CHAPTER SIX
Alani's pov
HINDI alam ni Alani kung ano ang sasabihin kay Becca sa kabilang linya. Napapakagat na lamang siya sa pang-ibabang labi niya. Gusto niyang umiyak pero wala na siyang mailuha pa.
"Kailan mo ba dadalawin si Hunter sa kulungan?" pangungulit pa sa kanya ni Becca. "Naaawa ako sa kanya. Hindi siya ang Hunter na nakilala ko noon. He looks miserable Alani," dagdag pa ni Becca kaya napabuntong-hininga na lamang siya sa sinabi nito.
Hindi na kailangan pang sabihin iyon ni Becca sa kanya dahil nakita niya naman ang sitwasyon ni Hunter.
"Please trust me Becca. Gumagawa ako ng paraan para makalabas si Hunter sa kulungan. Pakisabi naman sa kanya na konting hintay na lang," wika niyang garalgal ang boses.
"Bakit hindi ikaw magsabi sa kanya lalo pa at hinihintay ka niya?"
Umiling siya sa tanong ni Becca. Hindi niya na yata kaya pang humarap kay Hunter. Ano pa ang sasabihin niya rito?
"Hindi na Becca," wika niya sa kaibigan. "Gusto kong sabihin mo sa kanya na ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya. Para maging malaya siya," dagdag niya pa.
"Nasaan ka ngayon? Bakit wala ka'na sa dating inuupahan mo?" pangungulit pa sa kanya ni Becca.
Huminga siya ng malalim.
"Nakahanap ako ng apartment na mas malapit sa trabaho," pagsisinungaling niya. Hindi niya na alam kung hanggang kailan niya paninindigan ang pagsisinungaling niya sa kaibigan. Maliit lamang ang kanilang lugar at tiyak na malalaman din nito ang kanyang itinatago. "May trabaho pa ako Becca. Tawagan na lang kita ha?" wika niya pa bago niya pinatay ang tawag nito.
Natigilan na lamang siya nang patayin niya ang tawag.
Napalingon siya nang tumikhim si Ezekiel sa kanyang likuran.
"May problema ba?" tanong sa kanya ng lalaki.
"Tinawagan ako ni Becca at tinatanong niya ako kung bakit hindi ako dumadalaw kay Hunter," wika niya.
Napansin niya ang pagdilim ng mukha ni Ezekiel dahil sa kanyang sinabi.
"Nakapagluto na ako at kakain na tayo," wika sa kanya ni Ezekiel sabay pasok sa loob ng bahay. Nasa garahe kasi siya ng mga oras na iyon.
Tahimik na sumunod siya sa lalaki. Pagdating niya sa kusina ay nakahanda na nga ang pagkain pati ang mga pinggan ay nakaayos na rin. Uupo na lamang siya at kakain.
"Have a seat," wika pa ni Ezekiel sa kanya.
Ang seryoso ng boses nito. Baka kapag nagkamali siya ay masisinghalan siya nito. Hinila niya ang kanyang upuan at umupo.
"Sinigang lang ang naisip kong lutuin dahil 'yon lang naman ang laman ng freezer mo," wika pa sa kanya ni Ezekiel.
Kahapon ay bumili siya ng isang kilong baboy at mga gulay. Stocks niya na sana iyon para sa mga susunod pang araw pero dahil nangialam ito ay mukhang mag-uulam siya ng sardinas hanggang sa dumating ulit ang sahod niya.
"Wala pa kasi ang sahod kaya hindi pa ako nakapamili," wika niya sa lalaki. Alam niyang hindi ito sanay sa pagkain na kinakain niya. Madalas ay nag-gigisa lamang siya ng gulay na may konting sahog na baboy pero sa kasamaang palad ay inubos nito ang binili niyang karne sa freezer.
Nilagyan siya ni Ezekiel ng sinigang sa maliit na bowl.
"Kaya ka pumapayat dahil tinitipid mo ang pagkain mo," wika pa nito kaya napangiwi siya.
Oo at masarap kumain pero kung lahat ng pera niya ay ibibili niya ng pagkain ay baka mamulubi siya sa mga susunod na araw. Ika nga kumain ng naaayon sa perang kinikita.
"Hindi ko naman tinitipid ang sarili ko. Kailangan ko lang talaga mag-budget," wika niya kay Ezekiel.
"Okay, just eat. Simula ngayon ay hindi mo na titipirin ang sarili mo. I'm here, your backup," nakangiting wika sa kanya ni Ezekiel.
Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang ngiti nito na walang pag-aalinlangan.
Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit kinilig siya sa sinabi nito. Napailing na lamang siya habang tinitikman ang sinigang na inihain nito.
"What?" tanong ni Ezekiel sa kanya.
"Anong what?" kunot-noo niyang tanong.
"Masarap ba?"
"Ah," tumango siya. Akala niya kasi ay kung ano ang sinasabi nito. "Perfect," nakangiti niyang wika. "Hindi ko akalain na ang katulad mo ay marunong pala magluto,"
"Hindi lamang pambababae ang alam ko sweetheart," wika pa ni Ezekiel sa kanya. "Kaya kabahan ka'na at baka mainlove ka sa akin," wika pa ni Ezekiel sa kanya kaya naubo siya.
"Hey, I'm just joking," natatawa na wika sa kanya ni Ezekiel. "Alam ko naman na si Hunter ang mahal mo," wika pa nito na napatitig sa kanya.
"Ezekiel," tawag niya sa lalaki.
Tinitigan siya nito.
"May balita ka na ba tungkol sa paglaya ni Hunter?" tanong niya sa lalaki.
Tumikhim si Ezekiel dahil sa kanyang sinabi. Mukhang mali yata na inungkat niya ang tungkol kay Hunter dito dahil kumakain sila. Nawalan tuloy ito ng gana kumain.
"Sa ngayon ay pinapaayos ko na sa attorney ko ang release paper niya. Kailangan maging malinis ang paglaya ni Hunter at baka madiin naman ang pangalan ko. Ayokong masira ang reputasyon ko ng dahil sa kanya," wika pa ni Ezekiel sa kanya at naiintindihan niya na naman ito. "Gagawin ko ang kasunduan natin Alani pero sana lahat ng gusto ko ay sundin mo rin," wika pa nito sa kanya kaya napatitig siya sa lalaki.
"Handa akong gawin ang gusto mo Ezekiel,"
"Kapag nakalaya na si Hunter ay ayoko nang binabanggit mo siya sa akin. Siguro mas maganda rin na dalawin mo na siya sa kulungan at sabihin mo na hiwalay na kayo," wika pa ni Ezekiel sa kanya kaya natigilan siya.
"Pero Ezekiel, masasaktan si Hunter. Hindi ko yata kayang makita siyang nasasaktan," wika niya pa sa lalaki.
"Mas masasaktan siya kung paaasahin mo siya. Para kapag lalabas na siya ng kulungan ay alam niyang wala na kayo. Hindi na siya aasa pa,"
"Baka naman hindi na kailangan na makita niya-
"Iyon ang gusto ko Alani. Ang makipaghiwalay ka kay Hunter. Sabihin mo sa kanya na tayo na and I don't care," wika pa ni Ezekiel sa kanya. "Ginawa mo na ang part mo. Pinalaya mo si Hunter sa panghabang-buhay na pagkakakulong. Sa tingin mo ba hindi pa sapat iyon?"
"Ako ang may gusto nang lahat ng ito," giit niya sa lalaki.
"Because He asked you!" sigaw ni Ezekiel na ikinagulat niya.
"Paano mo nalaman?" tanong niya.
"Alam mo ba kung ano ang sinasabi ni Hunter sa kulungan? Kung ano ang ipinagyayabang niya? Sinasabi niya na makakalaya siya dahil sinabi niya sa'yo na makiusap ka sa boos mo," wika pa ni Ezekiel sa kanya. "That asshole! Gagamitin ka pa niya," nanginginig sa galit na wika ni Ezekiel sa kanya kaya natigilan siya.
"Hindi niya naman alam ang ginawa ko," sagot niya pa.
"Open your eyes Alani. Alam niyang hindi ko siya tutulungan dahil hindi naman kami malapit sa isat-isa. Noon pa man ay magkaaway kami. Sabihin mo nga sa akin? Bakit sinabi niya sa'yo na tulungan ko siya? Where is the logic?" wika pa sa kanya ni Ezekeil.
Hindi niya malaman kung ano ang iisipin sa mga sinabi ni Ezekiel. Hindi lang naman ito ang nag-iisip sa sinabi sa kanya ni Hunter. Maging siya ay napaisip din pero hindi pa rin kasalanan ni Hunter kung bakit siya ngayon nasa mga kamay ni Ezekiel.
"Oo ginagamit mo ako dahil sa kanya at ginagamit din kita para sa kalayaan niya," wika pa ni Ezekiel sa kanya. "Kung sakali man na palayain kita Alani ayokong mapunta ka kay Hunter. Hindi siya ang lalaking para sa'yo," wika pa ni Ezekiel sa kanya bago ito tumayo at pumasok sa silid nilang dalawa.
Napatitig siya sa pagkaing hindi man lang nito ginalaw dahil sa galit.