog naman ang kanyang puso sa tuwing na nakikita niyang malungkot si Alani. Kasama niya nga ito pero alam niyang iba ang nasa isip ni Alani. Ganun pa man ay hindi siya susuko. Matagal niya na itong minamahal at hindi siya titigil hanggat hindi siya nito mahalin.

Nanunuod silang dalawa ng mga oras na iyon. Wala itong kibo habang nanunuod sila. Tila wala siya sa paligid. Tinalo niya pa nga ang walang kasama. Lihim siyang nasasaktan sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay pinaparusahan siya ni Alani.

"Uuwi ako ngayon," wika niya kay Alani.

Sinulyapan siya nito.

"Magkita na lang tayo bukas sa opisina," nakangiti niya pang wika sa babae.

"Sige," nakangiting sagot sa kanya ni Alani kaya gumanti siya ng ngiti.

Inakbayan niya ito at hinalikan sa ulo. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na 'wag umiyak. Hulog na hulog na siya kay Alani at hindi niya kayang pigilan pa ang sarili. Dapat ay makontento na siya na kasama niya ito pero hindi niya magawa.

"Maliligo lang ako," wika niya sabay tayo. Kailangan niyang umiwas at baka magtaka pa ito kung makita nitong umiiyak siya. Hindi siya mahina. Noon pa man ay nasanay na siyang minamahal ito mula sa malayo. Ang mahalin ito kahit may ibang minamahal.

Mabilis siyang umakyat sa silid nila. Pinakawalan niya ang luhang pinipigilan na bumagsak. Ilang beses siyang huminga ng malalim pagpasok niya ng silid. Hindi siya dapat na nasasaktan ng ganito. Ang importante ay nasa kanya si Alani. Iyon na lamang ang kanyang dapat isipin. Pagbibigyan niya ang kanyang sarili na maging masaya kahit pa hindi siya ang mahal nito.

Napatingin siya sa side table nang marinig niyang may tumunog. Cellphone ni Alani ang kanyang nakita.

Nilapitan niya iyon.

May passsword ang cellphone nito kung kaya hindi niya makita kung sino ang nagtext pero nakita niya ang larawan na nakalagay sa home screen nito kasama si Hunter. Nakaupo ito sa kandungan ng lalaki habang nasa pisngi ni Alani ang labi ni Hunter. Tila siya sinaksak sa nakita niyang larawan. Selos na selos siya. Mabilis siyang pumasok sa banyo nang marinig niyang umaakyat ng hagdan si Alani.

"Makontento ka na lang kung ano ang kaya niyang ibigay sa'yo. Ang mahalaga ay naputol mo na ang ugnayan ni Alani kay Hunter. Isang kasunduan lang ang namamagitan sa inyo kung kaya kasama mo si Alani ngayon," paalala niya sa kanyang isipan. Paulit-ulit niya iyong sinasabi sa sarili.

Paglabas niya ng banyo ay handa na ang kanyang isusuot. Hinanda na iyon ni Alani sa kama at isusuot niya na lang. Pilit niyang inalis ang selos na kanyang nadarama. Tahimik siyang nagbibihis habang nakaupo naman sa kama si Alani at pinagmamasdan siya.

"Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka," wika niya pa sa babae.

"Sige," sagot sa kanya ni Alani.

Hinihintay niyang pigilan siya nito pero hindi iyon nangyari.

Siniil niya ng halik si Alani bago siya umalis.

Tumuloy siya sa bahay ng kaibigan niyang lawyer. Si Samuel Molino. Ito ang inutusan niya upang ayusin ang paglaya ni Hunter. Ka-edaran niya lamang si Samuel.

"Anong nangyari at mukhang hindi maipinta 'yang mukha mo?" tanong sa kanya ni Samuel. "Akala ko ay ayaw mo ng umalis sa katawan ni Alani," natatawang biro sa kanya ni Samuel.

INIT SA MAGDAMAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon