CHAPTER TEN

2.2K 42 1
                                    

CHAPTER TEN

Ezekiel pov

Highschool days...

Mula sa malayo ay tanaw niya ang kaklase niyang si Alani. Tumatakbo ito patungo sa building na abandonado. Isang linggo rin itong absent sa klase dahil sa biglaang pagkamatay ng mga magulang nito. Araw-araw ay nagpapaikot siya sa kanilang driver upang makita niya si Alani. Kahit malayo ito ay kitang-kita niya sa mukha nito ang lungkot. Nawala ang ngiti nito sa mga labi. Gusto niya itong lapitan pero sa tuwing na nakikita siya ni Hunter ay pinagtatabuyan siya nito. Nakabantay ito palagi kay Alani. Sa bahay man o sa eskwelahan. Wala siyang pagkakataon na makalapit o makausap man lang si Alani kahit pa gustuhin niya.

Napakunot noo siyang sumunod kay Alani sa abandonadong building. Kinakabahan siya. Iba ang tumatakbo sa kanyang isip. Nagulat pa siya nang umakyat ito sa pinakatuktok ng building. Hindi man lang nito namalayan na nakasunod siya. Kinabahan pa siya nang makita niya itong lumapit sa pinakadulo. Sa tingin niya ay magpapakamatay ito.

Narinig niya itong nagsalita.

"Ano pa ang gagawin ko kung wala na kayo? Bakit hindi pa ako mawala?" humahagulhol na sigaw ni Alani. Kakalibing lang ng mga magulang nito ng mga oras na iyon. Hindi pa nga ito nakakapagpalit ng damit.

Dahil sa narinig niya ay mabilis siyang tumakbo palapit rito at niyakap niya ito mula sa likuran. Konting hakbang na lamang ito ay mahuhulog na ito. Nagulat pa siya nang mapansin na nawalan ito ng malay. Napaupo siya sa sahig habang nasa mga bisig niya ito. Payatot kasi siya at hindi niya kaya ang katawan nito.

"Wake up," wika niya kay Alani. Tinapik-tapik niya ito pero wala pa rin itong malay. Ngayon niya lamang natitigan ng malapitan si Alani. Ang lakas ng tibok nang kanyang puso ng mga oras na iyon kahit pa labis ang kanyang pag-aalala.

"Ezekiel!" sigaw ng isang tinig na kinaiinisan niya. Walang iba kundi si Hunter.

"Bitawan mo si Alani!" sigaw pa nito na dinuro siya.

"Wala siyang malay. Nagtangka siyang magpakamatay," sagot niya.

Nilapitan siya nito at kinuha sa kanyang mga kamay si Alani. Kahit kailan ay pabida ito lalo na pagdating kay Alani. Sakitin kasi siya, samantalang ito ay maganda ang katawan. Ang tingin nito sa kagaya niyang mayaman ay pabida pero ang totoo ay ginagamit nito ang kahirapan upang makuha ang loob ng mga kapwa nito mahirap at siya ang palalabasin na matapobre. Siya ang masama sa paningin ni Alani.

Kaya wala siyang magawa kundi ang lumayo na lamang sa klase. Nagiging loner siya dahil sa ginagawa ni Hunter. Alam nito ang pagtingin niya kay Alani kung kaya todo bakod ang ginagawa nito.

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo na layuan mo si Alani?" sigaw na tanong sa kanya ni Hunter.

"Nagkataon lang na nakita ko siya," sagot niya.

"Kahit na!" sigaw pa sa kanya ni Hunter. "Umalis ka'na at kalimutan mo na ang araw na ito," wika pa sa kanya ni Hunter at kaagad na binuhat si Alani palabas ng building.

Nakasunod lamang siya kay Hunter. Si Alani ay buhat-buhat pa rin nito at wala pa ring malay. Kahit nag-aalala siya kay Alani ay wala naman siyang magawa kundi ang sumakay na lamang sa kotse kung saan naghihintay ang kanyang driver. Minahal niya si Alani kahit pa malayo ito sa kanya. Ang pagmamahal niyang iyon ay hindi nawala. Masaya na siya kapag napapadaan ang tingin ni Alani sa kanya hanggang sa nabalitaan niyang sinagot na ni Alani ni Hunter.

Labis niya iyong ikinalungkot. Kulang na nga lang ay ipamukha sa kanya ni Hunter na ang babaeng mahal niya ay nakuha nito. Pilit niyang kinalimutan si Alani at sumubok na magmahal din ng iba pero ang minsang minahal mo ay hindi mo basta-bastang nawawala. Hindi niya nga rin maintindihan ang sarili kung bakit labis ang pagmamahal niya kay Alani samantalang wala naman silang espesyal na pinagsamahan.

Napailing na lamang siya habang binabalikan ang nakaraan.

************

SA HALIP na umuwi sa kanilang ancestral house dahil linggo naman ay minabuti niyang umuwi sa bahay na ibinigay niya kay Alani. Kanina pa siya hindi mapakali simula nang ihatid niya si Alani kay Hunter. Kung ano-ano ang pumapasok sa kanyang isip. Alam niyang naging wala siyang kwentang tao nang gamitin niya ang kahinaan ni Alani upang makuha niya ito.

Kapag ba nagmamahal ka ay naiisip mo pa rin ba ang tama sa mali? Dahil siya ay ginamit niya lamang ang pagkakataon upang makuha ang babaeng matagal niya ng minamahal.

Sa dami ng gustong mag-apply na secretary niya ay si Alani ang kanyang pinili. Hindi dahil sa kilala niya ito kundi dahil gusto niyang maging malapit lamang sa kanya ang babae. Alam niyang mahal na mahal nito si Hunter at wala naman siyang plano na agawin ito sa lalaki pero si Alani ang mismong lumapit sa kanya. Hindi niya ito matanggihan dahil sa pagmamahal niya. Kung alam lang nito ang kanyang ginawa upang mapalaya si Hunter. Sampung milyon ang hiningi ng pamilya nang napatay ni Hunter upang iurong ang kaso ni Hunter. Pangalan niya ang itinaya niya para sa kagustuhan ni Alani na mapalaya si Hunter. Ginawa niya ang lahat upang maging kanya si Alani.

Kahit ano pa ang sabihin ni Alani ay alam niyang ginagamit ni Hunter si Alani. Unang-una ay dahil alam ni Hunter ang kanyang pagtingin kay Alani. Alam nitong gagawin niya ang lahat para kay Alani. Magkamatayan na sila ni Hunter pero hindi niya ibibigay si Alani rito.

Natigilan siya nang makita niya si Alani na pumapasok ng gate. Nagmamadaling sinalubong niya ito. Napansin niyang namumula ang mga mata nito.

"Nandito ka pala?" tanong sa kanya ni Alani.

Pilit ang ngiting pinakawalan nito. Nakaramdam niya ng kirot sa kanyang dibdib. Noon pa naman ay nasasaktan na siya nang dahil kay Hunter at ito na naman siya. Nasasaktan pa rin nang dahil sa lalaki.

Niyakap niya ito ng mahigpit. Gustuhin niya mang awayin si Alani ay hindi niya magawa. Kumalas sa pagkakayakap niya si Alani at tumuloy na sa loob ng bahay.

"Gutom ka na ba?" tanong niya pa.

"Hindi pa naman," sagot nitong hindi man lang siya sinulyapan. "Magpapahinga lang ako," dagdag pa nitong wika sa kanya.

Nakamasid lamang siya kay Alani habang umaayat ito sa hagdan. Ang mga hakbang nito ay kaybigat. Hindi niya mapigilang hindi masaktan sa nakikita niya rito. Naging sakim ang kanyang pagmamahal. Ginamit niya ang kalagayan nito upang maging kanyang ang babae. Wala naman siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa dahil mahal na mahal niya ito at lahat ay gagawin niya para sa kanyang pagmamahal kahit pa ang puso ni Alani ay hindi para sa kanya.

Pabagsak na umupo siya ng sofa. Hind niya malaman kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Ilang sandali siyang nasa ganoon ayos nang minabuti niyang sundan na lamang si Alani. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang nakatagilid ito at nakahiga habang humihikbi sa pag-iyak.

Muli niyang isinara ang pinto at hinayaan niya na lamang ito.

Pinilit niya ang gusto niya kay Alani kaya wala siyang dapat na ikagalit. Kailangan niyang tanggapin ang kanyang mga nakikita sa babae. Ang resulta ng kanyang pagmamahal. Ang ipilit ang sarili kay Alani.

INIT SA MAGDAMAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon