CHAPTER THIRTEEN

2K 46 1
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Alani's pov

HINDI NIYA na hinintay na magising si Ezekiel at nagmamadali na siyang pumasok sa munisipyo. Ito naman ang boss kung kaya okay lang ma-late ito ng nang pasok pero siya ay isang hamak na empleyado lamang. Nakakahiya sa mga kasamahan niya kung pumasok siya ng late.

Naabutan niya pa ang flag ceremony bago siya pumasok sa opisina ni Ezekiel.

"Alani," tawag sa kanya ni Ma'am Ina

"Yes Ma'am?" nakangiti niyang tanong.

"Nilagay ko pala sa table mo ang mga kailangan permahan ni Mayor. Delayed ang payroll ng mga empleyado dahil sa tatlong araw niyang seminar," wika pa ni Ina sa kanya.

Ito ang taga-ayos ng payroll ng mga tao. Hindi niya mapigilang hindi makonsensiya sa sinabi ng kausap lalo pa at sa bahay niya lang naman tumambay si Ezekiel sa loob ng tatlong araw na pag-absent nito.

"Sure," nakangiti niyang sagot.

"Sana all nakapagpahinga ng three days," nakangiting wika sa kanya ni Ina kaya pinamulahan siya ng mukha.

"Nagpaalam naman po ako na naghahanap ako ng malilipatan," pagdadahilan niya.

"Wala 'yon,"

Nagulat pa siya nang makita si Ezekiel sa likod ni Ina.

"Updates?" wika ni Ezekiel na ikinagulat ni Ina.

Hindi nito namalayan na naroon na si Mayor.

"Good morning Mayor," bati ni Ina kay Ezekiel.

"Good morning,"

Sinulyapan lang siya ni Ezekiel na akala mo ay walang namamagitan sa kanila.

"Nasabi ko na po Mayor kay Alani ang mga updates na hinihing in ninyo," sagot ni Ina.

"How about my meeting with the engineering department? Ngayon 'yon diba?" tanong ni Ezekiel kay Ina na akmang aalis na.

"Mamayang ten pa po," sagot niya dahil hindi naman alam ni Ma'am Ina ang meeting nito.

Mukhang hindi maganda ang gising ni Ezekiel at ang sungit na naman nito.

"Okay," sagot sa kanya ni Ezekiel na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Asa ka girl,"

Sumenyas sa kanya si Ma'am Ina na lalabas na ito. Lahat ng empleyado ni Ezekiel ay takot dito.

Napabuntong-hininga siya nang maiwan siya kay Ezekiel. Itinuon niya na lamang ang sarili sa pagsusulat ng mga schedule ni Ezekiel.

"Coffee," wika sa kanya ng lalaki kaya tumayo siya at binuksan ang coffee maker.

"Naghanda ako ng almusal bago ako umalis," wika niya sa lalaki habang hinihintay na kumulo ang kape.

"Late na ako kung kakain pa ako," wika sa kanya ni Ezekiel.

Abala ito sa ginagawa sa laptop nito.

"May sinabi ka pala kagabi," wika niya nang maalala ang sinabi nito. Ginulo nito ang kanyang isipan kung kaya hindi siya nakatulog ng maayos.

Nag-angat ng tingin si Ezekiel at tinitigan siya. Ang seryoso ng mukha nito.

"Never mind," wika niya at baka hindi pa ito maniwala sa kanyang sinabi.

Tumalikod siya at kumuha ng tasa at nagsalin ng kape.

Nagulat pa siya nang yakapin siya ni Ezekiel sa likuran.

INIT SA MAGDAMAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon