Chapter 73: The Queen
Thyrone's POV
Nakita ko si mama na namumula ang mga mata habang nakahawak sa kamay niyang dumudugo dahil sa nabasag.
"Yaya! Pakilinisan to." sabi ko habang inaalalayan si mama papuntang mini-clinic namin.
"Anong problema ma?" tanong ko habang ginagamot yung sugat niya.
"K-Kuya mo." sabi niya saka umiyak.
Napabuntong hininga nalang ako.
Death Anniversary pala ni kuya ngayon.
"Okay na ma. Tara na meryenda tayo." sabi ko saka nginitian siya para mabawasan yung mabigat niyang nararamdaman.
Nung gabi na, salo-salo kami nila dad na kumain at pinagdasal si Kuya. Pagkatapos nun, natulog na kami.
[ Time Check: 12:50 mn ]
[ kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing ]
Napabalikwas ako sa pagring ng phone ko.
"Hello?"
[ Tol.]
"Oh Dwayne?"
[ Tol yung babae mo, nakita namin.]
"Gago, wala akong babae."
[ So wala kang pake kung nakita na namin mismo si Shannelle Akira--- ]
"Saan?" napabangon ako kaagad ng marinig ko yung pangalan niya.
[ Haha nandito kami sa harap ng bahay niyo. ]
"Ano?"
[ toot toot ]
Napatakbo ako kaagad pababa, nakita ko sila sa harap ng gate habang nakasandal sa Van ng barkada.
"Saan siya?" tanong ko kaagad.
"Palit ka muna." sabi ni Charles.
Wala ng sali-salita tumakbo ulit ako pataas, naligo sandali saka nagpalit.
"Flash ah." asar ni Jade kaso umirap lang ako.
"Tara na nga, raming pang satsat."
Habang nagbyabyahe kami, di ako mapakali. Ngayon ko lang ulit siya makikita pagkatapos ng ilang taong nakaraan nung high school pa kami.
Tumigil kami sa isang sikat na bar.
"Sila Kai oh." sabi ni Vince.
Napatingin kami sa labas at nakita nga namin sila sa harap ng bar na kakalabas lang sa sasakyan nila. At mukhang nagmamadali silang pumasok.
Pagpasok namin sa bar, isang katahimikan ang sumalubong sa amin. Ang bar na tahimik, wala. May nagiinuman pero hindi maingay.
"Anong meron?" bulong ni Catherine.
"Akira." bulong ko habang nakatanaw sa taas kung saan nakatayo si Shannelle habang nagmamasid at may hawak na baso.
"Thyrone bakit nandito kayo?!" galit na pabulong ni Lance.
"Tol nakita ko si Akira."
"Alam ko at alam niyang pupunta kayo. Dahil dun, ayaw niya kaming papasukin sa VIP room."
"Pano niya nalaman?" tanong ni Catteleya.
"Di ko alam, basta ang alam ko umalis na kayo." sabi niya at pinipilit niya kaming paalisin.

BINABASA MO ANG
The Enemy's Companion: The Queen's Regression BOOK II
Teen FictionA Matured Person. Very Powerful. Very Manipulated Person. A Mafia Boss. Have a Deadly Aura. After how many Years. Did she changed? Many lives been changed. Many secrets were revealed. What will happen to them?