Chapter 71: Inexplicable Things
Third Person's POV
[ Philippines ]
"Shit! Sakit sa ulo yung Prelims tapos ngayon Midterm." daing ni Kris.
"Ganyan talaga." sabi naman ni Cristina habang hinihilot ang ulo.
Sumenyas naman si Lance sa mga kasamahan at palihim na tinuro si Summer na nakatunganga lang sa bintana.
"Summer." tawag ni Althea sa kaibigan.
"Huh?" tanging reaksyon ni Summer.
"Iniisip mo na naman sila." sabi naman ni Luke habang prenteng naka-upo.
"Nakakatampo lang kasi." sabi ni Summer at nangingilid na ang luha.
Lumapit naman sa kanya si Aira.
"Ate Summer, tiwala ka lang. Lahat naman may rason eh." paliwanag niya.
"Anong next subject natin?" tanong nalang ni Lorenz.
"Last subject Income Taxation." sagot naman ni Ivan.
"Tsk yan na naman." daing ni Kai.
"Sila Thyrone pala?" tanong ni Luke.
"Sabi ni Jade nasa cafeteria daw sila." sabi ni Althea.
"Tara?"
Naglabasan na sila sa Special Room at dumeretso sa cafeteria.
Kai's POV
Nag-fist bump naman kaming mga lalaki ng makalapit kami sa mesa nila Thyrone.
"Balita?" tanong ni Dwayne.
Palihim ko namang tinuro si Summer. Nakita kong umiling si Dwayne.
Pangalawang beses na niyang ginawa yun. Ano ba talagang nangyari? Sana kung issue kay Thyrone pwede naman niyang sinabi sa amin.
May humawak naman sa kamay ko, pagtingin ko sa kanya ngumiti siya ng pagka-tamis tamis.
"Nako Catteleya, alam kong wala kang naaalala sa past mo pero mas gugustuhin ko pa yung dating ikaw." sabi ni Brian tsaka ngumiwi.
"Ano ba ako dati?" tanong niya. Kaya nilakihan ko yung mga mata ko sa kanila.
"Uh ano kasi. Hindi ikaw yung tipong ngumingiti ng matamis." sabi ko.
"Ay ganun ba? Anyway, kain nalang tayo. Income Taxation na susunod eh." sabi niya.
Pagkatapos ng break namin, pumunta na kami sa room.
Wala pa yung prof kaya sobrang ingay ng block namin.
Pagkalipas ng 30 minutes, wala pa ring dumadating.
"Yung totoo, may pasok ba tayo o wala na? Sayang oras natin." sabi ni Lance.
"Afternoon class, sorry I'm late." biglang pumasok yung prof namin na haggard tsaka di mapakali.
"Class, ----" hindi niya naituloy yung sasabihin niya dahil biglang pumasok yung isang prof. Gaya niya haggard siya at mukang nagmamadali.
"Mrs. Guztavo. Dalian mo. Malapit na silang dumating." sabi nung prof saka tumakbo paalis.
"Class, pwede na kayong umuwi." sabi niya saka umalis agad.
"Anong meron ngayon?" tanong nung isang kaklase namin.
BINABASA MO ANG
The Enemy's Companion: The Queen's Regression BOOK II
Teen FictionA Matured Person. Very Powerful. Very Manipulated Person. A Mafia Boss. Have a Deadly Aura. After how many Years. Did she changed? Many lives been changed. Many secrets were revealed. What will happen to them?